Chapter 31: Her Memories

1.1K 47 13
                                    

Arthur Linha's POV

"Eto naman ang dating silid ng hari at reyna." sabi ng isang katiwala dito sa palasyo ng Vista Kingdom. Buti na lang mabilis mang-uto sila Yara, Arin at Amarine. Nakapasok kami bilang bisita.

"Ang laki pala talaga ng Vista Castle." sabi ni Yara na manghang mangha. Kahit naman ako sobrang namamangha sa ganda nito kaya lang nagtataka talaga ako sa kinikilos nila Asher, Zaid at Zhinli. Parehas silang tatlo na kanina pa nananahimik kahit na tahimik lang naman talaga si Zaid.

"Totoo po yan. Nakakalungkot nga lang na wala na ng Royal Family." sabi ng katiwala kaya nanahimik kaming lahat. Ewan, may awkwardness na biglang sumulpot sa aming lahat.

"Ahh... A-asan na po yung mga dating katiwala dito?" tanong ni Derah kaya lahat kami napalingon sa kanya. Siya nga pala ang Ada ni Prinsesa Azalea...
Malamang ilang beses na siya nakarating dito dati.

"Halos lahat ng katiwala noon ay namatay sa nangyaring pagsugod dito ng mga kalaban. Isa lang ang natira, si Nana Lala." sabi nung katiwala.

"Si Nana Lala ang personal na tagapangalaga ni Prinsesa Azalea. Ang kulit nga dahil itinago sa amin ang prinsesang iyon, nakilala lang namin siya nung madugong gabi na iyon." sabi nung katiwala. Napatikhim naman si Yara tsaka tinuro yung mga pictures.

"Sila po ba ang Royal Family?" tanong ni Yara kaya napangiti yung katiwala.

"Ah Oo. Si Reyna Azarin iyan, napakaganda niya hindi ba? Ang sabi pa nga napakabait niya at minsan talagang makulit. Sayang nga lang at bata pa ko nun, naririnig ko lang siya sa kwento ng mga magulang ko." sabi nung katiwala.

"Eto naman si Haring Cairo, napakabuting hari ni Haring Cairo, medyo seryoso lang siya minsan." sabi nung katiwala tsaka hinawakan yung picture ng tatlong bata.

"Eto naman sina Prinsipe Zen, Prinsipe Ron at syempre si Prinsesa Azalea." sabi ng katiwala. Nakatitig lang kami dun sa pictures ng biglang sumigaw si Zhinli.

"Ahhh... " sigaw niya kaya napalingon kami sa kanya. Hawak hawak niya yung ulo niya na halatang sumasakit.

"Zhinli!" sabi ko tsaka lumapit agad sa kanya.

"Zhinli teka... anong nangyayari?" tanong ko sa kanya. Napaatras naman ako ng makitang umiiyak siya. Bakit?

"Zhinli..." sabi nila Yara at Fern.

"Anong nangyayare?" tanong naman ni Amarine. Hinawakan ko yung mga kamay niyang nakahawak sa ulo niya pero inalis niya din agad yun tsaka tumayo at tumakbo palayo sa amin. Nagkatinginan pa kami tsaka  tumakbo at hinabol siya. Tuloy tuloy siya ng takbo hangang sa makaabot siya sa Hardin ni Prinsesa Azalea.

"Hindi ka makakapa..." hindi na natuloy nung katiwala ang sasabihin niya ng makapasok si Zhinli sa harang na iyon.

"Impossible! Pano siya nakapasok sa hardin na yan?!" napailing na lang kami sa tanong nung katiwala at papasok na sana para sundan si Zhinli ng mabanga lang kami sa harang ng buong hardin.

"What the f*ck?!" sabi ni Zaid tsaka kinalampag yung harang. Alam kong hindi lang ako ang nagtaka sa kinilos na iyon ni Zaid. May gusto nga kaya talaga siya kay Zhinli?

"Kailangan nating makapasok?" sabi ni Asher tsaka kami sinenyasang patabihin.

Zhinli...

Azalea Zhinli Centana's POV

"Ahhh... " ang sakit talaga. Bakit ganito? Yung picture... hindi ba nakakulong na ko sa kwartong yung simula pa nung baby ako?

...

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon