Chapter 3: Am I Inlove?

Start from the beginning
                                    

“Oo. Bakit?” nakangiting sagot at tanong ko

“I’m Althea De Guzman, Nice to meet you ate mish” sabi niya while extending her right hand. Althea? Hindi ba siya yung kapatid ni xander?

“ALTHEA” napalingon kami sa pinagmulan ng boses, and we saw xander running towards us.

“Hello kuya” napabaling nanaman ang atensyon ko sa babaeng tumawag ng kuya kay xander, at nagpakilala sa’kin ng althea kanina.

“Uy anong ginagawa mo dito?” tanong sakanya ni xander at ngumiti sa’kin

“kapatid ko pala, si althea. Kinukulit ka ba?” tanong niya sabay akbay sa younger sister niya. Umiling naman ako at ngumiti.

“gusto ko lang magpakilala sa future ate ko. di ba ate mish” sabi ni althea sabay wink. Natawa naman ako.

“Anyways ate, nice to meet you. Balik na ko sa klase ko, goodluck sa pageant” sabi niya at tumakbo na palayo.

“pasensya na sa kapatid ko ha. Makulit talaga yun” nahihiyang sabi ni xander habang nakakamot sa batok niya.

“wala yun. She’s nice” sabi ko habang nakangiti.

“hatid na kita sa classroom mo” tumango naman ako bilang pagsang-ayon.

“Goodluck sa’tin ha, Alam mo bang 1st time ko lang sumali sa school pageant” pagke-kwento niya.

“Ako din eh. Kinakabahan tuloy ako Haha” sagot ko naman sakanya

“Okay lang yan. Atleast we can experience some great things in highschool di ba” napatingin ako sakanya at nakangiti lang siya.

“ako dapat magsasabi niyan eh” I said and we both giggled.

--

Dumating na nga yung araw na kailangan na kaming i-excuse sa mga klase namin for practice. Naging bunutan kung sino ang magiging partners. Partner ko yung representative ng 4-A, which happens na anak ng math teacher ko. Si xander partner yung muse ng 3-A si Stephanie. Si Jhake naman partner yung galing sa 1-B. tuwing break time or 10 minutes break ng practice namin, nilalapitan ako ni xander. Sabay kaming kumakain, and everytime he’s near, I really feel something strange inside me, a feeling that new to me.

--

“Hatid na kita pauwi” sabi niya ng matapos yung practice namin. Kinuha niya yung bag ko na nakasabit sa balikat ko, lagi naman kasi niya kong hinahatid.

“ha? Hindi na muna. May kailangan kasi kaming pag-usapan ni pinky” sabi ko. nakita naman agad namin si pinky malapit sa gate na naghihintay sa’kin. Nang Makita niya ko, kumaway siya agad.

“sige xander, una na ko” sabi ko sabay kuha ulit nung bag ko na hawak niya.

“okay. Ingat ka ha. Text mo ko pag nakauwi ka na. bye” pahabol na sabi niya dahil tumatakbo na ko palayo.

“mish, ba’t mo iniwan si xander?” takang tanong ni pinky ng malapitan ko na siya.

“wag mo na itanong. Tara na” sabi ko sabay hila sakanya palabas ng school.

“anong pag-uusapan natin?” tanong niya.

“pinky, natatakot ako” napatingin naman siya sa’kin ng nakakunot ang noo.

“sa pageant?” inosenteng tanong niya. Umiling naman ako.

“hindi. Natatakot ako dito sa nararamdaman ko” sabi ko at tinuro ang puso ko. nanlaki bigla yung mata niya.

“may sakit ka sa puso bebe mish?” gulat na gulat na sabi niya. Yung pag-aalala ko napalitan ng disappointment. Sa magkaibigan talaga, may isang sadyang tanga eh noh. napa-facepalm na lang ako.

“hindi. Ano ka ba! Ang shallow mo!” inis na sabi ko sakanya. Tumingin ako sa paligid para masigurong walang ibang tao maliban sa’min.

“Nararamdaman ko, dito, pag malapit siya, o kaya pag naririnig ko pangalan niya, bumibilis yung tibok ng puso ko, pumipitik, nagugulat. Alam mo yun?” tanong ko. ilang sandali din siyang natulala sa mukha ko bago unti-unting tumango.

“ah, sus, inlove ka lang. problema ba yun? Anong nakakatakot dun?” parang wala lang sakanya yung mga sinabi niya.

“That’s the point pinks! Inlove na ata ako! Wala naman ‘to sa plano ko eh. Wala akong planong mainlove, kahi kanino” sabi ko.

“ano ka ba mish, hindi naman pina-plano ang love. Kusa yang dadating sa’yo, mostly, pag hindi mo inaasahan at hindi ka handa. Para yang biglang buhos na ulan” sabi pa niya. Natahimik lang ako habang nakantingin sakanya.

“wag kang mag-alala kasi inlove ka naman sa taong inlove sa’yo. Happy ending ang kwento niyo” nakangiting sabi sa’kin ni pinky.

“in love na ba talaga ko?” tanong ko

“Oo mish, in love ka na. walang duda. Wag mong pigilang tumibok yang puso mo kasi ikaw lang din ang mahihirapan. Let him know what you feel. Magiging Masaya ka na, mapapasaya mo pa siya. He really loves you” after niyang sabihin yun, unti-unti akong ngumiti. Confirm, I’m inlove with Alexander De Guzman.

--

Hera's Note: Posted 03/17/14

Click VOTE or FOLLOW  ME. Comments are highly appreciated

Destiny's Game (Revising-- Chap.17: Secret)On viuen les histories. Descobreix ara