Chapter 2

8 0 0
                                    

"Mukha ka talagang may pinagdadaanan Nichole."
Tumingin ako sa kanya at sinabi ko na "Wala akong pinagdadaanan James. Basta wag mo na lang isipin yun ok?" At ngumiti na lang ako

Ang weird dahil pinag iisipan ko tong bagay na hindi naman dapat pag isipan. Tumingin ako sa oras at 10:00 na pala kaya naisipan na namin bumalik sa classroom. Biglaan may lumapit saakin. Sila Micheal ang bestfriend ni James.

"Nichole."

"Bakit?"

"I'm warning you, mahirap si James i-handle baka masaktan ka."

Bakit kailangan pa ako i-warning neto eh kilala ko na siya. Atleast yun yung inisip ko.

"Pero Michael kilala ko na siya and I think kaya ko siya i-handle"

"Nichole, kahit sabihin mo yan mahihirapan ka parin dahil hindi siya yung tao na akala mo. I'm not saying na layuan mo siya or anything pero I'm warning you. Being bestfriends with him for 7 years was hell for me."

Listening to Michael sa totoo lang medyo ako nailang kay James dahil ayun nga natatakot akong masaktan ng kaibigan. Ako kasi dati, I've had the worst things happen to me that made me cold and it was hard for me to trust people. Kaya ko lang naman na trust si James ay dahil nag open up siya saakin tungkol sa buhay niya. Habang nag iisip ako, lumapit si James saakin at ako naman di ko siya masyadong pinansin dahil nga sa pag iisip ko masyado. Bigla niya na lang kinuha ang kamay ko at napatingin ako sa kanya. Sinabi niya

"Bakit ka ba ganyan? Bakit ba kapag lumapit ako parang ayaw mo na akong kausapin?"

Sinabi ko sa kanya ang second na rason dahil ayoko maging masyadong assuming.

"Dahil natatakot na akong masaktan."
Sa pagsabi ko nun, ramdam ko paiyak na ako kasi having friends in the past it didn't work out for me. Lagi na lang ako natatakot na mawawala sila sa buhay ko. Lagi ko na lang sinasaktan sarili ko para lang sa kasiyahan nila. Sobrang importante yung mga kaibigan ko saakin na gagawin ko ang lahat para lang maayos ang relasyon.

Tumingin si James saakin at hinawakan yung kamay ko ng mahigpit at sinabi niya

"Hindi kita sasaktan. Nichole mahal kita bilang kaibigan at ayaw ko na isipin mo na sasaktan kita."

Doon ako napangiti.
Doon ko inisip na meron na pala akong totoong kaibigan at siya yun.

NEXT DAY.

Katapusan na ng sportsfest at back to regular classes nanaman. Tinatamad na talaga ako pumasok dahil ang daming quizzes at seatwork. Nilabas ko yung notebook ko para mag drawing at biglaan may nag cover ng mata ko. Hinawakan ko yung kamay at sabi ko.

"Sino to?"

"Hulaan mo."

"Babae ba toh?"

Di siya nag salita

"Si Sophie ba toh? Or si Jess? Or si Janine?"

Tinanggal niya na kamay niya at tumingin ako.

Si James pala.

"Grabe di talaga ako kilala." Sabi niya

"Wow sorry ha akala ko kasi babae." Napatawa ako

"Ay wow ang lakas mo din eh."

Umupo siya sa tabi ko at hiniram ang cellphone ko. Pero ako naman since kakausapin ko pa si Michael umalis muna ako without saying a word.
Nakita ko si Michael na naglalaro ng cellphone. Lumapit ako para makipag kwentuhan dahil gusto ko din siya makilala. Halos same personality sila ni James sa totoo lang.

Biglang nag time na.
Pero kahit time na nasa tabi ko parin si Michael at nag tatawanan. Doon ko narealize na masaya pala siyang kasama and dahil doon nag simula kami maging close kagaya kami ni James.

After a few weeks lumapit ako kay James dahil hindi ko siya masyadong kinausap at sabi ko "Uy Michael" tumingin si James at sabi niya "Lagi na lang si Michael iniisip mo." Bigla siyang umalis sa tabi ko at nag taka talaga ako. "Uy James sorry na." At hinawakan ko siya sa arm niya. Ambilis niya pala mag tampo. Di na siya nag salita at sabi ko.

"Sorry na nga. Mag mamake up ako ng oras para sayo promise."

"Promise ha?"

"Oo nga kaya sorry na."

Pumasok na ang teacher namin at sabi niya "Ok class kailangan natin lumabas para sa data dahil for this activity kailangan natin ng internet to research about this bible verse."

Kaya kami lumabas at nag hanap ng data connection para mag research tas yun nung natapos na ako nakipag kwentuhan lang ako kay James. Naka tayo lang ako at siya'y nakaupo lamang. Tas sabi ni Ma'am bumalik na kami sa classroom si James biglaan niya ako binack hug. Buti walang teacher na nakakita at ako naman napahawak sa kamay niya. Napa-stay kami doon ng ilang segundo at binaba ko na kamay niya at sinabi ko
"Baka mahuli tayo ni Ma'am balik na tayo."

Ako naman napaisip talaga sa mga nangyayari at napa facepalm na lang ako. Kasi di ko talaga gets kung bakit nangyari yung mga yun. Bestfriends lang naman kami and nothing more. Pero normal lang naman talaga yun sa mga bestfriends eh diba? Di ko na alam talaga kung ano kailangan kong ramdamin dahil sa lahat ng bestfriends ko hindi ganun ang ginagawa nila it's either abnormal sila o si James ang abnormal.




Lost, Found, ChangedWhere stories live. Discover now