SIAE: Chapter Three

14 0 0
                                    

Alexander's POV

*beep beep*

1 messages received

From: Master

Hey chuchu! Bring me a drink. Now na! Subukan mo lang akong paghintayin.

Aarrgghhh!! Talagang cinareer na ng babaeng yun ang gawin akong utusan! Minu-minuto nakaka-receive ako ng utos mula sa babaeng yun! And take note! Hindi kami magkaschool mate. Kung makautos siya parang ang lapit lapit ko lang sa kanya. Arrgghh!

*beep beep*

1 messages received

From: Master

Aba kilos na! Baka patanga tanga ka pa dyan ah? Btw, ayoko ng cheap na drinks ah?

Psh! Tignan mo demanding pa! Buset eh! FYI lang po sa inyo readers, siya po naglagay ng name niya sa contacts ko. Subukan ko lang daw ibahin yan.

To: Master

Onah onah! Eto na nga nakilos na oh. Chillax ka lang kasi dyan. Demanding eh.

Wala pang isang minuto nung nagreply ulit siya. Bilis ah?

From: Master

Aba nasagot ka pa ah? Lagot ka sakin mamaya. Bilisan mo! Naiinip na ko.

Gulp. Eto na nga kikilos na diba?

To: Master

Hehe para naman tong di mabiro. Opo papunta na Master.

"Naks! Mukhang happying happy ang repapits ko sa katext niya ah?". Biglang singit naman tong si Pen! Opo classmate ko siya. Wag nyo ng tanungin kung bakit at pano.

"Anong happy ka dyan? Pinagsasasabi mo?"

"Suuuuss! Nakangiti ka kaya habang nagtatype ka. Si Keziah yan noh?". Panloloko sakin ni Pen.

"Tigil tigilan mo nga ko Pen. Oo siya nga. Nga pala, ikaw nang bahala sa prof natin mamaya ah? Magccut ako ng class"

Nagpoker face naman sakin si Stephen.

"Luh?! Porket ikaw may ari ng school na to paditch ditch ka nalang ng class mo?? Yan ang hirap sa Pinas eh!"

Yep ako po may ari ng school na to. Well, future palang kasi I just turned 21.

"Andrama mo Pen. Oh sige na alis na ko ah?". And with that umalis na ko. Baka patayin pa ko ng babaeng yun pag nagtagal pa ko.

Umorder na ko ng coffee sa pinakamalapit na coffee shop dito. Since di ko naman alam ang favorite niya, yung favorite ko nalang ang inorder ko. Ano pa ba edi Rock Salted Caramel! Ang pinalagay ko na name sa cup eh "Labidabs" haha! I know she hates me calling her like that. Pero bawi ko na yun sa kanya noh!

Pagkadating ko sa school nila pinagtitinginan na ko ng mga tao. Hayss ngayon lang ba sila nakakita ng tao?!

Ay nakalimutan ko. Hindi ko nga pala alam kung asan si Keziah. Hmm, magtatanong tanong nalang ako dito. Chance ko narin to para malaman kung famous ba yung Keziah na yun. Hahaha I bet not.

Nilapitan ko yung lalaking mukha namang desente. Baka kasi pag babae tinanong ko kung saan pa ko papuntahin.

"Uhh excuse me. May kilala ka bang Keziah Macy Triones? Hinahanap ko kasi siya eh. Nagbabakasakali lang naman na kilala mo siya"

Natawa naman yung lalaking kausap ko.

"Ah si Ms. Perfect? Sino ba namang di nakakakilala dun? Bakit girlfriend mo?"

She is an EvilWhere stories live. Discover now