PROLOGUE

20 0 0
                                        

Hindi na ako madaling magtiwala pagdating sa pag-ibig. Hindi na nga mabilang kung ilang beses na akong iniwan at nasaktan.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi muna ako magmamahal muli. Na hindi ko muna bubuksan ang aking puso.

Ngunit , ano itong nangyayari sa akin? Heto ako at umaasa sa isang lalaking minsan na akong sinaktan at iniwan.

Hindi ko inaakalang kakainin ko rin pala lahat ng pangako ko sa aking sarili. Hindi ko siya dapat bigyan ng pagkakataon. Hindi ito dapat mangyaring muli.

Natatakot na ako. Natatakot na baka pagdating ng araw, maiiwan na naman ako ritong mag-isa at umiiyak. Ayokong dumating ulit ang oras na pagsisisihan kong muli ang aking mga desisyon.

Anong dahilan ng pag-iwan niya sakin? Saan ako nagkulang? Hindi ba ako ganoon kaganda? May mali ba akong nagawa?

Yan ang ilan sa mga tanong na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan.

Ngunit may isa pang tanong na bumabagabag ngayon sa aking isipan.

Tama ba ang desisyon kong mahalin siyang muli?

↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔↔

xoxo,

          J E S V Y N E

Unexpected Stay // BTS Jimin FanFictionStories to obsess over. Discover now