Chapter 46

1.1K 39 1
                                    

Chapter 46

So In Love

-Shanela-

"Mommy, gusto ko po nito..."

Nilagay ni Vin ang isang balot ng cookies sa cart namin. Nag-grocery kasi ako para sa mga kailangan namin sa bahay para sa linggong ito, sumama naman sa akin si Vin. I decided to bring him with me so that he can also buy things that he wants.

"Okay, baby..." sabi ko at inayos ang mga pinamili namin.

Habang nag-iikot kami ay kinuha ko ang phone ko para i-text si Vince.

'Nasa grocery ako, kasama ko si Vin.'

Inaalalayan at binabantayan ko naman si Vin habang halos tumakbo na siya papunta sa gusto niyang mga pagkain. Hindi ko talaga alam kung bakit hanggang ngayon ay ang taas pa rin ng energy niya kahit gabi na.

"Baby, h'wag kang masyadong makulit baka madapa ka..."

Mabilis naman siyang huminto at humarap sa akin. "Sorry po, Mommy..." napalabi siya.

I smiled and walked towards him, I leaned to kiss him on his head. He smiled at me then moved to my side. Pinagpatuloy na namin ang pamimili. Tinignan ko ang phone ko para makita kung nagreply na si Vince.

'Okay. Text me kapag nakauwi na kayo. I'm not yet done with my work.'

'Okay! Don't worry, I understand.'

Iyon na lang ang sinabi ko bago ibalik sa bag ko ang phone ko.

Nasa counter na kami ni Vin ng may lumapit sa aking isang babae. She smiled at me.

"Hi!" she greeted. "I'm Carla Mendez from Manila Times. Ms. Shanela Alonzo, right?" she introduced herself to me at inilahad niya ang kamay niya sa akin. Nag-aalinlangan ko naman itong tinanggap.

"Uhm, hi..." I awkwardly said. Naramdaman ko na napahawak si Vin sa dulo ng damit ko.

She awkwardly laughed, napansin niya yata ang pag-aalinlangan ko. "I know this is not formal and this looks like an ambush approach but I will not interview you this time. I want to ask kung pwede..."

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita, part of me wants to agree but at the same time I don't want to gain any attention from the people especially that Vin's with me.

"Mommy, who's she?" inosenteng tanong ni Vin.

Bumaling sa kanya ang babae, she smiled and waved at my child. "Hi, baby! Ang cute mo naman..."

Vin smiled shyly. "Thank you po..."

"Uhm, what questions will you ask if I agreed?" kinuha ko ang atensyon niya.

"Ah! It's just about the issue before... you didn't give any statement before. Many people got curious about your decision. Many woman activist groups questioned your decision. Baka gusto mo lang bigyang linaw ang lahat... especially sa kung ano ang relasyon niyo ni Vince Saavedra." tumigil siya sandali. "He's life now is more private compared before, hindi na siya masyadong lumalabas sa mga magazines at nagpapa-unlak ng interviews. Of course, mas maraming nacurious... kasi nawala ka tapos naging mailap siya sa mga tao."

Napatango ako. Hindi ko alam ang mga sasabihin ko. "I didn't know that..."

She slightly nodded. "And then one day, we saw him at BGC na may kasama siyang batang lalaki..." she glanced at my son that's curiously watching us.

"Can you give me your card? I'll just contact you kapag nakapag-desisyon na ako..."

"Oh! Okay... okay..." aniya at mabilis na kinuha 'yung card niya sa bag niya at inabot sa akin. "I hope you consider this... we're willing to conduct the interview naman anytime."

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon