Amnesia Love 1

47.7K 431 115
                                    

[This story is under reconstruction for the meantime. Yes it is already completed. But some chapters are not posted because I’m still editing it. Sorry for the inconvenience of this story right now. I’ll do my best to finish editing it as soon as possible just bear with me guys!] 

Daniel’s Pov

Lahat ng nagmamahal nasasaktan. Believe me kasi ako mismo naranasan ko na. Kanino? Edi sa Ex girlfriend ko si Kath. Akalain mo nakipagbreak sakin dahil ayaw nya daw ako masaktan.

Anong akala niya? Hindi ako nasaktan nung nakipagbreak siya? Tss. >/<

Mahal na mahal ko siya. Ewan ko ba naman sa dami ng babae nakilala ko sa kanya lang talaga malakas ang tama ko. Kahit na nakipagbreak siya sakin ng wala man lang malinaw ng explanation. Psh!

“Mukhang badtrip ka nanaman ah?” Lumingon ako at nakita ko si Kuya Diego. Umupo siya sa tabi ko kahit wala naman ako sinabi tumabi siya.

“Hindi ‘no! bakit ako mababadtrip?” Pagdadahilan ko.

“Kunyare ka pa eh. Naalala mo nanaman si Kath ‘no?” Ganon ba talaga ka-obvious? Nagkibit balikat muna ako bago sumagot.

“Kuya naman eh. Ilang beses ko ba sasabihin sayo na ayoko na siya pag usapan.”

“Eh ikaw ilang beses mo itatanggi na hindi mo siya iniisip? For pete’s sake Daniel! Halata ka masyado.” At tumawa pa siya. Ang lakas talaga mang asar ng kuya ko. Nakakainis! >/<

“Ewan ko sayo aalis na nga ako” Tatayo na sana ako ng hilahin ako ni Kuya.

“Masyado ka naman seryoso.”

“Tigilan mo ako”

“Pikon. Pero maiba ako alam mo ba may bagong lipat daw dyan sa tapat natin. Sana chiks ‘no?” Okey meet may Kuya Chikboy.

“At sayo talaga nanggaling yan kuya ah? Tsk”

“Joke lang naman.” Sabay akbay ni Kuya sakin.

“Isusumbong kita kay Julia”

“Joke nga lang ito naman” inalis ko ang pagkakaakbay sakin ni kuya at tumayo.

“Ewan ko sayo. Sige na may bibilhin lang ako” naglakad na ako pababa at pumunta sa garahe namin.

Sumakay na ako sa motor ko. At teka ano nga ba bibilhin ko? Ah yung sa project ko. Tss! Naalala ko nanaman. Lintek na prof kasi yun eh. Akala niya ang dali dali ng pinapagawa niya project. >/< at ang masaklap 1 week pa lang naman ang nakakalipas nung nagsimula ang klase.

Malapit lang naman dito subdivision namin yung bookstore. Paglabas lang din. Patawid na sana ako sa kabilang kanto ng biglang-

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!!!

What the fvck!! Naka stop na kaya! Siraulo ‘to driver na ‘to ah! Hindi ba siya marunong tumingin ng signal light?! Mga tao talaga sa panahon ngayon oh!! Argh >/<

“Hoy! Bumaba ka nga dyan! Marunong ka ba talaga magdrive?! Malinaw na malinaw oh! Naka stop na kulay red! Tanga ka ba?!!”

Sigaw ko habang hinahampas ang sasakyan niya. Ang kapal talaga ng mukha nito oh! Ayaw pa bumaba! >/< napatingin ako sa motor ko. Tss itatayo ko nga muna yun. Siraulo driver napakatanga! >/<

“S-sorry h-hindi ko naman sinsadya-“ buti naisipan niya pa bumaba. Bwisit na ‘to! >/<

“Hindi sinsadya o hindi ka tumitingin sa daan?! Alam mo sa susunod kasi matuto ka tumingin-Kath?!”

0_0

Tama ba ‘to nakikita ko sa harapan ko? O nag hahallucinate lang ako?

Kath’s Pov

 Maayos ako nagdridrive ng malalag ang cellphone ko. Kaya kumapa kapa ako sa ilalim ng sasakyan ko. At sa hindi inaasahan-

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep!

Nako muntingan pa ako may mabangga motor. Kath! Hindi ka ba nag iisip? Argh >/< hindi ko alam ang gagawin ko kaya yumuko na lang ako sa may manibela ko. At naramdaman ko kinalampag nung lalaki yung sasakyan ko.

Huhu galit siya. Tanga kath? Malamang galit talaga siya.

“Hoy! Bumaba ka nga dyan! Marunong ka ba talaga magdrive?! Malinaw na malinaw oh! Naka stop na kulay red! Tanga ka ba?!!”

Narinig ko sigaw niya. Nako galit talaga siya. Ayoko na talaga bumaba baka saktan niya ako eh. Pero hindi Kath kasalanan mo ‘to kaya lumabas ka dun ang humingi ng tawad.

Bumuntong hininga muna ako bago lumabas ng sasakyan ko. Nakita ko tinatayo niya yung motor niya kaya nagsalita na ako.

“S-sorry h-hindi ko naman sinsadya-“ Halos mauta-utal ako sa pagsasalita. Sasagot pa sana ako ng magsalita na siya. Sabi na eh galit na galit ‘to si Kuya. Huhu

““Hindi sinsadya o hindi ka tumitingin sa daan?! Alam mo sa susunod kasi matuto ka tumingin-Kath?!” 

Nagulat ako ng lumingon siya sakin at wait did he just mention my name?

“You know me?” I asked.

“What the hell! Syempre kilala kita! Ano bang pinagsasabi mo?!” Ayan nanaman galit nanaman siya.

“Sorry hindi kasi kita kilala eh” nakayuko ko sagot. Hindi ko naman kasi talaga siya kilala eh. Bakit ba namimilit ‘to isa ito? Hindi kaya nakadrugs o lasing siya? Ghaaad!

“Wow naman talaga?!! Umayos ka nga Kath!” Sigaw niya.

“Hindi naman kasi kita kilala. Ngayon nga lang kita nakita eh. Anyway may damages ba?”

“Oo ang laki ng damaged at hindi mo yun mababayaran! Lintek! Dyan ka nga Kathryn Bernardo!”

At sumakay na siya sa motor niya at iniwan ako. Bakit ba galit na galit yun sakin? At bakit niya ako kilala? Umiling na lang ako at sumakay na ulit ng kotse ko.

Thank god okey yung lalaki.

Amnesia Love (Revising)Where stories live. Discover now