Part 18

2.8K 125 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas simula nung magviral ang picture na Drac loves Frank. Tatlong araw na rin kaming nagpapapakasaya sa bakasyon ni Jon.

Sa umaga ay nandun kami sa kanila, naglalaro, nanonood ng movies sa dvd, nagluluto, naghahabulan, nagpapakain at nagpapaligo ng mga aso nila. Pagsapit naman ng gabi ay magicians naman kami sa perya.

Totoo nga yung sinabi ni Kath dahil dumami talaga ang mga bumibisita sa perya matapos itong mai-feature sa isang sikat na tv show. Karamihan sa kanila ay dinadyo talaga yung painting ni Jon para lang magpa picture.

Labis naman ang pagpapasalamat ng mga kasamahan ko sa perya kay Jon dahil dito. Ang sabi pa ni Jon ay hindi naman daw nya alam na magiging ganito ang epekto ng drawing nyang iyon pero natutuwa daw sya dahil nakakatulong iyon sa kabuhayan namin.

"Tol diba 6pm yung birthday ni Kath? Nagtext kasi coach pinapapunta kami sa bahay nya, may importateng mahalaga daw syang sasabihin"

"Importante na mahalaga pa?" Tanong ko sa kanya.

"Kainis nga eh, natapat pa dun. Di bale hahabol na lang ako tol, baka kasi pagalitan ako ni Coach pag hindi ako pumunta eh."

"Ok lang yun, sasabihin ko na lang kay Kath na may emergency meeting kayo."

"Miss beautiful anong gusto mo? Matamis, maasim o maanghang na sauce?" Tanong ni Jon.

"Yung matamis" sagot naman ng babae dito sa harapan namin sabay hawi ng buhok.

"Ito na. Salamat" si Jon sabay abot ng fishball na binili nung babae.

Nandito kasi kami sa may labasan ng perya at nagtitinda ng fishball, kikiam, kwek kwek at palamig. Iniwan kasi samin saglit ni nanay yung pwesto para magCR.

"Kilig na kikig yung babae sayo oh."

"Hayaan mo na yun, wala tayong magagawa, gwapo talaga 'tong tol mo eh" si Jon.

"Talaga ba?"

"Oo kaya, hindi ka ba naga gwapuhan sakin?" Si Jon

"Pwede na rin" sagot ko habang hinahalo yung mga fishballs sa kawali.

"Sus.. tol wag na lang kaya ako pumunta kila coach?"

"Sira ka, may importanteng mahalaga nga syang sasabihin tapos di ka pupunta"

"Eh gusto ko sabay tayo pupunta dun kila Kath eh" si Jon habang nagsasandok ng palamig na binibili ng isang batang babae.

"Diba sabi mo hahabol ka na lang?"

"Oo kaso baka mamaya may mga umaligid sayo dun" si Jon

"Bakit naman may aaligid sakin?" Takang tanong ko.

"Baka may umaligid sayong mga maligno. Diba nga halloween themed yung party." Si Jon sabay upo sa monoblock sa likod ng mesa kung saan nakapatong ang mga paninda.

Wala ng bumibili kaya tinulak ko ng bahagya si Jon para makaupo rin ako. Isa lang kasi yung upuan dito kaya nagsisikan na lang kami.

Matagal tagal din na walang nagsasalita sa aming dalawa. Nagkataon pa na walang bumibili sa mga oras na'to kaya ako na ang unang nagsalita. May naalala rin kasi ako na itatanong ko dapat sa kanya na lagi kong nakakalimutan.

"Tutuloy na tayo dun sa trabaho natin sa company nyo?"

"Oo tol, ok na yon. Anytime daw pwede na tayong pumasok." Si Jon

"Bakit di mo sinabi sakin para nakapasok na tayo. Sayang tuloy yung mga araw."

"Hindi ka naman kasi nagtatanong tol at saka ini-enjoy ko pa yung bakasyon natin eh. Bakit ka naman nasasayangan dun sa sa mga araw. Hindi ka ba masayang kasama mo ko? Nakakatampo ka talaga minsan tol eh" si Jon habang sabay kuha ng yelo sa icebox para ilagay dun sa galon ng palamig.

3 WishesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon