Chapter 30

2.3K 78 1
                                    


Pagdating nila sa condo ay napatingala si Melina sa sobrang taas ng building.

"Sino ba pupuntahan natin dito ?"

"Nandito ang tatay."

"Ano, ang laki at ang taas naman ng condo na ito, pang mayaman ito ah , papano napunta ang tatay dito?"

"Mayaman na ang tatay ngayon." masayang sabi ni Melvin.

"Ano? Ako ba pinagloloko mo?" Nagtatakang tanong ni Melina.

Mahiya hiya silang pumasok sa loob ng magandang reception area ng condo..

"Saan po kayo pupunta?" Sabi ng guard

"Kay Daniel Espinosa hinihintay nya kami, ako si Melvin." Sabi ni Melvin.

Tinawagan ng Guard si Daniel..

"Hello sir may naghahanap po sa inyo, Melvin daw po?' Sabi ng guard habang kausap sa telepono si Daniel.

"Papasukin mo." sabi ni Daniel sa kabilang linya.

"Maari na kayong tumuloy, nasa penthouse suite sya sa 8th floor."

"Penthouse?" Nagtatakang sabi ni Melina.

Nakangiti lamang si Melvin sa kanya,
Pagdating nila ng penthouse ay nag doorbell sila.
Binuksan ni Daniel ang pinto, nakasuot sya ng bathrobe na silk na dark blue, na binigay sa kanya ni Belle.

"Tatay!" Sabi ni Melvin..

"Mga anak ko!" At niyakap nya si Melvin at Melina,

Namangha si Melina, habang yakap yakap sya ni Daniel at hinalikan sila sa noo. ( hindi tatablan ang kadugo ng gumamit ng benditas, kaya kahit haplusin nila ito ay hindi sila iibig dito)

"Eh teka? Tatay? Nasaan na ang tatay?" Nagtatakang tanong ni Melina,

"Tumuloy kayo."

Naupo sila sa mamahaling sala set ni Daniel.

"Ano ba ang nangyayari? Nasan ang tatay?" Nagtatakang tanong pa rin ni Melina.

"Melina ako ang tatay mo." sabi ni Daniel.

"Ha? Papano nangyari, Melvin ano ba?" Naguguluhang sabi ni Melina,

"Di mo ba sinabi Melvin?"

"Hindi pa tatay eh, masyado kasi abala si Melina kay JP kanina kaya di ako naka tiyempo sabihin, patunayan mo nga tay kay Melina na talagang ikaw nag aming ama."

"Melina, nung maliit ka mahilig ka maglaro ng holen kahit babae ka, at mahilig ka magluto, at pinaka paborito mong lutuin ay sinigang na may bayabas na namana mo kay Belsie sa iyong ina, at nung maliit ka natatandaan mo nahulog ka sa puno at buti na lang ay nasalo kita at mahilig kang mag sulat ng tula, at may ginawa ka na tula tungkol sa isang ama at para sa akin iyon diba?"

"Ang tangi kong ama." sabay nilang binanggit ni Melina ang pamagat ng tula na ginawa ni melina nung sya ay bata pa.

"Tatay! Ikaw nga!" Naiiyak na sabi ni Melina...

The Creepy Statue of Kasandra 3 'Touch me Not'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon