Six: Revelation(Edited)

Mulai dari awal
                                    

C. The natural force that tends to cause physical things to move towards each other : the force that causes things to fall towards the Earth

Matagal kong tinitigan ang test paper ko. Ano'ng isasagot ko? Hindi ko alam. Bahala na huhulaan ko na lang ito.

"Letter B..."

My heart skipped a beat when someone whispered to my ear. Ayan na naman siya. Tumingin ako sa gawing kanan ko. Nakita ko siya nakayukod sa akin para magpantay ang mata namin. Ngumiti siya sa akin nang tipid at kumukurap siya na tila nagpapa-cute sa akin. Nakalagay ang magkabila niyang kamay sa likod.

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagsagot. Ayoko siyang pansinin dahil hindi ko sure baka makausap ko siya tapos sabihan na naman ako ng mga tao na nababaliw. Kainis nandito na naman siya. Wala bang rest day ang mga multo, nanggugulo na naman.

"Letter B. Isulat mo letter B." pangungulit niya. Humarap siya sa desk ko. Itinukod niya ang kanyang baba sa desk habang nakatingin sa akin. Itinuro niya ang letra na dapat kong bilugan tapos ay ngumiti siya. "Thank me later."

I scratched my chin. Kunwari nag iisip ako. "Hmm. Ano kayang sagot?" Kunwa'y hindi ko siya narinig. "Eenie meenie miney--"

Napapikit ako sa inis nang batukan niya ako. Tumama ang noo ko sa desk. Pinigil ko ang sarili ko kahit naiinis na ako. Sa lakas ng kalabog napukaw ko ang atensyon ng lahat including our teacher. Nakakabuwisit naman ito. Hmm! Makakapatay na talaga ako ng patay.

"Kunwari ka pang nag-iisip d'yan. Letter b nga!"

Bumulong ako. " Tumigil ka nga, gusto kong sagutan ito ng ako lang. Kahit ngayon lang kailangan ko ng kapayapaan." Nagtiim-bagang kong wika at ikinuyom ang kamao ko.

"Ang sabi mo ayaw mong mabokya sa test?Tinutulungan ka na nga galit ka pa. Eh bobo ka naman." Tumayo siya at inismiran ako.

Para talaga siyang bata. Anang isip ko.

"TIGILAN MO NA AKO UTANG NA LOOB!" hiyaw ko sa kanya. Sa gigil ko ipinukpok ko ang lapis sa desk. Naputol tuloy ang panulat niyon. Nagtinginan sa akin ang mga classmates ko even my subject teacher when I screamed.

"Ms. Fuentes, Sabi ko sa inyo nababaliw na siya!" sumbong ni Joshua sabay turo sa akin. Nasa harapan sila nakaupo ako naman nasa bandang likuran nila. Takot na takot siya na itinaas ang kwintas na krus at tinutok papunta sa akin.

"Quiet, Mr. Ferrer." saway ni Ms. Fuentes sa kanya sabay tingin sa'kin. Tumayo siya at lumapit si teacher sa lugar ko. "May mga classmates kang nagti-test. Please observe silence, Miss Garcia."

Yumuko ako. "I'm sorry po," Kumuha ako ng pantasa at muling tinasahan ang lapis ko.

"Continue." Wika ni ma'am sa amin at tumalikod na. Napaalam siyang lalabas muna saglit sa room.

"Baliw. Isa kang baliw." sabi bigla ni Joshua. Tiningnan ko siya saglit bago itinuon uli ang pansin sa test paper ko. Tumalikod na rin siya na naiiling.

"Sagutin mo na, B."sumingit na naman si Gluta boy sa gilid. Tinitigan ko siya ng masama.

"Ano?" He murmered.

"Tumigil ka." bulong ko rin sa kanya. Kunwari ko siyang inundayan ng saksak.

Saglit siyang nawala sa paningin ko. Napabuntung-hininga ako ng malalim nang malaman na wala na siya. Sinunod ko ang sinabi niyang sagot. Sana nagpatulong na lang ako sa kanya. Nagmamatigas pa ako pero mas okay na rin iyon. Ayoko mandaya atsaka ayokong nangungulit siya sa akin.

Lumakas ang hangin galing sa may bintana na nagdala sa akin ng kilabot. Halos lahat ng papel namin muntik nang tangayin ng hangin mabuti na lang at nahawakan ko iyong akin.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang