Chapter 37

1.9K 77 0
                                    

Pagkasakay ni Daniel ng kotse ay lalong nanghihina ang kanyang katawan..

Isang talutot na lamang ang natitirang benditas.

At ilang araw na syang hindi gumagamit nito, hudyat na para gamitin nya ito.

Minaneho nya ang kanyang magarang sasakyan, pagkahawak nito sa manibela ay napansin nya na nagbabago ang kanyang kamay, nag kakakulubot na ito, tiningnan nya ang kanyang mukha sa head mirror at nakita nyang nag kakakulubot na din ito, alam na ni Daniel ang mangyayari, babalik na ang dati nyang anyo, ang isang matanda.

Pina andar nya ang sasakyan at nagtuloy sya sa simbahan.

Pagpasok nya ay nagdasal sya.

"Panginoon, patawarin Nyo ako sa aking mga nagawang pagkakasala, hindi ko po inaakala na ganito ang mangyayari, patawad, tatanggapin ko kung ano mang parusa ang ipapataw Ninyo sa akin, patawarin Nyo ako Panginoon ko, Kayo na po ang bahala sa akin!" Nagsusumamong dasal ni Daniel sa harap ng altar.

Matapos nyang magdasal habang papalabas ng simbahan ay may nakita syang holy water na hawak ng isang estatwa ng anghel sa tabi ng pillar ng simbahan at naalala nya ang kanyang panaginip.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon