Chapter XLVIII - When You're Gone

Start from the beginning
                                    

" Wala lang.Hindi lang kasi ako makapaniwala na totoo tong nakikita ko ngayon..Grabe ang tagal na ng huli kitang nakitang gising" Nakangisi nya habang nagkwekwento


"Huh? Ano bang nangyari nang tulog ako?" 


"Napakaraming nangyari nang tulog ka Hailey ..ay mali nung akala namin wala ka nang pag asang magising pero may isang taong may malakas ang loob at naniwala na magigising ka...Hayysss sa dalawang taon na pagkakahimbing mo  ew-" Hindi sya napatapos sa pagsasalita dahil sumingit ako 


 " DALAWANG TAON!!!" 


"Oo!! DALAWANG TAON KANG COMATOSE!!" Sigaw nya habang ginagaya yung pagsigaw ko 


 Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Casey kaya napayuko nalang ako..Nang marinig kong magsalita si Casey pero nanatiling nakayuko parin ako 


"Pagkatapos nung aksidenteng nangyari sayo dun sa airport at nang dalhin ka namin dito sa ospital napag-alaman namin na comatose ka..Araw-araw akong dumadalaw sayo kinikwentuhan ka baka sakaling marinig mo,Minsan pa nga kinakantahan pa kita kahit nagmumukhang na akong tanga...Ewan ko ba pero ito yata ang dahilan kung bakit naging kaibigan kita Hailey" Tiningnan ko sya at nakita ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata nya habang nagkwekwento sya..Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa nilapitan ko siya at niyakap siya ng napakahigpit.....


Pagkatapos ng kadramahan na naganap sa loob ng kwarto ng ospital bigla nalang kaming nagtawanang dalawa sa hindi mo maipaliwanag na dahilan...


"Sige na Hailey tatawagin ko na yung doktor.....Alam mo bang sinabi sa akin ng doktor na ipaalam agad sa kanila sa oras na magising ka ahhahaha!! wala eh nasiyahan tayo eh! Sige na humiga ka na diyan at magkunwaring nanghihina at kakagising palang ahaha !!" Tumawa siya at naglakad na palabas ng pinto pero bago pa siya makalabas mag nag pop-up na sa isip ko sang taong gustong  gusto ko ng makita..


"Ahh Casey saglit lang!" Pag-pigil ko sa kanya 


"Uhmm?" Pagligon nya sa akin habang nakahawak sya sa doorknob


 "Nasaan si James?" Walang ano ano kong tanong sa kanya 


Parang nagulat sya sa tanong ko at parang naghehesitate pa sya kung sasagutin nya ba yung tanong ko...Nang may biglang kumatok sa pinto kaya agad nya akong sinenyasan na humiga at magkunwari na agad ko namang ginawa..Pumikit ako pero may konting butas sa mata ko nakita ko siyang binuksan yung pinto at kunwari ay nagmamadaling hanapin yung doktor at sakto namang doktor yung nasa labas ng pinto agad nya itong hinila papasok sa loob..


"Dok! Nagkamalay na po yung kaibigan ko!!" Sabi niya habng hila hila yng doktor sa kama ko..


"Miss Hailey,Miss Hailey " Bulong nyang tawag sa akin


"Hmmmm" Pagkukunwari kong kakagisng ko lang at mahina pa..


Chineck nya ako at matapos non kinausap nya si Casey at ao naman ay nakapikit lang at hinihintay lang makalabas yung doktor..Pagkalabas na paglabas  nung doktor agad akong bumango at nagbuntong hininga...

While You Were Gone (COMPLETED)Where stories live. Discover now