Chapter 2

45.7K 578 43
                                    

Thank you corner:
Ziana_Chloebelle
annanndeniega
OldfangledSuigeneris
fvtuous-
monstrousteenager

Thank you for the support!

---


Chapter 2


Carolline's POV

Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko. Kinusot ko pa ang mata ko, nang pagkamulat ko ay nakakasilaw na liwanag ang nakita ko.

Nasa langit na ba ako?

"Ma'am gising na po, nandito na po tayo." Narinig kong sabi ni Kuya Driver. Akala ko nasa langit na kami. Nang makasanayan ko na ang liwanag ay umayos ako ng upo. Tinali ko pa ang buhok ko na nagulo at saka lumabas ng kotse.

Napanganga ako nang bumungad sa akin ang nagtataasang building. Napaliit ang mata ko nang basahin ko ang nakasulat sa building.

"Mckinley Hotel." Basa ko rito.

Hindi ko alam na ganito pala kalaki ang hotel na tutuluyan ko ngayon. Ang swerte naman pala talaga ni Allen at nagkaroon siya ng condo unit dito.

Humarap ako kay Kuya at sasabihin ko na sana na kukunin ko na ang gamit ko sa compartment pero nasa labas na pala. Lumapit ako sa gamit ko at kinuha ito.

"Thank you Kuya, ako na pong bahala sa gamit ko." Nakangiti kong tugon.

"Kaya niyo na po ba 'yan Ma'am?" Tumango naman ako sa tanong ni Kuya.

"Opo, diyan lang naman po 'yong condo unit ni Allen. Ako na pong bahala sa sarili ko, salamat po talaga. Puwede na po kayong umuwi, gabi na po oh!" Sabay turo ko sa langit. Napatingin naman si Kuya at napakamot sa ulo.

"Sige po Ma'am ah. Salamat din po, mag-iingat po kayo."

"Sige po Kuya, pakisabi na lang din po kay Allen na nakarating ako ng maayos, drive safe po." Tumango naman si Kuya at pumasok na sa loob. Hinintay ko pa siyang makaalis bago pumasok sa loob ng hotel.

Pagkapasok ko ay may mga taong nagsi-tinginan sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Alam kong maayos naman ang itsura ko. Inayos ko pa ng konti ang buhok ko at inilagay sa likod ng tainga ko ang buhok na lumilipad sa may mukha ko. Bakit pa kaya sila nakatingin sa akin? Nagagandahan ba sila sa akin? Napangisi nalang ako sa naisip ko. Siguro ay ayon nga ang dahilan.

Napahinto ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob. Nilibot ko ang paningin ko at napanganga talaga ng todo sa mga nakikita ko.

"Hindi ko alam na may mas gaganda pa pala sa labas." Napatingin ako sa malinis na pagkakaayos nito. May nakita pa akong grand piano sa gilid. May magandang chandelier pa sa gitna.

"Wow!" Namamanghang bati ko. Kahit siguro mahirapan ako rito sa Maynila, makakita lang ako ng ganitong tanawin araw-araw. Mawawala siguro lahat ng pagod ko.

Napatigil ako sa pag-iisip nang may bumangga sa akin.

"The heck?! Ang laki namang harang!" Sigaw niya sa harapan ko at pinulot ang gamit niya na nahulog.

Wow ah! Siya na nga ang nakabangga, ako pa ang nilait niya. Tinignan ko naman ang sarili ko at 'saka ko siya tinignan.

"Mas sexy pa nga ako sa'yo." Bulong ko sa sarili ko. Inirapan niya muna ako bago naglakad palayo.

His Secret Secretary (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon