Part 3

4.3K 153 25
                                    

Kakatapos lang namin magpraktis sa likod ng bahay nila at ala una na rin ng madaling araw ngayon. Magkatabi kami sa kama ni Jon at parehong nakatingin sa kisame. Inabot kami ng madaling araw pero parang wala naman akong naturo na magic trick sa kanya. Puro lang kami kwentuhan at tawanan. Ang sarap nyang kasama, ang sarap nyang kausap. Mas naging close pa kami dahil sa bonding namin kanina. Hindi sya nauubusan ng kwento syempre hindi rin ako papatalo.

Nakilala ko na rin kanina ang Papa nya. At katulad ng Mama nya ay napakabait rin nito. Nag offer pa nga sya ng trabaho sakin pero sinabi kong pag iisipan ko muna. Gusto ko muna kasing ikonsulta kay nanay dahil medyo malayo yung lugar at syempre ayoko rin malayo kay nanay, dadalawa na nga lang kami eh.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Jon sa aking tabi.

"Ang lalim nun ah" sandali syang tumingin sakin at muling binalik ang tingin sa kisame.

"Alam mo tol, ngayon lang ulit ako nagenjoy ng ganito. Yung kasama ang kaibigan. At bestfriend ko pa. Salamat tol ah"

"Ano ka ba Jon, ako nga dapat ang nagpapasalamat sayo eh. Kase nag enjoy din ako, nabusog ako sa niluto ng mama momo at ang bait bait pa nya sakin, salamat kase sasamahan mo pa ko sa raket ko sa linggo at nagpuyat ka pa para lang dun. Salamat din sa pagtrato mo sakin bilang bestfriend. First time ko magkaroon ng bestfriend alam mo ba yon?"

Ganun pa rin kami. Parehong nakatingin lang sa kisame habang naguusap. Madilim na ang kwarto dahil patay na ang ilaw. Ang liwanag na lamang galing sa labas ang nagsisilbi naming ilaw.

"Basta salamat tol, hindi man ikaw yung unang bestfriend ko pero gusto ko ikaw na din yung huli. Oo, iilang araw palang tayong magkakilala, wala pa ngang isang linggo diba? Pero simula nung makita kita sa perya habang nag mamagic at nakita ko kung pano mo napasaya yung mga bata ng oras na yon, alam ko mabuti kang tao. Hindi pa kita kilala noon pero sobrang gaan na ng loob ko sayo."

"Ah Jon, pwede ba kong magtanong. Medyo personal?"

"Oo naman tol halos nakwento ko na nga sayo lahat kanina tungkol sa buhay ko eh..maliban lang dun sa.."

Napatingin ako sa kanya dahil naputol ang kanyang sinasabi. Muli syang bumunot ng malalim na buntong hininga.

"Maliban dun sa.." nag cacrack na ang boses at sa tingin ko alam ko na ang tinutukoy nya. Kinuha ko ang isang kamay nya isinugpong to sa aking kamay. Dumikit din ako sa kanya para maramdaman nyang nandito ako. Kung nararamdaman nya parin ang sakit dulot ng insidenteng yon ay may karamay na sya ngayon. Hindi na sya nagiisa.

"Alam ko na Jon, nakwento na sakin ng Mama mo kanina" naramdaman ko ang pagpisil nya kamay ko. Mas humigpit ang kanyang hawak sa akin.

"Ano yung itatanong mo tol?"

"Jon, napatawad mo na ba sina Alfer at Mari?" Pagtukoy ko sa kanyang bestfriend at ex girlfriend.

"Sa totoo lang tol hindi ko alam. Hindi ko alam kung napatawad ko na ba sila. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila sakin yun. Naging tapat naman ako kay Mari, naging mabuting kaibigan naman ako kay Alfer. Pagkatapos mapatunayan sa korte na wala akong kasalanan lumapit sila sakin. Pero hindi ko pa sila kayang kausapin noon. Hindi rin sila tumigil pagkatapos nun, pumupunta sila dito at huminhingi ng tawad. Pero tol hindi ko maibigay eh, hirap na hirap akong ibigay. Ang sabi nila, makaka move on ka lang kung magpapatawad ka. Sinubukan ko sa pamamagitan ng pag urong ng demanda laban sa kanila. Pero dito sa puso ko, nandito pa rin yung sakit ng ginawa nila sakin" nakita kong nagpupunas sya ng luha gamit isang kamay nya.

Hindi ko alam kung paano ko ba sya patatahanin sa pag iyak. Nakakadurog ng puso ang makita syang tahimik lang na umiiyak. Walang tunog, tanging pagdaloy lang ng luha ang makikita habang binabalikan nya ang nakaraan.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon