Part 14

2.9K 121 5
                                    

Buti naman at umaliwalas na ang panahon ngayon, sa lakas ng ulan kahapon ay iisipin mong may bagyo na. Tamang tama dahil bukas na ang opening ng inter college basketball league. Ilang linggo na rin itong pinaghahandaan nila Jon.

Hanggang ngayon ay may last minute practice pa rin sila.

Nandito ako ngayon sa loob ng university gymnasium at mula dito sa pwesto ko ay tanaw ko ang puspusang pag eensayo ng varsity team namin.

Dito ako pumwesto sa pinakamataas na bahagi ng bleacher kaya mula dito ay natatanaw ko lahat ng tao. Nalilibang naman ako sa panunuod ng mga nakikita kong ibang estudyante dito, halos apat oras na pala ako dito. Hindi ko naman makuhang tumakas dahil magagalit si Jon sakin, maya't maya kasi ay tumitingin sya dito sa pwesto ko, sumsenyas pa sya kung ok lang daw ba ako na sinasagot ko naman ng ngiti at pag tango.

Wala na akong magawa, natapos ko na lahat ng assignments namin kahapon at isa pa, linggo ngayon kaya wala akong dalang notes o libro para pag aralan man lang.

Sumandal na lang ako sa semento sa likuran ko at saka pumikit, susubukan ko sanang matulog ng maramdaman kong nag vibrate ang phone sa bulsa ko.

Kay Jon pala yung phone na nag vibrate, pinahawak nya kasi sakin ito kanina bago sila magsimulang magpraktis.

Wala namang lock code yung phone kaya't ini-slide ko na lang.

Lumabas na naman yung wallpaper nya na picture naming dalawa dahilan para mapangiti ako habang nakatitig sa phone nya.

Binuksan ko naman yung notification tab para i-exit yung text dahil hindi ko naman ugaling magbasa ng text o anumang personal na mensahe ng iba.

Pagkatapos ay nagtungo ako sa gallery nya.

Mayroong naka save na 700 plus images at labing apat na videos.

Binuksan ko yung mga images at puro picture lang pala namin yun sa Baguio, as in lahat mula una hanggang huli puro pictures lang namin sa Baguio. Karamihan ay magkakamukha lang naman ang shots, naka auto 10 shots yata per click kaya ganun karami ang lumabas.

Pero kahit pare pareho ay inisa isa ko parin itong tingnan. Napapangiti ako sa bawat larawan dahil ang saya talaga ng mga pictures namin sa Baguio.

Pagkatapos tingnan ang lahat ng pictures ay tiningnan ko naman yung videos. Naintriga ako sa thumbnail nung isa dahil pagmumukha ko yun habang nakasuot ng bonnet na asul.

Agad ko naman pinindot ang play button para dito.

Natatandaan ko to, kuha ito habang nag mamagic ako para sa birthday ng pamangkin nya sa tito nya. Yung tito nyang veterinarian na gumamot kay white rabbit.

Speaking of white rabbit, sobrang taba nya ngayon, nilipat muna namin sya ng ibang tent dahil hindi sya maasikaso si nanay kapag nasa eskwelahan ako.

Mula sa video ay dinig na dinig ko ang pagsigaw ni Jon sa bawat magic trick na ginagawa ko. Rinig na rinig ko ang mga nakakahawa nyang pag tawa sa bawat pag bagsak ko ng jokes.

Natatandaan ko kung paano nya ako sinuportahan nung araw na yon. Kung paano nya pinataas yung confidence ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng video na iyon ay agad ko na ring ini lock ang phone ni Jon at ibinalik sa aking bulsa.

Ang tagal naman yata nilang mag break ngayon? Halos dalawang oras na nung huli silang mag bladder break ah?

Wala na talaga akong magawa. Tawagan ko na lang kaya si Alfer? Kanina nagtetext sya, nagtatanong kung nasaan ako pero hindi ko na nareplyan dahil hinila na ako ni Jon pasakay ng motor nya.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon