XIII. All of the Stars

Magsimula sa umpisa
                                    

"Doc, baka nagkamali lang kayo? Pwede bang paki-ulit ng test? Baka po nagkamali lang po ng basa ng result?" sunod-sunod na tanong ni Vice sa doktor habang hawak pa ang balikat nito.

"I'm sorry sir, pero that is the result of our reexamination sa blood test niyo. Pangalawang beses na nating inulit ang tests, Mr. Viceral. And ang kailangan nating gawin ay simulan na ang treatment niyo."

"Pano kung ayaw kong nagpagamot? Doc, kailangan kong magtrabaho para sa asawa ko." sagot ni Vice.

"Some patients have 3 months after being diagnosed with leukemia na nasa critical stage. Alam ko na alam mong maliit lang chance na bumalik pa sa normal ang lahat dahil nasa critical stage na, but we still need to take the consequences if we tried." paliwanag ng doctor.

"I've heard enough. I need to go."

"Mr. Viceral?!"

End of Flashback



A month passed already pero hindi parin ito sinasabi ni Vice sa asawa, at mukhang wala talaga siyang balak, kahit pa nga sa Showtime Family niya ay wala siyang pinagsabihan patungkol rito, pati na rin ang mismong pamilya niya ay pinaglihiman niya. At sa loob ng isang buwan na 'yon ay siya mismo ang naka saksi sa ilang pagbabago sa katawan niya. Mabilis na siyang mapagod, sensitive na sa ilang bagay, pagkakaroon ng pasa kahit na wala namang sapat na dahilan, pati na rin ang panlalagas ng buhok niya. At dahil sa naging bugnutin na nga ang lalaki ay madalas na silang mag-away ng asawa ngunit hindi pa rin nila ito pinapabayaang lumaking gulo.

"Alam ko na may problema ka, pero takot ka lang na sabihin sa akin. Pero asawa mo rin ako, Love. Alam ko na binabagabag ka talaga ng problema mong 'yan, kaya kailangang paghatian natin para gumaan. Yun naman ang pinagsumpaan natin sa harap ng altar diba? Hindi mo na kailangan na maglihim pa sakin."




Kasalukuyang naglilinis si Karylle ng kwarto nilang mag-asawa, at inaayos niya na ang mga damit ni Vice sa closet ng asawa nang may makita siyang brown envelope sa pinaka-ilalim na bahagi ng mga nakatuping damit.

"Ano 'to?" sa isip ni Karylle at kinuha ang envelope. Agad na binuksan ni Karylle ang envelope at binasa ang mga papel na nasa loob ng naturang envelope. Habang binabasa ang mga papel ay hindi niya na napigilan pang maluha. "Acute Myeloid Leukemia - Positive."




Madilim ang buong bahay ng mag-asawang Viceral ngayon nang makarating si Vice sa loob. Hahakbang na sana siya nang makita niya ang isang pamilyar na pigurang papalapit sa kaniya. Agad na napangiti si Vice nang mapagtanto niyang ang asawa niya 'to.

"Lo---" hindi pa man siya natapos ay naputol na siya ng asawa.

"Ano 'to ha?! Vice ano 'to?" tanong ni Karylle hawak ang ilang mga papel na inilalapit pa sa mukha ng asawa.

"Papel?" hindi siguradong sagot ni Vice at hinawakan ang wrist ng asawa. Ngunit nang basahin niya ang papel ay agad nang napabagsak ang mga balikat niya.

"Shit naman, Vice! Wala ako sa mood para sa biruan!" suko ni Karylle at hinawi ang kamay ni Vice na nakahawak sa wrist niya.

"Love, sorry n---"

"Bakit hindi mo sinabi sakin Vice? Bakit mo nilihim?" ngayon ay humihikbi na si Karylle at unti unti nang nabitawan ang papel na hawak.

The Pile | Vicerylle One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon