Part 1

13.6K 265 25
                                    

"3..2..1... tadaaa!!!" Mabilis na nagpalakpakan sa pagkamangha ang mga batang nanonood sakin. Nagawa ko kasing palabasin ang isang malaking ibon at isang puting kuneho mula sa aking bulsa.

"Wow ang galing ng magic!!!" Sigaw pa ng mga bata na patuloy pa rin sa pagpalakpak

Mababakas talaga sa mga mata nila ang pagkamangha at labis na tuwa sa aking munting pagtatanghal dito sa perya. Oo, Isa akong magician, minsan clown, minsan taga bola sa binggo, at pag sapit ng alas dyes ng gabi, kapre naman ako sa horror house. Dito na umikot ang 21 taon ko sa mundo. Dahil sa hirap hindi ko na nagawa pang pumasok ng kolehiyo, ang perya na ang nagsisilbi naming bahay ng nanay ko. Palipat lipat, kung saan may pista, dun kami nag seset-up.

Kahit na kapus sa buhay hindi naman nagkulang si nanay sa pagmamahal sakin. Sya ang tumatayong kusinera para sa mga tauhan sa perya, labandera at tagalinis ng mga gamit. Dito na ako namulat sa pagtatangahal sa munti kong entablado. Magbabayad lang ang mga bata ng sampung piso, mapapanood na nila ang kagila gilalas kong talento sa mahika na minsan lang nila mapapanood sa tanang buhay nila.. Hanggang sa marerealize nila sa pagtanda nila na dinaya ko lang ang kanilang mga mata.

Sa umaga namamasukan akong waiter sa isang maliit na karenderia. Ito lang kasi ang tumanggap sakin gawa ng hindi naman ako nakapagtapos ng kolehiyo. Gusto kong mag ipon, gusto kong makapasok sa kolehiyo at makapag tapos bilang isang guro na pangarap ko na simula ng bata pa ako. Sa pagsapit ng hapon, matutulog ako sandali sa aming tent ni nanay at pagsapit ng dilim, kaylangan ng maghanda para isa na namang malupit na pagtatanghal.

Ganyan lamang umiikot ang buhay ko. Pero hindi ako kaylanman makukuntento sa ganito. Marami akong pangarap, gusto kong iahon si nanay sa hirap. Kung pwede lang sana na mag magic ako at gawin kong pera ang mga dahon siguro matagal ko ng ginawa. Magaling akong mag magic, pero ako mismo sa sarili, hindi ako naniniwala sa magic. Para saan pa, ito ang realidad ko, mahirap, kapos, isang kahig isang tuka.

Ang sabi sa akin ni nanay, amerikano daw ang tatay ko na kahit kailan ay di ko naman nakita. Kahit picture o kahit anong ala ala, wala. Basta may tatay ako, yun ang sigurado. Pero kahit kaylan naman hindi ko na inisip kung nasaan na sya, bakit nya kami iniwan ni nanay. Kilala nya kaya ako? Ano kayang itsura nya? Ang sabi ni nanay kamukang kamuka ko daw sya. Tama na nga, naiinis lang ako kung bakit kaylangan ko pa syang isipin gayong sigurado naman na kami ni nanay ay hindi nya iniisip.

Kapag may mga batang kaharap, kaylangan kong magpanggap na masaya, kaylangang maniwala sila na totoo ang magic na ginagawa ko. Yun kasi ang trabaho ko. Ang magbigay ngiti sa mga bata.

"Salamat, salamat!" Sabay bow at naghagis ng mga mahahaba at makukulay na papel sa direksyon ng mga bata na lalo pang nagpalakas ng palakpakan at sigawan ng mga bata.

"At para sa huling magic.... isang bata ang kanina pa tinatawag ng aking sumbrero.." naglakihan ang mata ng bata sa excitement kung ano ang susunod kong gagawin.

Alam ko hindi, karaniwan sa isang magician, pero nakokornihan kasi ako sa magician's hat. Kaya nakaugalian ko na itong asul na bonet ko ang lagi kong ginagamit para sa aking finale act.

Sinipat ko ang mga bata mula sa aking munting entablado at napili ang isang batang lakake na tahimik na nagmamasid.

"Buknoy!" Napasinghap ang bata at tumingin tingin sa kanyang tabi, wari'y kinokonpirma kung may iba pang buknoy maliban sa kanya. Manghang mangha kung pano ko nalaman ang pangalan nya. Paano ko nalaman ang pangalan nya? Nilalagyan kasi sila ng name tag bago pumasok.

Agad na pumunta si Buknoy paakyat ng munting entablado na bakas sa mukha ang saya.

Hinubad ko ang aking bonet at mula dito ay inilabas ang isang maliit na bote. May laman itong 3 makukulay na crystal balls. Asul. Pula. At dilaw. Sa takip ng maliit na bote ay may tali at maari itong gawing kwintas. Saan ko nakuha ang idea na yan? Kay nanay. Binigyan nya ako ng kaparehong kapareho nito nuong bata pa ako. Hindi ko na sya sinusuot ngayon pero nakatabi parin ito sa aking mga gamit. Wala namang dahilan para isuot pa.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon