Chapter 8 [Pretending]

27.5K 159 5
                                    

Daniel's pov

Grabe ang sakit ng katawan ko sa pagkakahulog namin ni Kath sa bangin. Bakit kasi masyado mataas eh. Medyo hirap ako maglakad pero okay lang. Ito si Kath hanggang ngayon hindi ako kinakausap. Nag attempt naman ako pero wala eh tinarayan lang ako.

 

Pero kung hindi nya ako tatarayan. Babarahin naman nya ako. Minsan nga naiinis na ako pero nagtitimpi na lang ako. Mahal ko eh.

 

“Kath ganito na lang ba talaga tayo?” Tanong ko sakanya habang nauuna siya maglakad sakin. Gasgas lang naman natamo ni Kath eh. Pano sakin talaga siya bumagsak kaya ako ang napuruhan.

 “Oo kaya bilisan mo na nga maglakad dyan ng makaalis na tayo dito”

 

“Pasensya naman ah. Masakit kasi ang katawan ko”

 

“Kasalanan ko ba? Kung hindi mo sana ako kinulit edi sana wala tayo sa lugar na ‘to ngayon. Malas ka talaga! Kainis” Sabi nito. Sasagot pa sana ako eh.

“Pasalamat ka mahal kita”  bulong ko. Tapos nagsimula na lang kami na maglakad na maglakad. Medyo mahaba na din ang nalalakad namin at nakakaramdam na ako ng pagod. Hanggang sa napahinto si Kath.  

“Oh ayan may bahay. Tara bilisan mo dyan ang bagal mo daig mo pa pagong” Sabi nito. Konti na lang talaga pag hindi ako nakapag pigil. Bubugbugin ko na ‘to eh.

Sa pagmamahal ko. ^_^

Naglakad na kami papunta sa bahay. At kumatok si Kath. Ilang katok muna bago ito buksan ng isang diwata. Diwata kasi ang ganda nya. Tapos bigla ako siniko ni Kath.  

 “Sino kayo?!” Naka cross arms nya tanong. Mukhang mataray pero wala nagbago maganda pa din siya. Magsasalita na sana si Kath ng pangunahan ko siya.

Idadaan ko ‘to sa Daniel Padilla Way.  

“Hi I’m Daniel. And this is Kath my girlfriend” Sabi ko. Nakita ko nabigla si Kath sa sinabi ko. Magsasalita pa sana ulet siya ng binigyan ko siya ng look na *Sumakay-ka-na-lang-look* kaya kahit pilit ay ngumiti siya.

Syempre para maniwala ang diwata ‘to hinawakan ko ang kamay ni Kath. Kahit nung una hinihila nya.  

“So? I Don’t care. Makakaalis na kayo” Napakataray naman pala nito. Isasara nya na sana yung pinto ng may magsalita mula sa loob.

“Trish sino yan?” So trish pala name nito. Sayang maganda pa naman siya ang taray lang. Tapos lumapit samin ang nasa mid 30’s na babae.

 

“Anong kailangan nyo?”

“Gusto lang po sana namin makituloy kahit ilang araw lang. Hindi ho kasi namin alam kung paano kami makakabalik sa resort kung saan kami naka check in. May kung sino malas ho kasi” Tapos tumingin siya sakin.

Amnesia Love (Revising)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang