Chapter 24: Mission

99K 3K 170
                                    

LIANNA's POV

"Lianna si Keith na lang maghatid sayo, malakas hatak nya sa HM eh, sorry ah naabutan ka pa ng curfew dito" paumanhin ni Cathy. Tumango lang ako sa kanila.

Nagabihan na ako dito at isang oras na lang ay hating gabi na. Nasarapan kami sa pagku-kwentuhan at biruan kaya di namin namalayan ang oras.

"Ok lang haha. Salamat pala sa dinner" ngumiti ako.

"Wala yun, sige na lakad na kayo" aniya saka tinulak kami ni Keith palabas ng pintuan. Tumawa pa siya bago sinara ang pintuan. Loko haha.

"Ah ako na lang Keith kaya ko naman eh, pwedi naman akong mag-teleport kung gugustuhin ko."

Tiningnan niya ako at muling tumalikod. Nauna rin siyang lumakad sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

"Faster" aniya kaya binilisan ko ang lakad hanggang masabayan ko siya.

Hindi na ako umimik at ganun din siya hanggang sa makarating kami sa gate ng Gold Dorm.

"Ah salamat nga pala sa paghatid" nakangiting sabi ko sa kanya.

*tsup*O_O

Pagkahalik niyang yun ay tumalikod na siya at mabilis na umalis.

"Hoy magnanakaw ng halik sa pisngi bumalik ka dito hoy"
O///O kainis yun ah.

"Welcome" aniya kahit na malayo na siya.

Napahawak ako sa pisnge ko na hinalikan niya. Sh*t namumula ata ako.

Pagdating ko sa dorm ay tulog na si Jess at salamat dahil hindi niya nakita ang pamumula ng pisnge ko.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay agad akong humiga sa kama ko at di mapigilang ngumiti.

Namumuro na ang prinsipeng yon ah. Nangnanakaw ng halik (sa pisngi at ilong) pati na din yakap.
Hmmmmp.

*****

Maaga akong nagising at nag-asikaso. Ganun din si Jessica. Sabay din kaming pumasok.

Pagdating namin sa room wala pa yung teacher. Umupo naman kami sa sariling upuan.

Nandito na rin yung mga Royalties na nakaupo sa mga upuan nila at nagku-kwentuhan. Binati nila kami at ngumiti.

Nag-nap lang ako sa lamesa ko.
Yung katabi ko ganun din. Buti na lang hindi ako naiilang sa kanya. Pisnge lang naman eh hindi naman sa lips. O///O

"MAY I EXCUSE THE ROYALTIES AND MS. MONDAREZ TO GO TO MY OFFICE" boses ni HM Sapphire.

Napaangat naman ako ng ulo.
Bakit kaya pati ako kasama?

Dumating naman yung teacher namin. Kami naman nag-excuse saka lumabas.

"Bakit kaya tayo pinatawag?"-Cathy
"Aba malay ko" -Angelica
"Siguro may ipapagawa si HM Sapphire sa atin"-Clide

Nagkibit balikat naman yung dalawang babae. Ako naman sumunod lang sa kanila sa paglalakad.

*****

"Jess aalis ako ha" paalam ko kay Jess

"Mag-iingat ka Lianna ha! Kailan ba kayo makakauwi?" aniya.

"Kapag natapos na yung pinapaggawa sa amin" ngumiti ako sa kanya.

Pagkaayos ko ng mga gamit na dadalhin ko para sa pinapagawa ni HM Sapphire, ay lumabas na ako ng dorm.

Madaling araw pa lang pero gising na ako ganun din si Jess kasi sinabi ko sa kanya yung mission namin.

White AcademyWhere stories live. Discover now