SIAE: Chapter Two

11 1 0
                                    

Alexander's POV

"NAKS PRE DI NGA?!". Hayss loko talaga tong si Pen. Nakwento ko na kasi sa kanya yung mga nangyare. At ayun! Tuwang tuwa nung makita yung mga pictures ni Keziah sa facebook.

"Kung eto lang rin naman ang mangaalipin sakin, aba! Di na ko aangal pre! Hahaha!". Ay, nga pala, siya si Stephen Lou Pacoma. Best friend ko nung bata pa ko. Isa siyang dakilang Playboy! Sampu-sampu syota nyan. Hayys, nasaktan kasi sa first love niya kaya ayan. Take note! Hanggang ngayon walang kaalam alam ang mga girlfriends niya sa pinaggagawa niya. Psh, ewan ko ba dyan.

"Loko ka talaga. Ni sa magulang ko nga hindi ako napayag na uutos-utosan lang ako tapos siya?! Gagawin lang akong aso? Ha!". Psh, nabubwisit parin talaga ako sa babaeng yun.

"Hahaha! Bagay naman sayo pre. Tsaka kung ginagamit ka lang niya, edi gamitin mo din siya!". Tinignan pa ko ni Pen meaningfully.

"Yan ka na naman sa mga kalokohan mo eh. Wag mo nga kong itulad sayo na sampu-sampu ang syota!"

"Hahaha! Atleast ako kaya kong panindigan! Eh ikaw, ang hina mo pre! Di mo kayang pagsabayin sina Jess at Trina. Yan tuloy nahuli ka. Hahaha! Di mo kasi kayang mamangka sa dalawang ilog eh!". Sinipa ko si Stephen sa sobrang inis.

"Tumahimik ka nga Pen! Sasapakin na kita eh. Kasalanan ko bang LOYAL ako??"

Nagpoker face naman bigla si Stephen.

"Loyal daw?? Wushu! Dun ka nga wala kang maloloko dito! Pustahan, yang si Hannah at Keziah naman ang pagsasabayin mo! Pustahan tayo!"

Haist, narinig ko na naman ang pangalan ni Hannah.

"Mukha mo! Wag mo na ngang babanggitin yung pangalan ni Hannah! Kinikilabutan ako!"

*knock knock*

Natigilan kami ni Stephen nung may kumatok sa pinto. Pag bukas nung pinto, yung isa pala sa mga maid dito sa bahay.

"Sir Alexander? Tawag na po kayo ng parents nyo sa baba. Dumating na po sila".

Speaking of the devils.

"Oh, andyan na pala sila. Goodluck pre". Tumango nalang ako kay Stephen at nag bro-handshake kami. Pagkababa ko nandun na nga sila. Kadarating lang.

"Son, what will you say?". Bungad sakin ng Daddy ko.

Psh!

"Good afternoon Mr. and Mrs. Nazario". Nakangiting bati ko sa magasawa. Nagpretend nalang ako na hindi ko nakikita si Hannah na nasa MISMONG harapan ko lang.

Tinignan ako ni Mom meaningfully. Na para bang sinasabing batiin ko din si Hannah. Aish!

"Long time no see Hannah". I said with a fake smile.

Tumango nalang si Hannah sakin habang nakasmile.

"So kumpadre! Let's just leave my son and your very beautiful daughter alone. They need time to know each other before the wedding!". Masiglang sabi ni Dad kay Tito.

Yep! You heard it right. She's my FIANCEE, unfortunately.

"Haha! I know Kumpadre! And you have to show us around your beautiful mansion too!"

Bago sila makaalis tinignan ko si mom na para bang nagmamakaawa.

Pero tinignan lang ako ni mom na parang nagsasabing 'umayos-ka-patay-ka-sakin'.

Haist no choice.

"So, wanna go out?". Tanong ko kay Hannah.

"Sure! Let's go to the mall!". Maarteng sabi ni Hannah sabay hawak sa braso ko.

She is an EvilWhere stories live. Discover now