Part 15

3.1K 115 3
                                    

Tuesday at hapon pa ang klase namin ni Jon pero maaga parin akong nagising. Nasanay na yata ang katawan ko sa pag gising ng maaga.

Tiningnan ko si Jon sa tabi ko na mahimbing paring natutulog. Sa mga ganitong pagkakataon ko lang sya natititigan ng ganito katagal eh.

Ang sarap lang gumising sa umaga kung yung mukha ng taong mahal mo ang unang makikita mo. Inspirasyon agad yun para sakin eh.

Pero balik na tayo sa realidad, mas malabo pa sa tubig kanal na magkagusto sakin itong si Jon sa paraang gusto ko.

Pero wala naman sigurong masama kung gagawin ko syang inspirasyon diba? Simula kasi nung makilala ko sya parang umikot ang mundo ko ng 360 degrees.

Ang daming nagbago sakin dahil sa kanya.

Naputol naman ang pagiisip ko ng bahagya syang gumalaw kaya inilipat ko agad sa ibang direksyon ang paningin ko dahil baka mahuli nya kong tinititigan ko sya habang natutulog.

Nagkamot lang pala sya ng braso. Kaya tumayo na ako ng masigurong mahimbing na ulit ang tulog nya.

Medyo madilim pa ng lumabas ako ng tent namin dahil 5:30 pa lang pala ng umaga. Ilan sa mga kasamahan ko dito sa perya ay gising na rin at may kanya kanya ng trabahong sinisimulan para sa araw na 'to. Ang sisispag lang talaga nila.

Nilibot ko lang ang paningin ko sa paligid at saka lumanghap ng pang umagang hangin.

Napatanaw din ako sa ferris wheel na hindi kalayuan mula sa pwesto ko.

Alam ko kagabi medyo nagtatampo pa rin sakin si Jon. Hindi nya lang siguro ako mahindian nang ako na mismo ang nag imbita sa kanya na matulog dito. Kagabi ko pa rin iniisip kung paano ako makakabawi sa kanya at hanggang ngayong umaga na ay wala pa rin akong magandang maisip kung paano makakabawi sa bespren ko. Nakakamiss na rin kasi yung kakulitan nya kapag normal sya eh.

Sa buong pagkakaibigan namin, ngayon lang talaga sya nagtampo sa akin ng seryoso. Dati kasi alam mong nagpapa cute lang sya kapag nagtatampo. Pero iba ngayon, kaya nga todo isip ako ng paraan para mapangiti ko na ulit ang unggoy na yon eh.

Nakapamewang lang ako dito sa labas hababg nakatanaw sa ferris wheel dito sa harapan ko. Nag stretching na rin ako ng kaunti, parang nangangawit rin kasi ang mga binti ko. Dahil siguro sa kakatakbo ko kahapon.

Maya maya pa ay napangiti na lang ako sa naisip kong "pambawi" para sa bespren ko.

Tiningnan ko ang oras at 5:40 am pa lang. Agad na akong nagtungo sa circus area ng perya para kunin ang kakailanganin ko. Nilinis ko lang 'to saglit at tinanggalan ng mga agiw.

"Matagal tagal na rin nung huli kitang ginamit" pagkausap ko pa sa bagay na nasa harapan ko ngayon.

Pagkatapos ay agad na akong bumalik ng tent para maghilamos at magsipilyo. Si Jon mahimbing pa ring natutulog, alam ko napagod sya kahapon pero gigisingin ko na lang din sya.

"Jon" tapik ko pa sa balikat nya.

Matapos ng tatlong pagtawag at pagtapik ko sa mga balikat nya ay marahan na syang dumilat at nagunat. Tumingin pa sya paligid bago dumako ang paningin sa akin na kasalukuyang nakayuko pa rin sa harapan nya.

"Gabi pa yata tol, matulog muna tayo" sabay tagilid ng pwesto at umakap pa sa unan.

"Jon.. gising na. Umaga na" kulit ko pa sa kanya.

Agad naman syang tumihaya ulit at tumingin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Good morning" masaya at maingay kong bati sa kanya.

"Inaantok pa ko tol. Papasok na ba tayo?" Sabay upo nya sa kama.

"Breakfast lang tayo. Oh.." sabay abot ko sa kanya ng tinimpla kong gatas pero hindi nya ito kinuha at tinitigan lang.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon