Chapter 35: Cold

81.5K 2.4K 183
                                    

JESSICA's POV

"Lianna tara na!" tawag ko mula sa labas ng kwarto niya.

Siguro nauna na sya sa room?
Di manlang nanghintay!

"Morning Jessica!"

Anong ginagawa ng gagong ito dito sa dorm?

"Sino nagsabi sayo na pumunta ka dito?" mataray na tanong ko sa kanya.

"Si Lianna" nakangiting sabi nya, ang gwapo este ang gago.

"Nakita mo sya?"

"Joke lang wala syang sinabi sa akin nagkusa lang ako"

"Reese mapapatay talaga kita"

"Thank you *wink*

"Argh...ikaw na unggoy ka humanda ka talaga sa akin"

Nakakagigil.

Lumabas ako ng dorm at nilagpasan sya. Panira ng araw eh!

Teka lang umuwi ba si Lianna?

Di ko kasi sya napansin. Baka sa room sya nauna na.

Pagkarating ko sa room hinanap agad ng mata ko si Lianna. Pero wala siya? Saan naman kaya yun pumunta ah?

Tumingin naman ako sa mga royalties.

Hinahanap din yata nila si Lianna.

"Jess saan si Lianna?/ Nakita nyo ba si Lianna?" Nabigla naman kami dahil pareho ang ititanong namin.

"Fuck. Where is she?" nakakapagtakang pati si Keith ay hindi alam kung saan si Lianna?

"Hala Cathy at Clide nagalit siguro sa inyo inasar nyo kahapon" sabi ni Princess Angelica sa dalawa.

Sinamaan naman silang dalawa ng tingin ni Prince Keith.

"Biro lang naman yun Keith eh, namiss ka kasi nya" tanggol ni Cathy sa sarili.

"Oo nga Keith" sabat pa ni Clide.

*blag*

Napatingin naman kami sa pinto, pabalibag kasi ang pagbukas nito.

"Lianna?" Tiningnan nya lang kami.

Ghad ang lamig.

"Jessica pinakain mo ba sya ng ice..ang lamig"umiling naman ako sa tanong ni Cathy.

Bakit kaya?

May problema ba siya?

"Morning Lianna, Akala ko nauna ka sa akin" masiglang bati ko bago sya umupo sa upuan nya.

"Morning" ang lamig.

Lahat kami nagulat lalo na si Prince Keith.

Bigla naman pumasok si Ma'am kaya sa kanya napunta ang atensyon namin.

"Good morning Class. All of you go to the Field. We have an activity"

Tumayo naman kami pagkasabi nya.

Nagulat naman kami ng biglang mawala si Lianna.Bakit sya nagkaganun?

Pagkarating namin sa Field nandun na agad sya. Hindi ako sanay na ganyan sya. Sa halip na ngiti ang isalubong nya sa amin kundi isang cold na tingin.

Napatingin naman ako kay Keith.

Nakakaawa si Keith halata ang taka na halong lungkot sa mukha nya.

White AcademyWhere stories live. Discover now