Chapter 26

2.6K 73 3
                                    


Nagkita sila sa isang sosyal na restaurant, at sila ay nag diner.

"Sino yung babae na nandoon nung hinatid kita?"

"Ah sya si Olivia yung tumulong sa akin, nung unang dating ko dito sa Maynila ay wala akong matirahan, nakatulog ako sa harap ng tindahan nya at ng nakita nya ako, pinatuloy nya ako, sya ang nagpakilala sa akin kay Elmer para tulungan ako makakita ng trabaho, at yun nakilala kita at si Sir Henry."

"Ah ganon ba? Pero bakit parang asawa mo sya kung umasta sya?"

"Ah eh, mula kasi nung nakitira ako sa kanya ay gusto nyang magsama na kami ngunit hindi ko naman sya mahal."

"May nangyari ba sa inyo?"

"Ah...meron, nung una natukso ako sa kanya pero nung mga sumunod na mga gabi ay pinagbibigyan ko lang sya pero hindi ko sya mahal at pinag sisihan ko na yon."

"Bakit sinabi mo sa mga kaibigan ko na magkasintahan tayo pero di mo naman pinatunayan sa kanila?"

"Sinabi ko yon dahil nakita ko ang mga tingin ni Lester sayo, nagselos ako kaya nasabi ko yon, patawad"

"Ano nagseselos ka, bakit?"

"Dahil natagpuan ko na ang babaeng mamahalin ko at ikaw yon Belle."

Nakaramdam ng kaba si Belle sa sinabi ni Daniel .

Tinitigan sya ni Daniel at kanyang sinabing...

"Mahal kita."

Hindi makapaniwala si Belle sa sinabi ni Daniel.

"Totoo?"

"Oo ikaw lang at wala ng iba."

"Pero hindi ko naman nararamdaman?"

"Basta mahal kita Belle."

"Kung mahal mo ako, halikan mo ako ngayon." sabi ni Belle.

Hindi makakilos si Daniel, hindi nya ito magagawa kay Belle, natatakot syang pareho silang matukso at magaya si Belle kay Olivia at Vina. At ayaw nyang madamay si Belle,.
Nakatali sya kay Kasandra at alam nyang may mangyayaring masama kay Belle kapag umibig sya dito, hindi nya maaaring halikan at hawakan si Belle.

"Patawarin mo ako, gustong gusto kitang yakapin at halikan ngayon ngunit hindi ko ito magagawa sayo." sabi ni Daniel.

"Hndi kita maintindihan?!"

"Ayokong masaktan ka."

"Kapag minahal ba kita sasaktan mo lang ako gaya ng ginawa mo kay Olivia, yun ba ang ibig mong sabihin?" Nagdadamdam na sabi ni Belle,.

"Hindi kita sasaktan, mahal kita, ikaw ang babaeng pangarap ko."

"Kung ganon ano pa ang hinihintay mo Daniel, sinasagot na kita na oo, mahal din kita"."
"Talaga? Kung gayon ay tayo na mula ngayon?" Masayang sabi ni Daniel.

" Oo Daniel Oo." puno ng kaligayahan na sabi ni Belle.

Hahawakan ni Belle ang mga kamay ni Daniel na nakapatong sa lamesa ngunit iniwas nya ang kanyang mga kamay.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon