Chapter Nineteen

32.1K 1.1K 551
                                    


19: D.A.R.K and Tropang sisiw.
-

“Shhh, come with me.” Bulong niya at saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Saan po tayo pupunta? Paanoㅡ”

“I’ll explain to you later.” Sabi niya nang huminto kami sa isang bakanting kwarto. Gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyayari.

“Alam ko na ‘yong sitwasyon ni Zero. Jin contacted me andㅡ” Huminto sa pagsasalita tito nang makarinig kami ng putok ng baril. Damn it! Not again.

“Kailangan na nating kumilos, Tito. Maraming inosenteng estudyante ang mapapahamak.” Mahinang sabi ko at tumango naman siya.

“Go, bumalik ka sa pila. I’ll find a way to get their attention.” Hindi na ako nagsalita pa at agad na bumalik sa pila gaya ng sinabi niya. Mabuti na lang at walang nakapansin sa akin maliban kila Chloe.

“Saan ka nagpunta?” Mahinang tanong ni Rozee.

“That’s not importantㅡlisten, pag biglang nagkagulo. Kikilos tayo.” Panandalian ko silang nilingon pero wala silang naging reaksyon.

“I know it’s too sudden pero, kailangan may gawin tayo.” Sabi ko at hindi na ulit nagsalita, pinagmasdan ko lang maigi ang paligid. Naningkit ang mata ko sa lalaking bagong dating, pumunta siya sa harapan at saka may ibinulong sa armadong lalake.

Hindi ko sila pinansin at tinuon ang atensyon kay Zero na nasa harapan din. Bitbit niya pa rin ang mahabang baril habang diretsong nakatingin sa kung saan. I need to find a way to save him.

Habang nag-iisip ng paraan ay may bigla kaming narinig na malakas na pagsabog. Nanatiling walang reaksyon ang mga nakalanghap ng gamot samantalang na-alarma naman ang mga normal dito. Agad nagsitakbuhan ang ilang armadong lalake palabas, nagsimula na rin tumakbo paalis ang mga nasa unahan.

“Close the door!” Sigaw ni Cynthia bago tumalikod. Wala nang armadong lalake dito sa loob kaya nagmadali akong tumakbo at sinundan naman ako nila Rozee. Malapit nang sumara ang pinto pero nakagawa pa rin kami ng paraan para makalabas.

Maingat kaming sumilip sa paligid at saka naglakad palayo sa kwartong ‘yon. Kung saan man nanggaling ang pagsabog na ‘yon, one thing for sure. Kumikilos na si Tito Jiro, kaya kailangan na rin naming kumilos bago mahuli ang lahat.

“What now?” Tanong ni Jennie.

“Find a way kung paano maliligtas ‘yong mga inosenteng estudyante.”

“How about you?” Tanong ni Chloe at panandalian akong hindi nagsalita. Nag-abang sila sasabihin ko habang naglalakad na ako palayo sa kanila.

“I will go on my own. Hahanapin ko kung saan ‘yong pinaka-main room dito, I’m sure nandoon ang may pakana ng lahat ng ‘to.” Sabi ko at hindi na sila hinintay magreklamo. Mabilis akong tumakbo palayo pero napahinto rin ako at agad na nagtago.

May mga bantay sa hagdan, nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng kahit anong magagamit ko panglaban sa kanila but it looks like na kailangan kong gamitin ang bare hands ko.

Kaya ko naman sigurong patumbahin ang mga armadong lalake na ‘to kahit pa lima sila. Well, goodluck sa akin.

Lumabas ako sa pagkakatago ag mabilis na hinila ‘yong lalaking malapit sa akin. Hindi naman napansin ng iba ang ginawa ko kaya agad kong sinuntok sa panga ang lalake kaya nawalan siya agad ng malay. Nagtago ako ulit at sumilip, sinubukan kong hilahin ‘yong isa pang lalake sa tahimik na paraan pero nabigo ako dahil lumingon ang isa sa mga kasama niya.

“Crap!” Daing ko at agad na umiwas nang paputukan ako nito ng baril. Hindi naman ako nagdalawang isip na kunin ang baril noong una kong pinatumba pero nang itututok ko na sa kanila ay nakatapat na sa akin ang apat na baril. Damn it, hindi ko akalain na ganito kabilis ang reflexes nila.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon