Chapter 4: Is this the Happy Ending?

Start from the beginning
                                    

“okay lang. ano ba kasi yun?” tanong niya pero bumuntong hininga lang ako.

“wala. Napagod lang ako sa parade, tsaka ang init kasi di ba” palusot ko.

“sus, yun lang pala. tara nga, libre kitang ice cream sa canteen. Ngiti ka na d’yan” ngumiti na lang din ako. Alam kong gusto niya lang pagaanin ang loob ko. Bestfriend ko si pinky, kahit di ko sabihin, alam niyang hindi lang yun yung dahilan ng pananahimik ko. Naging ugali lang talaga namin ni pinky na wag ungkatin ang mga bagay-bagay pag halatang ayaw magsabi ng isa.

10AM start ng pageant. Sa left manggaling ang girls at sa Right bababa. Yung boys naman manggagaling sa right at bababa sa left. Contestant #2 ako.

Pag labas ko naghiyawan yung mga classmates ko sa pangunguna ni pinky na parang nakalunok ng microphone haha. rampa dito, rampa doon. Pag dating sa gitna nagdrible ako gamit yung props kong bola ng basket ball. Pagkatapos, pumunta ako sa Mic at nagsalita.

“Good morning everyone” yan palang nasasabi ko naghiyawan nanaman sila. Ilang sandali pa bago sila nanahimik para sa pagpapakilala ko.

“I’m Louie mish Lopez, 14 years of age. Sophomores pride, representing, 2-B” narinig ko nanaman ang hiyawan. Some are chanting my name, some are chanting our section.

I smiled again and wink. I gave them a flying kiss and turn to my heels to leave. Bumaba na ko sa right side ng stage, at nakasalubong ko naman si xander na lalabas na sa stage. 

“Good Morning! I’m Alexander De Guzman, Representing 3-C” naghiyawan nanaman yung mga audience, mostly babae.

“Kuyaaaa! Gwapo mo!!! Marry me xander!!!” hiyawan ng mga babae. Napangiti naman ako kasi halatang kabadong kabado siya.

lalo na ng bumaba din siya sa right side kung saan siya lumabas. Nagkasalubong ang mga mata namin, at kitang-kita ko yung gulat niya.

“sa left ang exit mo” sabi ko ng nakangiti. Ilang sandali din siyang tulala bago ngumiti.

“Oo nga pala. sorry, nawawala ako sa sarili ko” at nilagpasan niya na ko para umikot papunta sa kabilang side ng stage.

“Xander!” tawag ko. lumingon naman siya agad at binigyan ako ng nagtatanong na ekspresyon

“ah, wala. Good Luck! Wag kang kabahan” pinilit kong ngumiti. Tanga mo mish, bakit sa dami-dami ng oras ngayon mo pa balak itanong kung iniiwasan ka niya, pwede naman mamaya! Nasabi ko sa sarili ko. nang tignan ko siya, ngumiti ako pero hindi siya ngumiti pabalik sa’kin. Tumango lang siya at tumalikod. Nakaramdam ng lungkot ang puso ko, bakit ganito siya ngayon? may nagawa ba ko?

--

Nagpalit na kami ng formal wear para sa Q&A. I wear a purple chiffon dress na may crystals sa left side ng bewang at long back. Silver open toe 3 inches heels. I tied my hair with a ribbon and curled the lower part.

Tinawag na ko sa stage at nakangiti akong umakyat. Agad naman akong binati ng emcee.

“Good morning Ms. Lopez” sabi nung lalaking emcee, na president din ng supreme student council.

“Good morning to you, and to everyone” I answered and looked at the audience.

“Your question Ms. Lopez is this, what is memories for you? And how can it help you as an individual?” medyo weird yung tanong, but something flashed back through my mind and I knew the answer.

“Memories are photographs from the past, Pictures of my old self. It helps me as an individual to set my standards on how much should I improve myself and a guide to never repeat the same mistakes I made” then I heard everypone’s clap and saw the smiles on their faces.

Katulad kanina, bumaba ulit ako sa right side at nagkasalubong kaming muli. Napatingin siya sa’kin, ngumiti ako at isang nag-aalangan na tingin nanaman ang pinukol niya sa’kin bago lumabas ng stage. Isang beses mo pa kong ganunin, promise basted ka na sa’kin. Inis na sabi ko pero sa isip ko lang habang nakalingon ako sa likod ni xander.

The same question asked on me, also asked on him. nakinig akong mabuti sa isasagot niya. Pero matagal siyang hindi nagsalita bago nagpakawala ng buntong hininga at isang napakalalim na sagot.

“Memories are great treasures to keep. Memories help me to smile and at the same time feel the longingness for someone I shared the moment with. Memories are proof that a life exist, that I exist. Thank you”

Pumalakpak yung mga tao. yung iba naman napa-WOW, mayroon ding mga tumili. Nakita ko siyang bumaba sa left side. Pero nagtataka talaga ko kasi mukha siyang balisa.

After matanong kaming lahat, humilera kami pahalang sa stage at nagsalita yung emcee.

“Our Mr & Ms. Instrumurals will be revealed on Friday. Please support your bet candidates. Thank you”

At halata yung disappointment sa mga estudyanteng naghintay sa announcement.

“MADAYA!” sigaw ng iba

“KORNY” sabay boo sign pa

“KILLJOY! BITIN!” protesta ng mga estudyante. Pero syempre alam na naming na Friday talaga ang announcement dahil highlight siya ng intrumurals week, at gabi yun gaganapin.

--

Hera's Note: Posted 03/17/14

Salamat pala sa mga bumasa na nito, at bumabasa ulit :D I LOVE YOU ALL

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)Where stories live. Discover now