Hey guys. Ie-edit ko lang 'tong story ko. Don't worry wala akong babaguhin, marami lang kasi yung naiintimidate sa chapters ko kasi masyado daw mahaba kaya hahatiin ko sa dalawa kada chapter. Yun lang hehe!
----------
Ang tao ay isang preso ng sarili niyang pag-iisip. Nililimitahan niya ang sariling kaalaman sa mga karaniwang nakikita sa paligid, mga natututunan sa mga libro, at mga naibabahagi sa kanya ng ibang tao. Everything is common sense; ang mundo ay bilog, merong araw at gabi, umiikot ang mundo sa araw at kung anu-ano pa. Ngunit kahit na anong bagay na humahamon sa kanyang kaalaman ay mababansagang imposible o hindi totoo... Or is it?
It only takes a person, a thing, a place or an experience para kwestiyonin ng isang tao ang lahat ng nalalaman niya sa mundo. Sabi nga nila, isang baso lamang ng tubig ang nalalaman natin kumpara sa isang karagatan ng kaalaman.
Nanaig ang tunog ng cellphone ko sa ingay ng mga kaklase kong nag-uusap at naghaharutan.
"Bakit?" Tanong ko sa tumatawag habang binabalewala ang kaguluhan sa paligid ko.
"Bilisan mo! Pumunta ka sa tabing-dagat!" Sabi nito at kaagad na binaba ang tawag.
Nabalutan ang puso ko ng sobrang kaba. Ito na kaya 'yon? Ang bagay na hinihintay ko?
Hindi na ako nag-isip at walang alinlangang tumakbo papunta sa direksyon ng tabing-dagat. Nagtatalo ang isipan ko kung dapat ba akong makinig sa nag-uutos sa akin ngunit mas nangingibabaw ang kuryosidad ko.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pakiramdam ko ay malalagutan na ako ng hininga pero tiniis ko ang lahat ng iyon. Walang patid ang aking mga paa sa pagtahak sa aking patutunguan at hindi iniinda ang pagod sa katawan.
Onti na lang...
Onti na lang...
Unang sumalubong sa akin ang hangin, ang pamilyar na amoy ng dagat, at ang napakagandang tanawin ng mga alon. Inilibot ko ang aking paningin...
Nahigit ko ang aking hininga at biglang nanlambot ang aking mga tuhod. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha sa aking mga mata sa sobrang tuwa. Isang salita lang ang lumabas sa bibig ko habang may isang malaking ngiti sa aking labi.
"Sawakas..."
----------
Thank you nga po pala kay jninanana for this awesome art! Checkout niyo po yung works niya if you have the time.
ВЫ ЧИТАЕТЕ
No Name (COMPLETED) #Wattys2017 #PeopleChoiceFYWC2017
ФэнтезиAkala nila ay isa lamang itong ordinaryong araw. Sa ilalim ng asul na buwan na karaniwang bumibisita sa kanilang munting lugar kada-dalawang taon... Dito nagsimula ang lahat... Bumaligtad ang buhay ni Azul at Yasushi nang biglang naglahong parang bu...
