Chapter 21: Her Tears

1.1K 48 1
                                    

Azalea Zhinli Centana's POV

Masakit na yung mata ko. Bakit ganito ayaw niya tumigil kakaiyak?

"Waahhh tama na. Ano ba?" sabi ko sa sarili ko tsaka mabilis na pinunasan yung luha ko. Para na kong ewan dito eh. Ang salbahe naman kasi ng luha ko ayaw umayos.

"Here."

Tinitigan ko yung puting panyo na nasa harap ng mukha ko.

"Are you going to get it or what?" tinignan ko agad yung may hawak ng panyo at napanganga ako ng makita ko si Zaid na seryosong nakatingin sa akin.

"Ah sa-salamat!" masiglang sabi ko tsaka pinunasan yung luha ko tsaka suminga. Ang hirap kaya huminga pag may nakabarang sipon sa ilong. Hihihi... Ayan! Tumatawa na ko. Yes!

Napatigil ako sa pagtawa ng tinaasan ako ng kilay ni Zaid.

"Why are you laughing?" tanong niya sa akin kaya napanguso ako. Masama ba?

"Wala lang. Hihihi... Kanina ko pa kasi pinapatigil yung luha ko ayaw eh tapos nung dumating ka wala na. Natakot sayo yung luha ko! Waahhh dito ka na lang palagi sa tabi ko." derederetsyong sabi ko kasi ang galing nga. Kusang huminto yung luha ko. Nagbabye na.

Nilalaro ko yung panyo niya ng mapansin kong napatulala siya sa akin. Errr?

May nasabi ba akong mali?

"Ah Zaidsungit... Ui! " tawag ko sa kanya kaya para naman siyang nagising bigla. Wehehehe... cute.

"Ang cute mo pala pag ganun. Ulit! " sabi ko sa kanya kaya umiwas siya ng tingin tsaka nag "tsk". Nanahimik muna ako kasi nakakatakot yung kasupladuhan niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin kaya nanlaki yung mata ko.

"Waahhh! Nagtagalog ka ulit! Tagalog yun! Ayiieee... " sabi ko tsaka pumalakpak. Bihira ko kasi siya marinig magtagalog eh. Pinitik naman niya yung noo ko kaya napanguso ako. Noo murderer!

"Answer me!" sabi niya na nag-english na. Ano ba yan? KJ ni Zaid. KJ as in Kulang sa Joke! Nagbibiro lang eh.

"Wala. Nakalimutan ko na." tsaka yumuko. Hindi ko naman pwede sabihin na aalis na ako at babalik sa kulungan ko este kwarto ko noon pala kasi ako ang mana keeper. Edi malalaman na ako si Prinsesa Azalea kahit ako naman talaga yun.

"Hayyyy..." napabuntong hininga na lang ako kasi naman eh. Ayoko pang bumalik sa kwartong yun. Ayoko na dun. Kahit etong natitirang 63 days ko man lang matapos ko.

"Wahhh... Eto na naman yung luha ko!" sigaw ko tsaka tinakip agad yung panyo sa mga mata ko. Ayoko na umiyak! Awat na... please!

"Tsk. Wag mong pigilan." sabi ni Zaid tsaka hinablot yung panyo niya na nakatakip sa mukha ko. Tinignan ko siya agad.

"Pahiram muna." sabi ko na kinukuha sa kanya yung panyo niya. Lumapit pa ko sa kanya kasi nilalayo niya eh. Pilit kong inaabot yung panyo niya nang hinawakan niya yung kanang kamay ko na umaabot sa panyo tsaka niya ko isinandal sa punong sinasandalan niya. Napatitig na lang ako sa kanya. Ang ganda ng mata ni Zaid. Parang... parang...

"Your tears are killing me. I don't fuckin even know why." sabi niya tsaka pinunasan yung luha ko gamit yung panyo. Hindi naman ako nakagalaw kasi nakaharang yung kaliwang kamay niya sa may puno. Ang lapit niya...

"Zaid..." sabi ko tsaka lalong dumami yung luha ko. Bakit ganito? Ano bang?

"Hush princess... I'm here to wipe that pain away." sabi niya tsaka pinunasan pa yung luha ko. Hindi na ko halos makahinga kasi isang dangkal na lang yung lapit ng mukha niya sa mukha ko tsaka parang may nagdadrums sa puso ko. Ang hyper...

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon