Ako ang sumagot dahil mukhang wala siyang balak alisin ang titig sa akin at sagutin ang tanong ni Manang Elsa.

“O-opo, manang. Pro… professor ko po si S-sir Vincent nung college ako.” Gusto kong bawiin ang sinabi ko lalo na nang yumuko si Vincent, nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at lumayo sa akin. Tumabi siya kay manang at ako ay nasa harap nilang dalawa. Para akong natanggalan ng tinik nang mawala ang paningin niya sa akin at bumaling kay Manang Elsa. Pero nanghinayang rin ako. Lalo na nang masilayan ko ang pagkislap ng mata niya.

“Totoo ba 'yon Vincent? Aba’t tingnan niyo nga naman ang tadhana 'no? Magkakilala na pala kayo.” Napapalakpak pa si Manang Elsa. Hindi ko siya maintindihan kaya napakunot ang noo ko sa kanya. Si Vincent naman ay tumaas lang ang kilay. Natulala nalang ako sa itsura niyang iyon kaya nang magsalita siya ay umiwas agad ako ng tingin.

“Yeah. She was my… student back then. One of my favorite students.” ngumisi si Vincent sa akin. Kinilabutan ako sa ngisi niya. 'Yan rin kasi yung nakita ko noon sa panaginip ko nung nasa New York pa ako. No. Please. 'Wag kang gagawa ng bagay ng makakasakit sa akin.

Lumunok ako at umatras na sa kanila. Habang ginagawa iyon ay nagsalita ako. “M-manang, balik na po ako sa’min. Iniintay na po ako nila Mommy eh. Baka nag-aalala na rin si Nanay Linda. Sige po. Ba…” tiningnan ko si Vincent at blangko na ang itsura niya. “Babalik nalang ako ulit.” Sabi ko habang titig sa mata niya. Ngumiti ako sa kanila at tumalikod saka nagsimulang tumakbo.

'Wag mo na akong sasaktan ulit. I don’t want to get hurt because of you again. I was in so much pain back then and it took me more than a year to move on. Nawala na ang galit ko sa’yo Vincent. Mahal na ulit kita ngayon. Kaya 'wag. 'Wag mo akong bigyan ng dahilan para ihinto ang pagmamahal ko sa’yo.

Babalik… babalik… babalik ako…

Parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko ang salitang binitawan ko kanina. Dapat hindi ko 'yon sinabi. Kung si Vincent nga ang apo ng mga matandang Ricafort, kailangan ko nang iwasan ang puting bahay na iyon. Hindi na ulit maaaring magtagpo ang mga landas namin.

Habang palayo ako ng palayo ay pabagal din ng pabagal ang takbo ko. Hanggang sa naging lakad nalang iyon. Hinihingal ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko o dahil sa lalaking iyon. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at mukhang anytime ay lalabas na iyon mula sa dibdib ko. Nangingig na rin ang mga tuhod ko kaya naman huminto muna ako at tinukod ang dalawang kamay ko sa tuhod ko. Nasa harap na ako ng nakasarang gate namin.

Naiiyak ako pero nakulong nalang ata ang mga luha ko sa aking mata dahil walang tumutulo sa kanila. Kinagat ko ang labi ko habang habol ang paghinga.

Sobrang nagulantang ang mundo ko sa nalaman. Si Vincent. Siya ang apo nina Lola Glory at Lolo Martin.

“Eh kung pakasalan mo nalang kaya ang apo namin, Mikaella? Para mapana namin sa’yo itong bahay.”

Marahas akong umiling sa naisip. No. This can’t be! Mula elementary palang ako ay kilala ko na sina lolo at lola pero hindi ko kailanman nalaman na apo nila si Vincent. Hindi ko siya nakitang bumisita kayla lola noon. Wala akong nakikitang bumibisita kayla lola noon.

Pero… hindi rin naman imposible. Maaaring hindi ko lang naaabutan pero malamang ay nagpupunta doon si Vincent. Ang sabi ni Manang Elsa ay lungkot na lungkot ang apo nina lola at lolo sa pagkamatay ng mga ito. Ibig sabihin lang noon ay malapit si Vincent sa dalawang matanda. Ibig sabihin ay madalas sila kung magkita. Pero bakit hindi ko 'yon nalaman?

Na-realize kong… mahal ko siya… pero wala akong alam tungkol sa kanya. Hindi naging sapat ang kalahating taong pagkilala namin sa isa’t isa noon para malaman ang pagkatao naming dalawa. Naalala kong, puro sarili lang namin ang iniisip namin noon. Dahil limitado lang. Limitado lang ang naging oras naming dalawa. Marami kaming iniiwasan. Nagtatago lang kaming dalawa. Kaya tuwing magkasama kami, wala kaming ibang ginawa kundi sulitin ang bawat oras na magkasama kami.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora