SIAE: Chapter five

4 0 0
                                    

Alexander's POV

"Who are you?". Tanong sakin nung lalaking nanakit sa labidabs ko.

"Ha! Who am I?? I think the real question is WHO ARE YOU!"

Ha! Lakas ng loob niyang pumasok dito. Sino ba siya sa akala niya?

"Teka teka teka. Anong ginagawa mo dito?". Biglang singit ni Keziah.

"Masama bang bisitahin ko ang GIRLFRIEND ko??". Talagang pinagdiinan ko ang salitang Girlfriend para matauhan tong lalakeng to.

"Girlfriend??". Tanong nung lalaki kay Keziah.

"Oh yah, I forgot". Tumayo si Keziah at pumagitna saming dalawa.

"Nate, meet Alexander, my Pet Dog. Chuchu, meet Nate, my Secretary"

Hmp!

"Pshsecretarylangnamanpalakungmakaasta"

"Petdogpshnakakaawanaman"

....

....

"Anong sinabi mo?!"- Me/Nate

Aba buset tong lalakeng to ah!

"Hep hep! Kung magkakagatan kayo pwede wag sa opisina ko?!". Awat samin ni Keziah.

"Labidabs pwede bang paalisin mo na yang SECRETARY mo?? Working hours ngayon ah? Bakit di siya nagtatrabaho??"

Sinamaan ko pa ng tingin si Nate. At siya din tinitigan ako ng masama.

"Oo nga pala Nate. Yung mga pinapagawa ko sayo. Do it now"

Nagsmirk naman ako kay Nate. Haha! I win!

"At ikaw naman Chuchu. Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na wag mo kong tatawaging labidabs! Umalis ka na. Sinabi ko bang puntahan mo ko dito??"

T_______T

Tama bang paalisin ako?!

Nakita ko si Nate na nagsmirk din sakin.

"Sa pagkakaalam ko Keziah, meron tayong policy dito na NO PETS ALLOWED. Pero hindi yata yun naiintindihan ng lalaking to. By the way, aalis na ko. I'll bring you the update Asap"

Abat--?! Ang sarap talagang sapakin ng taong yun! Buti nalang umalis na siya.

"Oh, ano pang hinihintay mo Chuchu? Alis na din". Sabi sakin ni Keziah habang bumabalik sa table niya.

Ngayon ko lang napansin ang lawak ng opisina niya. Buong floor ba naman eh. Parang bahay niya narin tong office niya. May sala, maraming pinto, maliwanag sana kung bubuksan niya lang ang mga bintana. Hmm, makagala nga. Ay! Nakalimutan ko.

"Nga pala Keziah, this is for you"

Inabot ko na sa kanya si Grumpy. The moment na nahawakan ni Keziah yung Stuffed Toy napapoker face na siya.

"Wow.. ang cute ah? Mukhang MASAYA siya". Sarkastikong sabi ni Keziah.

Hahaha!

"Haha! Naalala kasi kita sa kanya eh. Laging nakasimangot tapos akala mo laging may kaaway"

"Anong sinabi mo?!"

"Hahaha! Oh tignan mo???"

Nung narealize ni Keziah yung naging reaction niya napangiti siya. Woah! Ngumiti siya?!

"Thanks Chuchu". Nakangiti paring sabi sakin ni Keziah.

Nakatulala lang ako sa kanya. Ewan ko ba pero napapatulala ako lagi pag nakikita ko yung genuine smile niya.

She is an EvilDove le storie prendono vita. Scoprilo ora