Chapter Two

48.5K 1.6K 276
                                    


2: Double Trouble.
-

“Sure kayo na mauuna na kami? Saan ba kasi talaga kayo pupunta?” Tanong ni Xian.

“Wala na kayo ro’n. May surprise nga sa ‘kin yung girlfriend ko, eh. It’s our ANNIVERSARY remember?” In-emphasize niya talaga ang salitang anniversary kaya napasapo ako sa noo, he’s so childish. Tinignan ko sila Jennie at nagkibit-balikat lang ako.

“Mabilis lang kami, babalik din kami agad.” Sabi ko at saka ako hinawakan ni Zero.

“Bye guys!” Dagdag ko dahil hinila na niya ako palayo. Naglakad kami na parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo.

“Ano ba ‘yong surprise mo?” Tanong niya.

“Eh di hindi na surprise kung sinabi ko.”

“Punta tayo sa bahay, walang tao ro’n ” Aya niya kaya napahinto ako. Okay that’s sounds so wrong. What the hell?

“Ha? Okay?” Kibit-balikat kong sagot at ngumiti lang siya. Doon ko na lang gagawin ang surprise ko, mukha lang manyak si Zero pero matino naman siyang tao. I’m sure he’s not going to do something lewd.

Pagkarating namin sa bahay nila ay wala ngang tao. Naupo siya agad sa couch at saka ako hinila para maupo sa tabi niya.

“Hmm Ze, pikit ka.” Sabi ko at agad niya akong nilingon. Kinabahan ako, this is not my thingㅡI mean hindi ako sanay mag-surprise, like hell. First boyfriend ko si Ze. Ugh! Bahala na.

“Para saan?”

“Pumikit ka na lang.”

“Bakit nga?”

“Susuntukin kita. Pipikit ka o hindi?” Hindi na siya sumagot at pumikit na lang. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bulsa at saka kinuha ang necklace na ako mismo ang nag-design. Couple necklace siya actually.

Sinuot ko ‘yon sa leeg niya at saka nagnakaw ng halik sa labim. Dumilat naman siya habang nakangiti.

“Happy Anniversary.” Bati ko.

“Ikaw ah!” Tumingin siya sa may bandang leeg niya at hinawakan ang necklace. Simple lang naman ang design na ginawa ko, silver na may pendant na letter Z at naka-connect naman doon ang nakabaliktad na letter E.

“Ang ganda.” Nakangiting sabi niya at nilabas ko rin ‘yong akin.

“Ingatan mo yan ah, ako nag-design n’yan.” Sabi ko at tumango siya. Maya-maya ay bigla siyang tumayo at nagsalubong ang kilay ko nang lumuhod siya sa harapan ko.

“What are you doing?” Tanong ko.

“Hindi lang ikaw ang may surprise.” Aniya bago naglabas ng singsing. Well, hindi ako umasa na engagement ring ‘yon dahil simple lang iyon. Mukhang couple ring dahil may suot din siyang kagaya noon.

“Pinaukit ko sa likod nito ‘yong pangalan natin.” Sabi niya habang sinusuot sa akin ang singsing. Parang may kung anong nagwawala sa loob ng tiyan ko.

“I love you, Erin.”

“I love you, too.” Umangat siya ng kaunti para halikan ako. Our lips move in sync, the moment na tumayo siya at halos mapahiga na ako sa sofa ay pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.

Mas lumalim pa ang halik niya at naramdaman ang mainit niyang kamay na nakahawak sa may gilid ng leeg ko. He slowly pulled out at saka ipinahinga ang noo niya sa noo ko.

“Let’s go. Baka hindi ko mapigilan sarili ko.” Pilyong sabi niya at nahampas ko na lang ang braso niya.

“Pervert.” Nagtawanan lang kami pareho at saka niya ako hinila papunta sa may rooftop nila. Napangiti na lang ako nang makitang nakaset up itong itaas na para bang gaya ng mga napapanuod kong romantic date ng mga couples sa movie.

Monstrous Academy 3: The Hidden Secret. [EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon