Trigger 50 - The secret

7.5K 116 3
                                    

[Edited Ver.]


The secret



CJ's PoV :

Nakakapagod! Pero naging masaya naman ang vacation namin kahit na may mga gumugulo sa isip ko. Ngayon, balik na naman kami sa kanya-kanyang buhay at trabaho namin and I also need to do my job as the owner of Atlantica. Kaya dumiretso agad ako doon pagkatapos kong ihatid sa bahay nila si Ela.

Sa private office ko ako tumuloy at maya-maya ay pumasok ang tagapamahala ng Atlantica habang wala ako, si Marvin. Nginitian ako nito at medyo yumuko pa. 

Marvin: "Heto na po iyong mga records of sales sa isang linggong wala kayo."

Inilagay niya ang mga papeles sa ibabaw ng mesa ko kaya tiningnan ko naman agad ito, natuwa naman ako at naging maayos pa rin ang takbo ng Bar kahit nawala ako ng panandalian. Nag-angat ako ng tingin kay Marvin at binigyan ito ng ngiti.

CJ: "Good job, Marvin. Maaasahan ka talaga  at dahil dyan may increase ang sahod mo this week. Ok ba iyon?"

Marvin: "Ok na ok, sir CJ! Thank you po at gagalingan ko pa po sa susunod."

CJ: "Aasahan ko iyan. Sige, pwede ka nang bumalik sa trabaho mo."

Nagpaalam na nga ito sa akin kaya ibinalik ko na ang tingin sa mga papeles na kailangan kong tingnan, pero napaangat ulit ang ulo ko at tiningnan si Marvin na nakakapagtakang bumalik sa harap ng mesa ko.

CJ: "What is it? May sasabihin ka ba?"

Marvin: "Muntik ko na pong makalimutan pero may pumunta pong babae dito kahapon. Hinahanap ka po niya, sir CJ kaya siyempre po sinabi kong wala kayo at nag-bakasyon."

Napaisip tuloy ako bigla kung sinong babae ang pwedeng maghanap sa akin. Hindi naman pwedeng si Ela since kasama ko siya. Wala rin naman ang parents ko dito, nasa Korea sila ngayon naka-base. Wala rin akong kapatid, babae man o lalaki. 

Napalingon ulit ako kay Marvin noong may ibinigay ito sa aking nakatuping papel. 

Marvin: "Ang sabi ng babae basahin niyo nalang po raw iyan at malalaman niyo kung sino raw siya. Sige po alis na ako, Sir."

Tumango ako kay Marvin at hinintay itong tuluyang makalabas. Noong alam kong wala na siya, tsaka ko binuksan ang papel na nakatupi at napatayo ako sa gulat noong mabasa ko ang nakasulat.

'Contact this number, 0936-xxx-xxx. You'll know me when you read this letter.'

Wala akong inaksayang panahon at agad kong idinial ang number niya sa cellphone ko at itinapat ko sa tenga. Makalipas lang ang dalawang rings, may sumagot sa kabilang linya. No doubt, she's really our Belle.

Belle/Bella: *Hello?*

CJ: "I heard you were looking for me, Belle?"

Matagal itong natahimik, akala ko nga namatay na ang tawag pero hindi naman. May narinig akong huminga ng malalim, parang nag-buntong hininga, tapos ay nagsalita rin ang nasa kabilang linya.

Nanginginig pa ang mga kamay ko sa magkahalong excitement at pagkasabik, dahil ang inakala naming patay na anim na taon ang nakalilipas ay ito at kausap ko pa. Sigurado akong kapag nalaman ng ibang agents ito, lalo na si Therbie, baka mas higit pa dito ang maramdaman nila.

Belle/Bella: *I am. Can we meet today?*

CJ: "Sure, we can! Um, h-hindi naman ako busy and I have many questions i'd like to ask to you."

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon