Seven: The transferee is a celebrity 1(edited)

1.6K 74 6
                                    

Seven :The transferee is a celebrity 1


Paakyat na sana ako sa may hagdanan papuntang second floor nang may mambato sa akin at tinamaan ako sa likod ng ulo ko. "Aahh!" daing ko. Pagtingin ko sa bagay ginamit pambato sa akin, tennis ball pala. Gumulong iyon palayo sa akin. Lagi na lang ba akong binabato? tss.



Narinig ko ang tawanan ng mga babae sa bandang likuran ko kaya ako napalingon. Nakita ko ang taong nagpahiya sa akin kahapon;si Nelorie. May kasama siyang dalawang babae. Ang babaeng sobrang lawak ng imahinasyon dahil sabi niya kahapon isa raw akong witch. Well, mukha lang naman. Grabe siya manlait, mukha ba akong may hawak na walis? vacuum kaya gamit ko kahapon.



"Oh ano, bitchy witchy masakit ba?" nakangising tanong niya habang hinahagis pataas at sasaluhin ang isa pang tennis ball. Kinuha niya ito sa kasamahan niya na may hawak pang dalawa sa magkabilaang kamay. "Gusto mo pa ng isa?" binato niya ulit sa akin ang bola. Tumagilid ako ng kaunti kaya tumama iyon sa kaliwang pisngi ko.



"Ahh!" nasapo ko ang tila namanhid kong pisngi, natumba ako sa lakas ng pagkakabato niya.



Nagtawanan silang tatlo na lalong lumapit sa akin sa kung saan ako nakatayo. Inangat ko ang aking ulo. Nakatingala ako sa kanila dahil nagtaasan ang kanilang suot na heels.



"Sorry, ah. Natamaan ka." she said sarcasticly. Tinaasan niya ako ng kilay na tila ba hinihintay niya kung ano ang gagawin ko.


Hindi ko siya pinagtuunan ng pansin saka tumayo ng maayos. Inayos ko ang pagkakasukbit ng kulay asul kong bag at nag-inat-inat sa harapan nila. Pilit kong ipinahalata sa kanila na wala lang sa akin ang ginawa nila. Tingin ba nila ay iiyak ako dahil lang doon? Kahit masakit ang pisngi at ulo ko, ipinakita ko sa kanila na wala akong naramdaman. Kung papatulan ko sila ay lalo lang lalala ang lahat baka mas matindi pa ang gagawin nila kung ipagtatanggol ko ang sarili ko sa kasamaan nila. Isa pa, no to violence kasi ako. Nginitian ko silang tatlo bago tumalikod at nagsimula nang humakbang paakyat.



"Hoy! Bitchy, bumalik ka nga rito!" sigaw niya pero hindi ko siya pinansin. Kunwari lang akong kalmado pero natatakot din ako sa kanya. Sa itsura kasi ng mukha niya parang kahit ano'ng gawin ko ay hindi siya titigil hangga't hindi nakukuha ang gusto niya. Mabilis akong humakbang paakyat. May mga students na nakatmabay sa mga baitang, nagsitayuan sila para magbigay ng daan. Nagulat na lang ako nang may kamay na sumambunot sa buhok ko at kinaladkad ako pabalik sa first floor.


"You bitch! Huwag na huwag mo akong tatalikuran! Sinabi ko naman sa iyo na magiging hell ang buhay mo!" lalong hinigpitan ni Nelorie ang sabunot niya sa akin. Pagbalik namin sa first floor ay hinaribas niya ako kaya napadapa ako sa sahig.


Nasaktan ako ngunit hindi ako umiimik. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. May dalawang tao na lumapit sa akin at hinigit ako sa braso. P'wersahan nila akong itinayo. Pinaharap nila ako sa gawi ni Nelorie.


Nagsimulang dumami ang mga nakikiusyoso na estudyante sa paligid. Aaminin kong madalas akong ma-bully sa school but not like this. Iyong tipong gumagawa na ng eskandalo at marami ang nakatingin. Dati tuwing nadadaanan ko sina Nelorie na may binu-bully na estudyante ay nagkikibit-balikat na lang ako, takot ako na sitahin sila dahil baka ako naman ang pagbuntungan nila ng galit. Ngayon alam ko na ang pakiramdam na walang tumutulong sa iyo na kahit na sino.


I don't know why but I kept calling Kean on my mind. Ngayon mo ako tulungan, Kean please ikaw naman ang may kasalanan nito eh. Tumingin ako sa paligid, nagbabakasakali ako na makita siya ngunit nabigo ako.



Nakangisisi Nelorie na nagpameywang sa harap ko. "Haven't I told you already, I will make your life a living hell. Well, I'm just warming up." sinampal niya ako sa kanang pisngi.Hindi pa nga umiimpis ang sakit ng sampal niya kahapon dinagdagan na naman niya Malala baa ng ginawa ko sa kanya at bakit galit nag alit siya, Hindi nya ba naisip na baka wala naman talaga akong kinalaman sa nangyari? Akala ko pa naman matalino siya, iyong mga katulad niya dapat ay hindi nagpapaniwala sa bagay na hindi pa napapatunayan ng siyensiya pero ewan ko ba parang gusto niya lang talaga na may naaapi.

Mysterious Case Of Love [COMPLETED] [UNEDITED]Where stories live. Discover now