Trigger 49 - It's time.

Magsimula sa umpisa
                                    

Therbie: "Yow, Carmona."

CJ: "I need to know more.. i need to investigate further."

Nilagpasan lang ako nito pero narinig ko ang mga pinagsasabi niya at talagang naguluhan ako dahil doon. Anong kailangan niyang malaman? Something is definitely wrong with him.


End of PoV

Bella's PoV :

One week after..


I remembered everything. I know who I really am now. Ako si Belle Clementine Meyer, ang babaeng anak nina Belinda at Johanne Meyer. May kapatid ako na ang pangalan ay Pete Johanne at siya ang namamahala sa businesses na naiwan ni Papa ko noong mamatay ito. Pinatay ito ni Jerome Salcedo, ang dating kaibigan ni Papa pero dahil sa inggit ay trinaydor siya nito. Nakita ko ng malapitan kung paano pinatay ng walang awa ang Ama ko ng isang Gang na nagngangalang Red Eagles' Gang, na pinamumunuan ni Jerome. Noong naghihinagpis ang buong pamilya ko dahil sa pagkawala ni Papa, may isang lalaki ang lumapit sa akin at inalok akong mag-trabaho sa isang secret agency, makatutulong raw ito para mahanap ko ang pumatay kay Papa at doon nabuo ang plano kong makapag-higanti.

Sa Black Diamond Agency, nagkaroon ako ng mga kaibigan, iba sa mga kaibigan kong sina Selene at Ambia. Sampu kaming mga trainee na naging magkakaibigan, and we were the strongest top ten of the agency.

Pero sapat na ba ito para magpakilala ako sa kanila? Hindi ko pa lubusang kilala ang sarili ko at hindi ko alam kung sinong pagkakatiwalaan, lalo na't isa pala akong secret agent at sigurado akong may mga taong galit sa akin at baka may gusto pang magpapatay sa akin kapag nalaman nilang buhay ako.

Naputol lang ang iniisip ko noong biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Sabrienne, my adopted daughter. Parang nagbalik ako sa pagiging Bella at sinalubong ko ng yakap ang batang ito na itinuring ko nang tunay kong anak. 

Sabrienne: "Mommy, what are you doing here? Uncle Lloyd's outside and he wanted to see you."

Si Lloyd? Oo nga pala, nasungitan ko siya noong nasa ospital ako at ngayon palang ulit siya magpapakita sa akin. Pero kailangan ko na atang sabihin sa kanya na hindi ko na itutuloy ang pagpapakasal sa kanya. Ayoko nang umasa pa siya, lalo na at hindi naman talaga ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay ni Sab at sabay na kaming lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa salas kung saan nakaupo si Lloyd doon at halatang hinihintay ako nito. Noong napalingon ito sa akin, ngumiti ito at lumapit sa akin.

He was about to hug me but I dodged it and walked past him. 

Belle/Bella: "Sab, baby, pwede mo bang iwan muna si Mommy at Uncle Lloyd kasi mag-t-talk kami."

Sabrienne: "Adult talk po ba? Ok po."

Belle/Bella: "That's my baby. Wait for me in your room."

Tumango ito at tumatalon-talon pang umalis, ngayon kaming dalawa nalang ni Lloyd ang magkasama kaya hinarap ko siya.

Lloyd: "Hindi ka pa rin ba maayos, love? You know you're making me worried."

Tinitigan ko ito ng mabuti at nabuo ang isang konklusyon sa isip ko.

Belle/Bella: "Lloyd, no need to pretend anymore. Naalala ko na ang lahat."

Parang natulos ito sa pagkakatayo at nawala ang masayang ngiti sa labi nito at napalitan ng seryosong panunuri sa akin. 

Lloyd: "T-talaga? N-naaalala mo na ang lahat tungkol sa'yo, l-Bella?"

Belle/Bella: "Yes. Though not clear yet but still I remember."

Tumango-tango ito pero nababasa ko sa mga mata niyang nasaktan ko siya. Sa tagal niyang nagpanggap na fiancee ko, alam kong may naramdaman na rin siyang totoong pagmamahal sa akin. Pero hindi ganoon ang nangyari sa akin. I never reciprocated his love for me. Siguro kung si Bella pa rin ako, there's a chance that I'll love him. Pero ngayong nalaman ko na kung sino talaga ako, hindi na iyon ang nararamdaman ko.

That's the reason why I don't like to get intimate with him, kung bakit ayokong hinahalikan at niyayakap niya ako. Kasi hindi ako si Bella Marice Anderson. 

Nilapitan ako ni Lloyd at sa bigla ko ay niyakap niya ako.

Lloyd: "Ibigay mo na sa akin ito, Bella.. or whoever your real name is--"

Belle/Bella: "My name's Belle. Close pa rin sa Bella."

Noong nagbitaw kami ay nagtawanan nalang kaming dalawa. Natutuwa pa rin ako na mukhang maayos naman si Lloyd. 

Lloyd: "You know, I really liked you. I thought that we can have a real relationship, pero mukhang may lalaking naghihintay sa'yo. Iyong lalaking mahal mo at mamahalin ka rin ng mas higit pa sa nararapat para sa'yo."

Belle/Bella: "At ikaw rin naman, Lloyd. May babaeng mas nararapat sa'yo at hindi ako iyon. Malay mo, nasa malapit lang sa'yo ang babaeng iyon. And when the right time comes, magpapa-pansin rin iyon sa'yo."

Lloyd: "Magpapapansin talaga? Hindi ba pwedeng magpakilala muna siya sa akin?"

We giggled after that. Pero kalaunan ay naging seryoso ulit ito.

Lloyd: "Ano nang gagawin mo niyan? What's your next step, Belle?"

Inisip ko muna kung ano ngang gagawin ko, nang biglang may pumasok sa isip ko. Sa kanya ako mag-sisimula.

Belle/Bella: "The next step will be.. to introduce myself again, to them. It's time to go back to be Belle Clementine again."

Lloyd: "Well, good luck with that. Ako naman, ang next step ko ay hanapin ang totoong babae na para sa akin."

Belle/Bella: "Good luck with that, too."

Nalalapit na ako sa pagtuklas sa sarili ko.


End of PoV



#EditedVersion #Belle'sBack #PretendToBeACouple #Sabrienne'sAdoptedDaughter

Codename: Princess Trigger (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon