" I think once or twice " Sabi ni Noreen.

" Alam mo ba na hindi namin sya tinatawagan " N leaned closer to Noreen and noreen gasped and covered her face as she felt nervous. " Bakit? May phobia ba sya doon?" Noreen asked.

" Is it a phobia? ... The last time he answered a call that's when his dad called him and told him that his mom passed away " Sabi ni N. " Simula nun hindi na sya sumasagot ng mga tawag, bahala ka dyan makailang missed calls ka sa kanya ,hindi ka nya sasagutin " Sabi ni N.

" Talaga? Isang call ko lang sa kanya sinagot nya " Noreen wondered.

" You like him don't you?" N asked.

Noreen nodded shyly. " I'll wait for him until he reaches his goal " Sabi ni Noreen.

-

Back when Noreen stayed over Ezra's Grandmother's house, Sinabi ni Ezra na gisingin sya kapag lumabas ng kwarto ang Lolo nya. Nagising ang Lolo nya mga 4 a.m. , gising nadin ang manang at naghahanda ng almusal nila, sinilip ng Lolo ni Ezra ang sala para icheck sya. 

"Goodmorning po sir, sabi po ni Ezra gisingin ko daw po sya pag gumising kayo" Sabi ni Noreen, tumayo sya sa upuan nya.

" Wag na Apo, papahingahin mo muna ang Apo ko, pagod yan sya sa pag aaral"  Sabi ng Lolo ni Ezra. "Ano pangalan mo?" Tanong ng Lolo ni Ezra.

"Noreen po, Noreen Lachica po " Noreen smiled at him. 

"Ahh, Noreen, halika dito hija, samahan mo ako sa kusina "  Sabi ni Lolo.

Inalalayan ni Noreen si Lolo habang naglakad sila papunta sa Kusina, Nandun si manang nag hahanda ng mga kakainin para sa buong araw. 

" Ohh, Lolo sino ang kaibigan mo?"  Sabi ni Manang.

" Kaibigan ni Ezra, girlfriend ka ba nya hija?"  Tanong ni Lolo habang tinulungan sya ni Noreen umupo.

" Ay, hindi po...kaibigan nya lang po ako"  Sabi ni Noreen.

" Hay nako yan talaga si Ezra, Ano ba gagawin natin sa Apo mo?"  Sabi ni Manang na mukhang na str-stress na kay Ezra.

" Alam mo naman yang Apo ko, nag mana sa Lola nya, Hinintay ko pa grumduate bago ko nakuha ang matamis nyang Oo" Sabi ni Lolo as he let out a laugh. 

" Hija, Alam mo ba yan si Ezra bata palang sya gusto na nya maging Doctor, naalala ko pa yan may laruan sya tapos nag che-check up check up daw sya" Sabi ni Manang habang nakangiti at naghihiwa ng repolyo.

" Nakausap ko sya kahapon, tinanong ko sya kung may girlfriend sya ang sagot nya saakin, Wala po. Tinanong ko naman sya kung kelan nya balak, ang sagot nya...Pag may trabaho na po ako, at pag sigurado na po ako " Sabi ni Lolo, Si Noreen naman nakikinig ng mabuti at nino-note lahat sa isip nya.

" Ang sabi ko naman, maganda yan Apo , manang mana ka sa Lola mo at sa Mommy mo, pero tandaan mo wag mo kakalimutan buksan ang puso mo " Sabi ni Lolo. " Ang oras kapag lumipas, hindi mo na mababalik yun, kaya hija , habang bata ka pa gawin mo na laaaaaaahat ng gusto mo, tulad ko. Kontento na ako, kung maubos man hininga ko, handa na ako" Sabi ni Lolo, Dinabog ni Manang ang kutsilyo nya sa chopping board, kumatok sya sa kahoy at nag sign of the cross. " Lolo ,Wag ka ng ganyan!" Sabi ni Manang.

" Bakit? Totoo naman? I have people who love me, Wala akong kaaway. I have beautiful children and grandchildren who's always there for me. May mga loyal akong kaibigan , I thank God everyday for my beautiful life " Sabi ni Lolo, Si Manang nakasimangot napangiti na.

12:30 ( B2ST FANFIC )Where stories live. Discover now