Chapter 43: Another Mana Case

1K 44 15
                                    

Theron Asher Zin's POV

"Kagaya ng dati, wala pa din kaming magawa." Sabi ni Yara tsaka umupo sa tabi ni Arin na ngayon ay umiiyak. Nasa loob ng Clinic si Arthur, wala pa din siyang malay at magdadalawang araw na simula ng nakita namin siyang walang malay sa Hunter's Garden. Ginawa naman namin lahat pati na si ate Yana na ate ni Yara pero wala talaga. Nawalan ng Mana si Arthur, pero may natira pa namang kaunti hindi gaya ng dati. At sa ganitong pagkakataon, wala kaming magagawa. Kahit ako na Mana Absorber walang magawa.

"Hindi ba Mana Keeper ka Azalea? Bakit hindi mo ibalik ang Mana ni Arthur?" Sabi ni Adara kaya napalingon kaming lahat sa kanya.

"Delikado yun Adara, baka maubusan ng Mana si Azalea." Sabi ko sa kaya napatango yung iba. Pero paano nga naman si Arthur? Tsaka isa pa, bukod kay Arthur, may dalawa pang nawalan ng Mana.

"Keeper? Mauubusan ng Mana? Seriously?" Sabi ni Adara tsaka tumayo at tumalikod sa amin. Doon ako napaisip sa sinabi niya.

"Don't think so." Sabi niya tsaka tuluyang umalis. Tinignan ko naman sila tsaka si Azalea. Nakayuko lang siya at mukhang iiyak na. Nakakaawa siya kung titignan.

"Ano ba namang nangyayare sa atin?" Sabi ni Amarine tsaka tinakpan ng dalawang palad niya yung mukha niya at naiyak na din. Hindi ko siya masisisi, kung hindi maagapan si Arthur, mawawalan kami ng kaibigan.

"Shhh... " sabi ni Gust na lumapit kay Amarine at pinatahan to.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.

Zhinli Centana's POV

Umiiyak si Arin.

Naiiyak na din tuloy ako.

Si Arthur pala yung isa sa mga nawalan ng Mana. Nandito ako ngayon sa gilid, nagtatago sa kanila. Gusto ko kasing tulungan yung mga nawalan ng mana. Panigurado kapag nalaman ni Hurricane na tumakas ako, mabebeastmode yun.

"Mabuti pa magpahinga na muna tayo." Sabi ni Kuya Asher tsaka sila nagsialisan. Nag-antay pa ko ng unti bago ako lumabas sa pinagtataguan ko.

Tinago ko yung aura ko tsaka pumasok ng Hunter's Clinic at nilock yung pinto.

"Hihihi... Namiss ko tong clinic." Nakita ko pang nandoon si Arthur. Ang putla nga niya pero hindi naman sobra na gaya ng g biktima.

"Bad ang gumawa nito sa inyo Arthur." Sabi ko tsaka pinatong yung kanang kamay ko sa ulo ni Arthur tsaka unti unting nagliwanag yung kamay ko at naglabas ng Mana. Ang init talaga sa pakiramdam ng Mana ko.

Medyo napapapikit pa ko kasi ang dami pa ding Mana na nawala sa kanya.

Unti-unting bumalik yung kulay ni Arthur

At unti unti ding nanlalabo yung paningin ko. Waahhh! Bakit palaging mahirap magpasa ng Mana sa iba?

Nung nasiguro kong ok na si Arthur pumikit ako tsaka pinakiramdaman ang sarili ko. May tinuro sa aking paraan si Hurricane kung pano ako makakakuha ulit ng madaming Mana sa kapangyarihan ko eh. Concentration lang daw at unting tiwala sa sarili. Hihihi...

"Okay! May dalawa pa." Sabi ko tsaka tinakpan yung mainggay kong bibig. Hihihi... Baka magising na si Arthur.

"Ayan Arthur ah magaling ka na. " sabi ko tsaka pumunta dun sa ibang nawalan ng Mana. Buti na lang dito din sila dinala sa Hunter's Clinic. Inulit ko lang yung ginawa ko kay Arthur sa kanila hangang sa manghina na ko dun sa pangatlo.

Hindi na ko makahila ng Mana galing sa kapangyarihan ko, napadami na ata. Kaya lang ni hindi pa bumabalik sa kulay niya itong pangatlo. Baka hindi na ko makabalik dito, kawawa naman siya.

99 Days of FreedomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon