Chapter 14: Practice Battle

118K 3.6K 388
                                    

LIANNA's POV

Simula nang lunes hanggang biyernes pala yung training.

Kaya simula nun lagi-lagi kami sa Training ground. Lagi pa namin kasabay ni Jess yung mga Royalties, nahihiya na nga kami kasi sila pa kumukuha nang pagkain namin ni Jess. Tapos sasabihin nilang 'ok lang' nakakahiya talaga.

Kaya minsan lumalayo ako at si Jess ng ilang metro sa kanila. Dahil na rin sa naririnig ko mula sa grupo ni Roxanne.

Ano bang magagawa ko kung sila mismo yung lumalapit sa akin at kay Jess. Kaya lang nakakarindi yung mga parinig nila at ginagawa nila.

May araw din sila sa akin.
Lintik lang ang walang ganti.

Masama akong magalit wag nila akong galitin.

"Ang sama nang aura mo ah"

Napatulala ako sa kanya. Simula nang nag-eensayo kami ang hahaba na nung sinasabi nya sa akin, sabi nila wala daw syang pakialam sa iba, pero bakit ganun di naman ah mabait nga siya.

"Di naman Prince Keith"

Sumabay naman syang lumakad sa akin sa hulihan kasi ako ayoko sa unahan. Papunta kasi kami ngayon sa Training ground. Last day nang ensayo.

"Keith na lang tss"

Yung kami lang minsan nag-uusap gusto niya Keith na lang daw itawag ko sa kanya. Eh sa ayoko eh. Parang walang galang kasi.

"Per-"

"Ang kulit mo"

"Ouch" kurutin daw ba yung ilong ko. Nag pout na lang ako. Siguro namula na yung ilong ko.

"Stop pouting like that"

"Pano hindi ako magpout ang sakit nang pagkurot mo sa ilong ko"

"Tss" kita mo ito sa halip na sorry sabihin tss ang sinabi.

*tsup*
O_O

"oh ayan di na masakit di ka na nagrereklamo eh" Speechless.

Agad naman syang pumunta sa pinakaharap siguro pupuntahan nya sina Princess Cathy. Malamang sa alamang my ghad pakiramdam ko namumula yung buong mukha ko.

Kiniss nya ako sa tungki ng ilong ko.
My ghad!!!

"Oh bakit namumula mukha mo Lianna" ngek di pa rin nawawala.

"Kaya nga Lianna" nagtatakang tanong ni Princess Cathy.

Buti na lang talaga walang nakakita. 
hay -__-"

"Ah wala wala nakakain kasi ako kanina ng maanghang" Ganda nang palusot.

"Natural lang yan haha"

Kung alam nyo lang ang totoo. Tapos yung may gawa pa ayun seryoso pero sa loob nyan tinatawanan na ako.

Umikot ako nang paningin kami lang pala ang nandito, hapon naman kasi tapos sabi ni Ma'am Mahan, naka-assign na teacher para magpa-ensayo sa amin.

Magkaroon daw kami ng practice battle.
Ina-asign nya na din yung mga lalaban. Yung sa classroom lang namin ang nandito ngayon. Kung bibilangin sampung laban lahat dahil 20 lang kami sa room.

"Unang laban Zartera vs. Yin"

Oh si Slave ko pala. Di ko pa yun nakakalimutan.  Di ko pa nga nasisimulan yung paguutos sa kanya.

Pumunta naman agad si Jess sa gitna ganun din si Gellea Yin 'my slave clown fish'

Ano kaya gagawin ni Jess?

Nagsimula na ang laban. Agad namang umataki si Gellea ng kanyang mga metal blade papunta kay Jess nung malapit na sa kanya agad nya naman itong ginawang ice at binasag. Paulit-ulit lang ginagawa nilang dalawa.

Biglang sumipol si Jess tapos bigla na lang lumabas yung mga maliliit at matutulis na ice papunta kay Gellea. Hindi naman iyon naiwasan ni Gellea at nahuli sya sa pag-ataki at ang kinalabasan nasalo ng katawan nya yung mga ice.

At ang panalo walang iba kundi si Jess. Agad din naman nilang dinala sa Clinic si Gellea.

Nakalimutan ko bang sabihin na may barrier yung pinaglalabanan namin.
Pwes ngayon nasabi ko na.

"Pangalawang laban, Swott vs. Mondarez"

Ghad ako na pala, kalaban ko pala si Roxanne wow maganda yun ah.
Makakaganti na din ako sa kanya.

Pumunta agad ako sa gitna ganun din si Roxanne dala-dala ang kanyang smirk sa labi. Duh ano yan tinatakot nya ako.

Pagkasabi ng 'go' nagsimula na kami.
Napangiwi ako pero napalitan ng smirk.
Di na masama.

May lumabas naman sa dalawa kong kamay at paa na mga dahon na naging bracelet. Ang mga dahon na ito ay nakakatulong para palakasin yung mga sipa at suntok ko. Bakit ko naman sasayangin yung kapangyarihan ko.
Mas malakas ang kuryente kesa sa halaman. Pero nasa user na yun kung paano nya maipanalo ang laban.

Nagpalabas naman sya nang mga electricity steel at itinira sa akin.
Agad ko namang iniiwas ito at lumapit sa kanya.

Oo nga pala kahit saan nya pala pwedi gamitin ang kuryente ay gagana.

Agad ko naman syang sinuntok ng kanang kamay ko na nakapatalsik sa kanya ng malayo.

"Woah"

"Argh" narinig ko namang napa-gasp yung iba.

May tumama sa binti ko at may kuryenting kasama. Tinanggal ko naman ito kaya may umagos na dugo. Dibale may plant healer ako.

Nakatayo na pala sya. Lakas din ng katawan nya.

Nagteleport naman ako sa harap nya na ikinagulat nya. Sinuntok ko agad siya sa sikmura nya at sinipa. Tumalsik ulit sya.

Tibay nang katawan ah nakatayo pa rin.
Pero may dugo na yung ilong nya at labi.

"Sh*t kang babae ka di ako papatalo sayo" sigaw nya sa akin habang pinupunasan yung mga dugo sa labi nya at ilong.

"*smirk* Ako din naman, pano ba yan di ko pa nagagamit yung mga halaman ko"

Tinataas nya pa lang ang kamay nya ay tinira ko na agad sya ng mga spines ko.
Gumamit naman siya ng electric shield para sanggain ang tira ko.

Habang abala sya sa pagpigil ng mga spines na binitiwan ko ay nagteleport ako sa likod nya. May surprise ako eh.

"Oo nga pala Roxanne yung pinakamamahal mong alalay na si Gellea Yin ay alalay ko na" Bulong ko sa kanya sabay tumingin kay Gellea.
Hahahaha.

Nagteleport naman ako agad pabalik sa dati kong pwesto at seryosong tumingin sa kanya.

Hirap na hirap sya sa pagpigil siguroy nanghihina na sya. Kapag hindi natalo ang mga spines ay nandyan pa rin yan.
Pwera na lang kung ivavanished ko.

Nakakaawa yung itsura nya agad naman nawala yung mga spines ,kagagawan ko.
Bago sya mawalan ng malay ay may sinabi pa sya.

"Tandaan mo makakaganti ako"
Wala akong pakialam.

Ngayon natikman nya na kulang pa yan. Hindi mo pa nakikita kung paano ako nagiging brutal Roxanne Swott, wala akong awa sa taong binabalewala ang kakayahan ko.

Napatingin ako sa kamay ko at itinago ito nang makita ang panginginig. Nakukulangan ako sa ginawa ko bago lang.

Huminga ako ng malalim at tiningnan sila. Nakita ko pa ang saglitang pagngiti ni Prince Keith sa akin na naging dahilan para mabawasan ang nararamdaman ko ngayon lang.

Ayokong dumating sa punto na hindi ko makontrol ang sarili ko.

***
-btgkoorin-

White AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant