Chapter 28

2.2K 76 0
                                    


Binuksan ni Melvin ang pinto at napatingin sya kay Daniel.

"Sino ka?" Nagtatakang Sabi ni Melvin.

"Ako si.....Daniel Espinosa."

"Espinosa?bakit mag ka apelyedo  tayo?"

"Ah maari muna ba kitang makausap importante lang."

Pinatuloy sya ni Melvin.

"Ano kailangan mo?" Nagtatakang tanong ni Melvin.

Tiningnan syang mabuti ni Daniel at sinabing.

"Anak, Melvin ako ito ang tatay mo."

Nagimbal si Melvin sa sinabi nito.

"Ako ba pinag loloko mo!?"

"Totoo anak, katunayan eto yung papel na binigay mo sa akin na number at address ninyo bago kayo umalis ni Melina sa bahay natin sa santa barbara, dalawang buwan ang nakakaraan."

Hindi makapagsalita si Melvin, naguguluhan ito..

"Melvin ako ang tatay mo!"

"Papano naangyari, papano kita paniniwalaan?nasaan ang aking ama?"

"Ako ito Melvin."

Nakaramdam ng lukso ng dugo si Melvin ng sinabi ito ni Daniel, ngunit hindi na muna sya nagpanigurado.

"Pero, papano ako maniniwala?"

"May balat ka sa ilalim ng kili kili mo, at meron kang nunal sa iyong likuran."

Sabi ni Daniel.Napahawak si Melvin sa kanyang kili kili.

"Tatay?" Manghang sabi ni Melvin.

"Oo, ako nga anak." masayang sabi nI Daniel at niyakap nya si Melvin.

"Teka tay! Bakit nagbago ang anyo ninyo papano nangyari?"

"Natatandaan mo ba yung diary na napulot ko?"

"Yung lumang diary?"

"Oo, binasa ko yun at mayroon pala itong lihim, at ginawa ko ang nakasulat sa libro anak, hindi ko akalain na totoo ito, ginawa ko yung nabasa ko at bigla na lang ako nagkaganito."

"Totoo po ba ang mga sinasabi nyo, ano ang ginawa ninyo?"

"Tsaka ko na ipapaliwanag anak, sa ngayon ay Daniel na muna ang itawag nyo sa akin, halika na sumama ka na sa akin, nasan na si Melina at ang apo ko?"

At doon lang naalala ni Melvin na nasa ospital nga pala ang mga ito.

"E tay, nasa ospital, kailangan magamot agad si jP., may tigdas sya pero wala kaming pera"

"Ganon ba, halika na puntahan natin."

"May pera po ba kayo tay?"

"Oo, nakakita agad ako ng magandang trabaho."

Habang naglalakad sila palabas ng bahay ay hindi pa din makapaniwala si Melvin, tingin sya ng tingin sa tatay nya.

"Tatay talaga bang ikaw yan? Para kang prinsipe tay ah." manghang sabi ni Melvin.

Nakangiti lamang si Daniel sa kanya at paglabas nila ay pinag titinginan sila ng mga kapitbahay.

"Melvin sino yang kasama mo?" Sabi ng mga kapitbahay.

"A, pinsan ko po."

"Ha?" nakanganga ang lahat habang nakatingin sila kay Daniel.

Nginitian na lamang sila ni Melvin.
Binuksan ni Daniel ang pinto ng kanyang magarang sasakyan at mahiya hiyang sumakay si Melvin.....pagkasakay nila sa loob.

"Wow ang ganda naman ng kotse mo tay?"

"Haha! Mula ngayon anak sayo na to."

"Ha totoo?"

Pagdating sa ospital.
Pinark ni Daniel ang sasakyan.

"Anak, hindi na muna ako magpapakita kay Melina , magkano ba ang kailangan?"

"E mga 20 thousand po."

Binigyan ni Daniel ng pera si Melvin.

"O ayan ang 50 thousand."

"Tay , sobra sobra na ito , salamat."

"Aalis na muna ako, mamayang gabi puntahan nyo ako sa address na ito, doon na lamang tayo mag usap ok ."

"Ok tay salamat."

At umalis na si Daniel.

Pagpasok ng ospital ni Melvin.

Naabutan nyang namomroblema si Melina kasama ng kanyang kaibigan na si Gloria, ng nakita sya nito.

Melvin nakahiram ka ba?"

" Oo, asan na ang doktor bayaran na natin."

"Saan ka nakakuha ng pera?"

"Mamaya ko na ipapaliwanag, magbayad na muna tayo at bumili ng gamot."

"Naku salamat Melvin huhuhu!" Naiiyak na sabi ni Melina.

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon