Chapter 14

2.4K 73 1
                                    


Kinabukasan habang sya ay natutulog ay may babaeng nanggising sa kanya, naka takip ng panyo ang mukha ni Daniel habang nakapatong ang kanyang ulunan sa kanyang bag.

"Hoy , sino ka, ano ginagawa mo sa tindahan ko?" Pagalit na sabi nito.

Nagising si Daniel at tinanggal nya ang kanyang panyo sa mukha.
Nang nakita ng babae ang mukha ni Daniel, namangha siya sa sobrang kaguwapuhan nito, bumaba ang kanyang mga boses.

"A____ano ginagawa mo dito,? ___ sino ka?" 

"Ako si Daniel, pasensya na , wala kasi ako matulugan kagabi."

"Ako naman si Olivia , bakit wala kang matulugan taga saan ka ba?"

"Taga Probinsya ako, nakikipagsapalaran sa Maynila."

"Hmm talaga?"

"Sige aalis na ako maraming salamat."

"Sandali lang, gusto mo ng kape, magtitimpla ako." sabi ni Olivia.
...
Nakipag kuwentuhan kay Daniel habang umiinom sila ng kape sa harap ng tindahan ni Olivia.

"Pwede ka ulit makitulog dito mamayang gabi, nag iisa lang naman ako, kasi yung nanay at tatay ko OFW, yung mga kapatid ko may asawa na kaya wala akong kasama."

"Ah ganon ba , naku nakakahiya naman."

"Huwag ka na mahiya." sabi ni Olivia, may itsura si Olivia, mga nasa 26 anyos ito at maganda ang kanyang katawan at may maganda ring mukha.

"Saan ka ba pupunta ngayon?"

"Maghahanap sana ng trabaho "

"Trabaho? Aba matutulungan kita."

"Talaga?"

"Oo, huwag ka mag alala , kakausapin ko yung kaibigan kong bading si Elmer, maraming alam na mga trabaho yun na maaari mong mapasukan, nasa outing kasi sya ngayon eh, pag dating nya bukas ipapakilala ko sayo para magkatrabaho ka kaagad."

"Naku salamat naman." Masayang sabi ni Daniel.

"Ok lang ba tulungan mo na muna ako magtinda kasi wala pa yung kasambahay ko eh, bukas pa darating."

"Oo yun lang pala."

Tinulungan na lamang ni Daniel si Olivia mag bantay ng tindahan, at lahat ng bumibili ay napapatingin kay Daniel.

"Aba Olivia ke gandang lalake naman ng boyfren mo, ipakilala mo naman sa akin." sabi ng isang medyo may edad na babae na bumili sa kanya.

"Hehe hindi ko po sya boyfren."
......
Kinagabihan ..

"Sa labas na ako matutulog." ani Daniel.

"Kahit dito sa loob ka na matulog."

"Nakakahiya, ok na ako sa labas salamat."

Pinilit sya ni Olivia patulugin sa loob ng kanyang bahay.
Nahiga si Daniel sa sala at nakatulog.
Nakasilip si Olivia sa pintuan ng kanyang silid habang pinagmamasdan nya si Daniel,.
At napapakagat sya sa kanyang labi.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon