SIAE: Chapter Eight

2 0 0
                                    

Alexander's POV

"Hmm, himala sayo pre. Buti di ka umiyak pagkatapos ng lahat ng yun". Pagcocomfort sakin ni Stephen. Kung comfort nga bang matatawag yun.

Nandito kami ngayon sa ST Museum ko. At nasabi ko na sa kanya yung mga nangyare.

"Psh! Hinding hindi ko iiyakan ang isang kagaya niya noh". Pinagsusuntok ko yung life-size stuffed toy ko na Shrek.

"Oh, easy ka lang pre. Napaghahalataan kang affected eh"

Tinignan ko siya ng masama.

"Eh ano ngayon?? Ikaw kaya ang lumugar sa lugar ko. Hayyss, ang sakit Pen". Binato ko nalang yung Shrek dun sa malayo.

"Psh, para kang bakla dude! Umayos ka nga. Lalaki tayo! Wag mo namang sirain ang reputasyon naten"

"Pinagsasasabi mo?"

"Hays, Alex, Alex, Alex. Hindi tayo ang naloloko. Dapat tayo ang Nanloloko. Cheer up dude! Tara hanap tayo chiks"

Binatukan ko siya ng malakas. Siguro naman alam na niya ang ibig sabihin nun.

"Aray!! Oo na oo na! Jukk lang". Hinimas pa niya ang likod ng ulo niya.

"Psh, anong oras na ba??"

Tinignan niya yung wrist watch niya.

"11:45. Bakit??"

Inayos ko na yung sarili ko.

"Papasok nalang ako. Kaysa naman magmukmok lang ako dito. Lunch time na ngayon kaya pwede pa"

"Sige! Sama ako"

Umalis na kami sa ST Museum ko at dumeretso sa school. Hayss, Keziah Macy Triones. Kakaiba ka talaga. Biruin mo? Siya lang ang babaeng nakasakit sakin ng ganito.

* Pederez International Academy*

"Sige pre una na ko". Tumango nalang ako kay Stephen. Maglalakad na sana ako ng nakita kong may nagkakagulo sa bandang kanan ko.

May nakita akong grupo ng mga babae na pinagtutulungan ang isang babae. Pinuntahan ko kaagad yun at inawat sila.

"Hoy hoy!! Anong nangyayari dito?!"

Nagulat naman yung grupo ng mga babae sa presensiya ko.

"U-uh sir Alex--". Hindi na natuloy ng isang babae ang sinasabi niya kasi nagsalita pa yung isa.

"Eh sir! Itong babae naman po ang nagsimula. Kumakain lang po kami ng tahimik nung tinulak niya yung kaibigan ko". Biglang singit nung isang mukhang palaban na babae.

"Oo nga!". Sabi pa nung dalawang babaeng kasama nila.

Tinignan ko yung babaeng binugbog nila. Mukha naman siyang mabait at mahina. Panong magsisimula nalang ng gulo ang ganitong klaseng babae??

"Kahit na! Hindi yun sapat na rason para pagtulungan niyo ang iisang babae. Tsaka dito pa sa school grounds?? Para kayong mga bata! Pumunta kayo ngayon sa Guidance at sabihin niyo pinapapunta ko kayo. Ok?!"

Halata mo ang inis sa mukha nilang apat.

"Dapat kasama yang babaeng yan ah?!". Tinuro niya yung babaeng binugbog nila.

"Ako ng bahalang magdala sa kanya sa Guidance. Umalis na kayo"

Wala rin silang nagawa at umalis na.

"Ok ka lang ba??". Tanong ko dun sa babae.

"O-ok naman po sir". Ang dami niyang sugat sa mukha at braso. Aish, alanganamang pabayaan ko to??

She is an EvilWhere stories live. Discover now