"Psh! Akala mo naman ang ganda. Para namang clown sa sobrang kapal ng make up, matapilok ka sana." Singhal ko sa sarili ko. Napangisi naman ako nang matapilok nga siya ng tuluyan and worst nasira pa ata ang sandals niya. Iyan ang mahirap sa mga pandak, heels nalang talaga ang kakapitan para maging matangkad.

Inalis ko nalang sa isipan 'yong babae at muli kong binalik ang atensyon sa paligid ko. Nang mangawit na ako kakatingin ay 'saka ko na hinanap 'yong elevator.

Nang makita ko ay pumasok na ako agad sa loob nang bumukas ito, isasarado ko na sana nang may humarang na kamay.

Napabukas ulit ang pinto ng elevator at bumungad sa akin ang lalaking bumaba sa langit para sa akin. Charot!

Napatulala ako nang makita ang itsura niya. He's handsome, has an attractive eyes, a pinkish and kissable lips, and a pointed chin. Idagdag mo pa 'yong manipis na beard niya.

Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Okay, aaminin ko na ang hot niya. Napalunok pa ako nang dumako ang paningin ko sa biceps niya. Yummy!

Urgh! Erase. Ano ba itong iniisip ko?

Kakarating ko lang dito sa Maynila ganito na kaagad ang nangyayari sa akin.

Oh tukso! Layuan mo ako.

"What floor?" Napatalon ako sa gulat nang magsalita siya. Kahit sa pagsasalita niya ang hot niya pakinggan. Napaka-husky ng boses niya.

"What floor, Miss?" tanong niya ulit. Ano bang floor 'yong sinabi sa akin ni Allen? Bakit ngayon ko pa nakalimutan? Naman e! Nilingon niya ako kaya napaatras ako ng isang hakbang.

"Are you trying to ignore me?"

"No. I---I forgot." Mabilis kong sagot. Alalahanin mong mabuti, Carolline. Mapapahiya ka nito e. "Floor 18." Mabilis kong sabi nang maalala ko.

"Tsk." Singhal niya at pinindot ang 18 na button sa elevator. Napanguso naman ako. Ayon pala 'yong last floor dito. Ang taas naman pala ng floor na binili nilang unit para kay Allen.

Tinignan ko nalang ang nasa paligid ko para mawala 'yong ibang atmosphere sa loob ng elevator. Tinignan ko ang reflection ko sa elevator. Hindi sa pagmamayabang pero maganda talaga ako, 'yon ang sabi ng mga magulang ko. Nilagay ko pa ang konting buhok na nakatakip sa mukha sa may likod ng tainga ko.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko nang tumunog ang cellphone niya. May tumatawag yata sa kaniya.

"What?!" sagot niya sa tawag niya na siyang kinagulat ko.

"Arianne, just what I've said earlier, I don't fvcking love you!" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi siguro siya na-inform na may iba pa siyang kasama rito.

"No, why would I? Seriously? Are you trying to insult me?"

"Psh! I'm not stupid Arianne, I fvcking use condom when I'm going to fvcked you." Napatulala ako sa narinig ko. Bakit sa lahat ng maririnig ko, ito pa talaga ang nataon?

"Don't you dare call me again!" Napahugot ako ng hininga nang ibaba niya ang cellphone.

"Crazy woman." Bulong niya pa.

Pinaypayan ko pa ang sarili ko nang maramdaman kong uminit ang paligid ko. Bakit ba ganito? Urgh! Ang bagal bagal naman kasi makarating sa 18th floor. Hinigpitan ko nalang ang kapit sa bag ko at hinihiling na sana makarating na ako sa floor na pupuntahan ko.

Nang tumunog ang elevator ay roon lang ako nakahinga ng maayos. Buti nalang talaga at nakalabas na siya.

Magsasarado na sana 'yong pinto nang makita ko na ito na pala 'yong last floor kaya mabilis kong kinuha 'yong maleta ko at lumabas na rin.

Pagka-labas ko ay bumungad sa akin ang red carpet. Oh taray! Napatitig pa ako sa mga paintings na nakasabit sa dingding at sa mga designs nito. Puwede ng magtayo ng Art Museum dito.

Paano na ulit? Saan na naman ako pupunta nito?

"Aha!"

Nang maalala ko 'yong condo unit na pupuntahan ko. Kung hindi ako nagkakamali ay Room 30 'yon.

Naglakad pa ako at sinilip 'yong kanan ko. Dito mag-uumpisa ang room 1. Nagsimula akong maglakad ang kailangan ko lang gawin ay tumingin pakaliwa at kanan. Pagdating sa dulo nakita ko na hanggang room 15 lang ito. Kaya inisip ko na baka nasa kabilang way pa ang room ko.

Hinawakan ko nalang mabuti ang gamit ko at nagsimula ng maglakad pabalik sa nilakaran ko. Nakarating ako sa elevator at dire-diretso lang ang lakad ko.

Napatigil lang ako nang may nag-aaway na babae at lalaki sa hallway. Now, anong gagawin ko? Ito pa naman ang pinaka-ayaw ko, 'yong may nag-aaway sa harapan ko.

"Please baby, come back to me again, okay?" Rinig kong sabi ng babae. Teka parang namumukaan ko siya. Siya 'yong babae na nakabunggo sa akin kanina sa baba. Kita mo nga naman. Sinu-suwerte ka naman talaga.

"We're done." Matigas na sabi ng lalaking kausap niya. Lumapit pa ako ng kaonti at nakita ko ang mukha ng lalaki. Siya pala 'yong lalaki na nakasabayan ko kanina sa elevator. Napailing nalang ako. Napaka-gandang timing naman talaga ang dating ko rito.

"I will do everything just please Francis, come back to me baby." Pagmamaka-awa ng babae at lumuhod pa talaga siya sa harapan ng lalaki. Tinignan ko naman ang lalaki at parang wala siyang paki-alam sa nakikita niya.

Hindi ko na pinansin 'yong pag-uusap nila. Kaya ayoko munang mag boyfriend dahil alam kong sa huli na magbe-break lang din naman. Wala kayang forever, duh!

"Gwapo nga, fvckboy naman." Bulong ko sa sarili ko. Napairap nalang ako sa hangin at kinuha ulit ang gamit ko para maglakad patungo sa kanila. Tsk. Doon kasi papunta ang room na tutuluyan ko.

Rinig ko pa ang pag-iyak ng babae at pagmamakaawa nito sa lalaki. Pero ang tingin ko ay diretso lang. Ayoko talaga na may mga babaeng umiiyak dahil lang sa lalaki.

Huwag kang titingin sa kanila, Carolline.

Napasinghap ako nang may humila sa braso ko at huli na dahil yakap-yakap ako ng lalaki na kanina lang ay kasama ko sa elevator.

"Where are you going, babe? This is our room." Bulong niya sa akin at 'saka hinalikan ako sa labi. Oo sa labi. And for the second time. Wala na ang first at second kiss ko this day. This fvcking day only.

Tilang na-estatwa ako sa kinatatayuan ko nang humiwalay siya sa akin at hinarap 'yong babae.

"Arianne, meet my new girlfriend."

To be continue...

His Secret Secretary (R-18)Where stories live. Discover now