Trigger 51 - Little by little..

7.2K 120 6
                                    

[Edited Ver.]


Little by little..



Lloyd's PoV :

Mabuti nalang pala ang napigilan ko pa kahit kaunti, ang damdaming namumuo na para kay Bella--Belle pala. Kahit papaano makakaya ko pa rin siyang harapin at ituring na talagang kaibigan at ituring na parang anak ko rin si Sabrienne. That kid is adorable and smart for her age. Bagay na bagay talagang maging mag-ina sila kahit na nga hindi silang magka-dugo. 

Sa loob ng tatlong taon, naging mission in life ko si Bella--Belle at kung paano ko siya matutulungan lalo na't para siyang nawawala na bata at hindi alam kung anong gagawin o kung sino man lang siya. Ngayong nakakaalala na siya, masaya talaga ako.

Nawala ang mga iniisip ko noong may babaeng tumabi malapit sa upuan ko dito sa Bar counter ng sikat na Atlantica Bar and Resto. She looks familiar but I don't know how did I knew her or where did I meet her. 

Cessna: "One bottle of vodka, please."

Iyon ang narinig kong in-order niya sa bartender at binigyan niya pa ng ngiti ang lalaki at sa hindi ko malamang dahilan, nainis ako sa lalaking bartender. Pero ang wirdo ko lang kasi hindi ko dapat nararamdaman iyon dahil hindi ko naman kilala ang babae. Siguro nakita ko lang siya ng isa o dalawang beses kaya pamilyar siya sa akin.

Ibinaling ko nalang ang tingin sa iniinom kong liquor.

Cessna: "Ouch talaga. Nakakasakit ka na talaga ng feelings, Samuel Lloyd Sarmiento. Tsk!"

Agad akong napalingon sa babaeng nasa gilid ko at parang wala itong sinabi na uminom lang tapos bigla akong tiningnan ng mataman. So I really knew her? 'Cause she knew me! She even said my full name.

Cessna: "Ngayon titingin-tingin ka ng ganyan? Wow, shocked ka? Tss."

Pinipilit kong alalahanin siya, kung saan ko nga ba siya nakilala at kung sino siya at paano ko siya nakilala hanggang sa parang may umilaw na bumbilya sa utak ko at unti-unti akong napangiti.

Lloyd: "Cessna Dimagiba.. is that really you? P-pero.. hindi naman ganyan ang hitsura mo sa office--"

Cessna: "I looked ugly with that nerd get-up, right? Kaya nga hindi mo ako napansin e."

Kulang ang sabihing nagulat ako sa hitsura ng secretary ko ngayon. Ibang-iba sa babaeng parang manang kung manamit at mag-ayos na nasa office ko at ginagampanan ng tama ang mga duties niya. 

Umiling ako sa sinabi niya dahil hindi naman iyon ang talagang inisip ko. Naisip ko pa nga na maganda siya kahit na ganoon ang ayos niya.

Lloyd: "That's not what i'm thinking, don't judge me that easily."

Cessna: "Ano pala ang tingin mo sa akin bilang manang look-alike mong sekretarya?"

Lloyd: "Kahit na ganoon ang hitsura mo maganda ka, Cess. Mas gumanda ka pa nga ngayon at hindi ko alam na may ganyan ka palang itinatago sa loob ng tatlong taon na nag-t-trabaho ka sa akin."

Imbes na sumagot, nagkibit-balikat lang ito at ininom ang vodka niyang nasa maliit na baso. Habang umiinom siya ay napagmasdan ko siya ng maigi at nakita ko ang kabuuan ng mukha niya. I can't just say that she's beautiful because she's more than that. Her beauty is beyond words to describe. 

Cessna: "Mag-isa ka ata? Where's your fiancee? Si ma'am Bella?"

Lloyd: "Parang may naririnig akong selos sa boses mo?"

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon