Chapter 4

150 14 15
                                    

Jaemin's POV

Ano bang gagawin ko? Hindi ako tinitigilan ni Yangyang. Tawag sya ng tawag pero hindi ko kayang sagutin. Nahihirapan na din ako. Ayokong saktan sya, pero wala akong magawa dahil hindi ko rin kayang ibigay yung hinihingi nya.

Hindi ko sya kayang mahalin.

She's my one and only girl best friend since elementary. Sabay kaming lumaki at lagi kaming magkasama ng school na pinapasukan. Tinuring ko na syang kapatid kaya importante sya, mahalaga sya, at mahal ko sya, pero bilang kaibigan.. Hanggang don lang iyon..

12:30AM na. Nag ring nanaman yung phone ko. Nag slide sa screen ng phone yung pangalan nya. Anong gagawin ko?

"Haaay! Asar naman hindi ko na talaga alam!"-Ginulo ko ng ginulo yung buhok ko at naaasar na tumayo. Muli kong tinignan yung phone ko, nakaka 53 misscalls na pala sya simula kanina nung pagkatapos namin mag usap sa school.

"Ang kulit talaga."-Iniwan ko sa kama yung phone ko saka lumabas ng kwarto. Pupunta ako sa kusina, kakain muna ako, pampaantok.

Naglalakad ako papunta sa kusina, nang biglang nakarinig ako ng babaeng umiiyak.

Siguradong si Hyuki iyon dahil sya lang naman yung babae dito.

Sumilip muna ako sa pinto ng kusina bago pumasok, nakita ko syang may hawak na kutsilyo.

"Papatayin kita, hayop ka! Taksil!"- Sigaw nya habang buong pwersa na sinasaksak yung karne ng baboy sa mesa. "Ang pangit nang babae mo! Mag sama kayo! Mga panget! Panget! Ako lang ang maganda dito! Ako lang!"-Sigaw nya hanggang sa nachop-chop na yung karne.

"Shit"- napahawak ako sa baba---este bunganga ko. Nakakatakot palang magalit itong pinsan ko.

"Hyuki."-Tawag ko sakanya, nilingon nya ako. At napalunok ako ng sunod sunod nang samaan nya ako ng tingin.

Lumapit sya sakin habang hawak yung kutsilyo na nakatutok sakin. "T-Teka anong gagawin mo?" Pinanlakihan ko sya ng mata habang napapaatras ako. Shit! ako na ba isusunod nya ha? Aba willing akong makipag espadahan sa kanya! mas matalim yata yung baba ko!

"Insaann!!"-Tawag nya sakin, binitawan nya yung knife saka niyakap ako ng mahigpit. Humagulgol sya habang sinusubsob yung mukha nya sa dibdib ko. Nagulat ako kaya hinayaan ko nalang sya.

"Ano bang nangyare ha?"-hinagod ko yung likod nya habang yumayakap sa kanya. "Nag away nanaman ba kayo ng boyfriend mong bading?"-Tanong ko kahit hindi ko naman kilala yung boypren nya.

Bumitaw sya sa yakap at tumingala sakin. Grabe yung eyeliner nya nalalagas dahil sa mga luhang bumabagsak sa mga mata nya. "Si Mark, he cheated on me!"-Sumbong nya.

"Sigurado ka ba? Baka naman umandar nanaman yang pagiging tamang hinala mo?"

"Hindi, nakita ko sila. Sa park. Magkakandong. Naglalandian. Ang kapal nila!"-gigil na gigil na sigaw nya, buti nalang tulog mantika itong si jisung kaya siguradong hindi sya maaabala.

"Okay, calm down."-pinaupo ko sya sa upuan, at kinuha ng tubig. Ininom nya iyon habang nanginginig pa yung mga kamay nya.

"Nakausap mo na ba sya?"-Tanong ko saka naupo sa tabi nya.

"Hindi pa, hindi ko pa sya kayang kausapin ng personal."-Sagot nya habang pinupunasan ang mga luha.

Napakamot ako ng ulo. Well wala talaga akong alam about sa mga relationship, wala akong idea dahil hindi pa naman ako napasok sa ganito. Kaya ngayon wala talaga akong maisip na mai-advice dito sa pinsan ko.

"Hyuki, you need to talk to him to know the truth. kung mahal ka ba talaga nya, o may iba na talaga sya.."-Well, ito lang talaga yung naiisip kong paraan.

She's MINE! | nct dreamWhere stories live. Discover now