Chapter 1

14 0 0
                                    

Ako pala si Nichole and nagsimula ang lahat sa first day of school.
Excited ako sobra na makakilala ako ng mga tao at hanapin ang tao na talagang tutulungan akong maging masaya. Umupo ako sa bestfriend ko at nag kulitan lang biglaan kong nakita siya. Ang lalaki na mukhang bakla pero may istura na napaisip talaga ako...Bakla ba talaga toh?
So pumasok na din ang teacher namin sa klase at sabi ni ma'am magpakilala kami. Edi nag pakilala ako.

"Hi ako nga pala si [Nichole], awkward pero weird haha." Sa totoo lang hindi lang yan sinabi ko wala talaga akong hiya pag dating sa pagkakakilala as in, ginawa ko pa yung "[' ']" gamit kamay magegets niyo to kapag kilala niyo si Dan Howell yung favorite youtuber ko.

After nun yung iba nagpakilala at yung pinagkahihintay ko ay tumayo na.

"Ako nga pala si James." 

As in yun lang talaga lumabas sa mouth niya at umupo na siya. 
After naman ng klase hindi naman awasan, snack time lang. Kasama ko yung bestfriend ko, umupo ako doon sa pinakalikod ng classroom kasama siya at nanood kami ng anime (di po ako weeaboo) 

Biglang naka-tingin si James saakin at tumingin sa phone ko at biglaan kinulbit yung katabi niya "Uy, nanonood sila ng anime." ako naman napaisip talaga ako as in, ang weird kasi na pinapansin niya kami pero di nalapitan.

Edi yun tapos na ang snack time namin at TLE na.
Gumawa si ma'am ng mga groups and na surprise ako dahil siya pala ay ka-grupo ko. So ayun nag iisip kami ng pangalan at ako naman si cringe-worthy girl sabi ko "Patatas" dahil nickname ko yun. Si James nag salita at sabi "Patatas? Bakit naman?" tas ang sagot ko "Kasi nickname ko...Bakit ba? May problema ba?"

Tas natawa siya at natawa din ako kasi parang nag hahanap ako ng away. Simula nun mas naging close kami na parang kaming mighty bond hindi matatanggal. May iba na ngang tao na hindi naniniwala na hindi kami eh pati mga teachers isip din nila yun.

Ako naman wala talaga akong nararamdaman sa kanya na gwapuhan lang talaga ako and hindi ko inakala na magiging super duper close kami.

Hindi naman kasi ako mabilis ma-fall sa lalaki like magwawapuhan lang ako  tas yun na yun.

After 3 months passed na close kami nag simula ang sportsfest.
Masaya yung sportsfest kasama ko kasi mga kaibigan ko at that time. Ako kasi clown ako, lagi akong nagpapatawa sa mga kaibigan kong heartbroken, depressed, gustong tumawa etc. 
Nanood kami ng basketball then tumayo ako para bumili ng hotdog kasi gutom na talaga ako as in. 

Biglaan may naramdaman akong chin sa shoulder ko.
Nasa likod ko pala si James at hindi ko yun inexpect at all sobrang gulat talaga ako kasi sobrang rare ng mga lalaking ganun. Mas lalo na yung sinabi niya...

"I miss you." yung mata ko sobrang opened na dahil sa sobrang gulat ko sa pangyayari na hindi ako nag salita tas sabi niya. "As a friend grabe naman kung makapag-isip" 

"Wow ang paasa ha." sabi ko sa kanya at ngumiti na lang ako at sabi niya "Tara classroom." eh ako naman I wanted to spend time with others kasi binigyan ko si James ng maraming oras kaya ang sabi ko "Sorry James pero busy ako eh." tas sabi niya "Sige" at umalis papuntang classroom. Naramdaman ko yung disappointment niya at ramdam ko sineryoso niya talagang sabihin na "I miss you" saakin at dahil doon napaisip na lang ako at nung bumalik ako tinanong saakin ni Austin "Uy. Ok ka lang? mukhang lutang ka ngayon ah." tas sabi ko "Sorry may iniisip lang kasi ako eh." Half of the day ang inisip ko si James. Hindi ko alam kung bakit ako masyado nag isip sa simpleng "I miss you" niya. Kaya inisip ko sa susunod na araw ko siyang bibigyan ng oras.

THE NEXT DAY

Pumasok ako sa loob ng classroom at nilabas ang phone ko since wala naman klase at free time kami halos.

Tumabi saakin si James, binaba ko yung phone ko at tinanong niya "May kasabay ka pa ba?" sabi ko "Wala" nakita ko yung ngiti niya at syempre napangiti ako. Habang naguusap kami si James bigla siyang naantok. kaya tinanong ko "Kung gusto mo matulog okay lang saakin, aalis na lang ako." tas sabi niya "Wag" and he rests on my table.

Ako naman for some reason, nilagay ko kamay ko sa buhok niya and played with his hair. Medyo napaisip ako at tinanggal ko yung kamay ko.

Nung tinanggal ko kinuha niya bigla kamay ko at binalik.
Ako naman napatawa ang cute kasi eh.

After that nag usap kami tungkol sa buhay ko at buhay niya para magkakilala naman kami and yun nanaman kami parang naka mighty bond kami dahil dikit na dikit kami sa isa't isa. Walang masyadong nangyari nung araw na yun kasi ang 2nd day is considered as a busy day kasi madaming sports.

THIRD DAY
As usual umupo ako sa upuan ko at walang ginagawa na biglaan nilapitan ako ni Austin

"Yung totoo Nichole." 


"Ano nanaman aba."


"May nararamdaman ka ba kay James?"

"Anong klaseng tanong yan? Malamang WALA." Sa totoo lang, WALA TALAGA. As in walang wala.

"Eh si James may nararamdaman ba siya?" nung tinanong ni Austin yun, tumingin ako sa kanya at sinabi ko "Austin, Bestfriends lang kami ang nothing more imposible akong ma-develop sa baklang yun."

After ng tanungan umalis na si Austin dahil sa ibang classroom siya dapat. At dahil sa tinanong niya mas naging curious ako kay James pero it's really impossible for him to fall for me besides I feel like bestfriend lang naman ang habol niya not a serious relationship.

"Uy Nichole." biglaan akong nagulat at napatingin sa kaliwa ko 

"Bakit James?"

"Ba't parang may iniisip ka?"

"Wala akong iniisip."

"Weh."

"Oo nga hay nako kumain na lang tayo okay?" Kasi gutom na talaga ako at that time kaya ayun tumayo kami at lumakad papuntang canteen at biglaan...











Bitin noh? Haha hintay lang kayo mamaya or bukas :)








Lost, Found, ChangedWhere stories live. Discover now