"What the hell is happening?" Bulong ni Nova sa akin.

"Lagot ka!! May ginawa kang hindi maganda hano? Tsk tsk." Panghaharot ko sa kanya.

Inambahan niya ako ng suntok. "Shut up! Wala akong ginagawa! WALA PA!! So don't provoke me kasi kung hindi... Unang beses akong makakagawa ng hindi maganda!"

Nagtuloy-tuloy kami sa pintuan ng grocery at binalewala ang mga sundalo. Nag-pause kami sandali sa entrance.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko dito.

"I-I don't know. Just let me handle this, okay?" Sabi ni Nova na cool na cool.

Binuksan na ulit namin yung pintuan at tumunog nanaman yung bell. Nauna akong pumasok kesa kay Nova kaya ako yung unang nakakita kay boss Bart na busy na busy sa cashier.

"Welcome to Bart's Mart." Sabi nitong hindi kami nililingon. After a few seconds ay nag-angat na ito ng tingin sa akin. "O Yasushi, ikaw pala yan! Kamusta yung inutos ko sa'yo, okay na?"

Then napansin nito si Nova na nakatayo sa likuran ko.

"Hey boss. Good Evening." Bati dito ni Nova. Biglang nagbago ang personalidad nito at naging sweet... Sickeningly sweet... Disgusting...

"O Nova! Andyan ka pala. Ikaw ha, hindi ka pumapasok sa shift mo buti na lang mabait ako kaya hindi ka pa sesante. Sa susunod kasi na hindi kayo makakapasok, tatawag kayo." Panenermon nito.

"Yeah... About that. Thank you for not firing me. Marami lang po talagang problema sa bahay ngayon. But I came here in person when Yasushi told me about the misunderstanding that I caused regarding the bullets that I bought from boss Diego. Lilinawin ko lang po yung nangyari. The truth is..."

Napaisip ito. Parehas kaming nakinig ni boss Bart sa sasabihin ni Nova. Ano naman kaya yung palusot na idadahilan nitong baliw na 'to?

"T-The truth is..." Naghintay kami ng ilang segundo nang bigla itong umakbay sa akin. "You know what? Sabi kasi ni Yasushi na gusto daw niyang siya yung magku-kwento sa inyo kaya hahayaan ko na lang siya."

Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba siya na yung bahala?!

Napakamot ako sa ulo ko.

"S-Sinabi ko 'yon?" Bigla akong siniko nito sa tagiliran. "AYYY oo nga! Sinabi ko pala 'yon! Grabe pala hindi ko naalala! O-Okay! A-Ano daw po kasi... Uhm... Wow... Errr... Bumili daw siya ng baril online. Tama!! Siyempre mag-isa lang siyang nakatira sa bahay nila kaya natatakot siyang manakaw yung puri niya--"

Halos hindi ako makahinga nang humigpit yung pagkakaakbay niya sa akin. Napataas naman yung kilay ni boss Bart.

"A-Actually that's not true!" Pagpuputol nito sa akin.

"Alin yung hindi totoo?" Tanong ni boss.

"I-I mean it's true that I bought a gun pero para 'yon sa mga taong abala sa buhay ko! Sa mga taong hindi marunong mag-mind ng sariling business! God I hate those people!! Yung yung mga taong dapat pinapaulanan ng bala!"

Pinaparinggan ba niya ako? Kinabahan akong muli.

Bigla ulit akong sumingit.

"I think what he meant was, natatakot siyang tumirang mag-isa sa bahay kasi maraming umaaligid na babaeng anytime ay pwede siyang pikutin. You know... Kasi ang pogi-pogi daw niya tapos makisig! He's so PERPEK!"

Piniga nito ng madiin yung balikat ko. Pagtingin ko dito ay halos maihi na ko sa takot dahil parang pinaparating niyang hinukay ko na yung sarili kong libingan.

"Oh my God that's terrible!" Sang-ayon ni boss Bart. "Alam niyo problema ko rin 'yon nung kabataan ko eh kasi ang pogi-pogi ko talaga non kaya ang daming nagkakagusto sa akin. Naiintindihan ko na kung bakit kailangan mo nga 'yan. Mahirap talagang maging gwapo. Buti nga may pera kang pambili ng baril kasi ako noon wala kaya kailangan kong pagtiisan."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Nova at parehong nagtaka. That actually worked? Maya-maya ay nag-ring ulit ang bell sa pintuan at may pumasok na mga sundalo.

"Welcome to Bart's Mart." Bati ni boss sa mga ito.

Tumuloy lang ang mga ito sa processed food section.

"Boss, bakit ba ang daming sundalo?" Tanong ko.

"Hindi ko nga rin alam eh." Sabi nito. "Siguro makikisali sila sa Doluna Festival! WAHAHAHA! Di ba sabi ko naman sa inyo na balang-araw na makikilala rin 'tong lugar natin dahil sa asul na buwan? Eto na siguro yung time na 'yon! Paniguradong kikita ako ng maraming pera sa souvenir shop ko! Ang galing ko talagang mag-isip ng mga pakulo! WAHAHAHA!"

"Hindi ka man lang natatakot, boss?" Tanong ko. "Baka magka-problema yung tindahan mo ng dahil sa kanila."

"Bakit ako matatakot? As long as bibili sila ng madami sa tindahan ko, yung poproblemahin ko lang eh kung saan ko ilalagay yung perang ibibigay nila sa akin! HAHAHAHA!"

After non ay meron na ulit dumating sa cashier para magbayad. Nagpaalam na kami dito at lumabas ng grocery. Madilim na ang paligid at nasa langit nanaman ang asul na buwan. Nalungkot ako nang maalala ko ulit si Vera. Isang gabi pa at anibersaryo na ng pagkawala niya.

"Well that turned out better than expected." Sabi ni Nova.

"P-Pwede na ba akong umuwi?" Tanong ko dito.

"Hell no!" Sigaw nito sa akin.

"Oh come on! Tinulungan na kita tungkol sa issue mo kay boss Bart! Ano pa ba yung kailangan kong gawin para palayain mo ko?!"

"Oo, tinulungan mo nga ako and I thank you for that pero mas importante na 'tong gagawin natin ngayon."

Napasimangot ako. "A-Ano nanaman?"

Sumiryoso ang mukha nito.

"Pupunta tayo sa gubat."

No Name (COMPLETED) #Wattys2017 #PeopleChoiceFYWC2017जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें