Part 27

2.8K 98 11
                                    

"Happy New Year tol koooo!!" Sigaw pa ni Jon ng umabot na ang sinasakyan naming ferris wheel sa pinakaitaas.

"Alas nwebe pa lang." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Hayaan mo na tol para ako ang unang bumati sayo." Ngiti nya pa sakin.

Pakiramdam ko ay mas lalo pang gumanda ang mga ngiti ni Jon ng sinabayan pa ito ng pagsabog ng mga makukulay na pailaw sa langit. Naaaliw ako kapag nakikita ko sa mga mata nya ang reflection nung mga fireworks.

Napagkasunuduan namin na dito sya samin magce-celebrate ng New Year bilang pambawi daw dahil duon ako sa kanila nag celebrate ng Christmas' eve. Naging masaya ako kasama si Jon at ang pamilya nya. Umuwi din ako nung madaling araw na dahil namimiss ko din naman si Nanay at yun yata ang unang Christmas' eve na hindi kami magkasama.

Marami pa rin ang mga tao dito sa perya at kasalukuyan pang nagkakasiyahan ang mga bata sa iba't ibang mga palaro at rides. Kami naman ni Jon ay magkakalahating oras ng nakasakay dito sa ferris wheel. Wala naman kaming ibang ginagawa kundi ang magkwentuhan pero hindi namin namamalayan ang oras.

Naisipan na lang naming bumaba ng makaramdam na ko hilo.

"Inom ka muna ng water tol." Si Jon sabay abot sa akin ng isang basong tubig ng makaupo na ako dito sa mesa sa loob ng tent namin.

Tumalikod naman sa akin si Jon pagkakuha ko ng baso at saka naghalungkat duon sa dala dala nyang bag.

Ilang sandali pa ay lumapit na ulit sya sakin. Binuhat nya pa yung isang upuan at saka itinabi sa akin.

"Amuyin mo ko tol." Si Jon sabay lapit pa ng leeg nya sa mukha ko.

"Amoy white flower ka." Saad ko habang inaamoy ang leeg nya. Ang sarap kasi sa pakiramdam dahil nakakawala ng hilo yung amoy.

"Nagpahid ako sa leeg ko, amuyin mo pa para mawala na yung hilo mo tol ko."

"Bakit hindi mo na lang binigay sakin yung bote.?"

"Para sweet. Tara muna sa likod tol ko, malamig dun masarap tumambay." Maiksing sagot nya.

"Anong new year's resolution mo tol?" Tanong ni Jon pagkaupo namin dito sa likod

"Hindi naman ako mahilig sa ganun, mas naniniwala naman ako na kung may gusto kang baguhin sa sarili ko, hindi mo na kaylangang maghintay pa ng bagong taon para lang simulan yon." Sagot ko.

"Kaya bilib na bilib ako sayo tol ko eh. Astig talaga ng mga principles mo." Ngiti pa ni Jon at saka sumandal sa balikat ko.

"Tol sila Kath at Sir Alex nag celebrate ng monthsary nila kanina. Bakit tayo walang ganun? Kelan ba yung monthsary natin?" Tanong ni Jon

Napaisip naman ako dahil sa tanong nyang iyon. Kelan nga ba ang monthsary namin?

"Hindi ko natatandaan. Teka bakit hindi mo tinandaan?" Tanong ko.

"Eh tol sa sobrang saya ko nun hindi ko na naalala na tandaan pa yung date nun, ang alam ko lang umaga nuon tapos may rainbow kasi kakatapos lang umulan, sinabi ko na mahal kita at sinabi mo rin na mahal mo ko. Yung moment na lang na yun ang naaalala ko at hinding hindi ko makakalimutan yun tol hanggang sa mamatay na ko. Hindi naman siguro lahat ng magsyota tol nagcecelebrate ng monthsary at anniversary. Basta para sakin, lahat ng raw dapat icelebrate kasi mahal ako ng taong mahal na mahal ko." Si Jon sabay gigil na yumakap sakin.

"Dami mo pang sinabi, hindi mo lang talaga naalala." Natatawang sagot ko.

"Uhm sige na nga. Ngayon na lang ang monthsary natin. Happy monthsary tol kooo." Si Jon na mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon