Chapter 54 : Happy Birthday

622 26 4
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

Kinakabahan ako habang tinitignan silang lahat na naghahanda. Paalis na kami para sumugod kina Azalin at sa magic council, eto na daw ang pinakamagandang paraan para masigurong di masisira o mapipinsala ang buong academy kaya kami ang susugod sa kalaban.

"Amarine." tawag ko kay Amarine tsaka siya lumingon sa akin at ngumiti nakangiti.

"Oha ang cute ko no?" tanong ni Amarine sa akin kaya napangiti din ako. Syempre, cute siya, ginaya ba naman niya ko eh.

"Amarine pano kung mapahamak ka?" sabi ko. Panigurado kasing siya yung pupuntiryahin ni Azalin. Ayokong mapahamak si Amarine o ang kahit na sino sa kanila. Hindi ba pwedeng happy happy na lang?

"Yun nga mismo. Ano ka ba? Lahat naman tayo maglalagay ang sarili sa kapahamakan, kailangan to para maprotektahan mo at ng kapangyarihan mo lahat ng sasabak sa digmaan." sabi ni Amarine tsaka lumapit sa kanya si Gust.

"Don't worry Zhinli, akong bahala kay Amarine. Siguraduhin mo lang na makakapasok kayo nila Asher sa loob. Kami nang bahala sa front attack." sabi ni Gust. Tumango na lang ako tsaka napatingin dun sa malaking orasan nang tumunog ito. Kailangan na naming umalis.

"Makinig ang lahat!" sigaw ni Headmaster Rico, lahat halos kasama sa digmaan. Pinauwi lang lahat ng bago at sugatang estudyante pero lahat mapa seeker man o protector nandito para protektahan ang buong academy.

"Inaasahan namin na uuwi tayong lahat ng sama-sama. Hindi niyo kailangang mag-alala para sa bawat pamilya niyo sa kanya kanyang kaharian, siniguro namin na hawak ng bawat pinuno ang mga elemental stones para dumagdag sa proteksyon nila." sabi ni Headmaster Arianne. Itinaas naman ni Headmaster Rico yung espada niya tsaka sumigaw.

"Protectors, Seekers at Hunters, para sa LAHAT!" sigaw ni Headmaster kaya nagsigawan ang lahat. Nagkatinginan kaming lahat tsaka nagtanguan. Oras na. Matatapos na ang 99 days ko, oras na para protektahan ang alaala namin sa academy.

Itinaas ng mga Masters yung mga sandata nila tsaka sumunod sa kanila yung mga grupo ng estudyanteng pinamumunuan nila. Binuksan naman ni Kuya Cai at Headmaster Arianne nung gate ng academy tsaka sila naglakad palabas.

"Mauuna na kami Zhinli. Wag kang mag-alala, sumunod ka lang sa plano." sabi ni Kuya Asher tsaka sumakay sa dahong gawa ni Fern.

"Kalma ka lang. Kaya natin to." sabi ni Yara tsaka tumabi kay Kuya Asher.

"Wag kang mag-alala sa akin. Yakang yaka ko to." sabi ni Amarine na sumakay kay Zinco. Si Amarine ang magpapangap na ako, nag-aalala ako pero total kasama niya si Zaid at Gust medyo nakakampante ako.

"Basta ah. Ingat kayo! Hihihi.. gagalingan ko din." sabi ko tsaka sila nginitian. Lumapit naman sa akin si Zaid bago sumakay kay Zinco.

"Do your best, my princess." sabi niya tsaka ako kiniss. Nagmamadali silang umalis tsaka lumipad pauna sa mga estudyante sa baba. Napabuntong hininga na lang ako tsaka tinakpan yung ulo ko ng hood.

"Fighting! Kaya mo yan Zhinli. Kaya mo yan!" sabi ko tsaka lumuhod at nagpadaloy ng mana sa lupa.

"Nakikiusap ako, padaanin ang mga manang ito, ipalibot sa mga taong poprotekta sa kaharian." sabi ko habang naglalabas ng sangkatutak na mana. Bahala na ang kalikasan sa pagbibigay ng mana. Mga ilang minuto siguro akong nagpadaloy ng mana bago tumayo.

"Nakakapagod. Yun pa lang nagagawa ko." sabi ko tsaka umiling at nag-unat. Kaya pa!

Naglakad na ko pasunod sa kanila. Kailangan ko namang magawa ang misyon ko.

Third Person's POV

Nasa unahan sina Amarine kasama ang iba pang mga hunters. Saktong pagdating nila sa harap ng magic council building, bumukas yung gate at bumungad ang nakangising si Azalin na mukhang handang handa na, ang buong magic council at iba't ibang mga klase ng halimaw.

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon