Chapter 06

1.4K 32 2
                                    

Chapter 6

Regret

-Shanela-

Hindi ko na maramdaman ang sarili ko habang naglalakad ako papasok sa kumpanya na pag-aari ng Vince Liam Saavedra na iyon. May parte sa akin na ayokong tumuloy pero kailangan ko itong gawin. Nag-usap na kami nila Mama at nung pamilya ni Denver nung isang araw. They were all worried about their situation right now. Sina Denver sa malapit ng magsara na kumpanya nila, ako sa kalagayan ni Mama na anytime pwede na siyang makulong dahil sa ibinibintang sa kanya. Lahat ng ebidensya ay ang Mama ko ang tinuturo.

Napatigil ako nung mapagtanto kong nasa entrance na ako ng kumpanya niya. I took a deep breath before I stepped inside. Agad naman akong sinalubong ng isang guard at may tinanong sa akin pero hindi ko halos maintindihan dahil sa matinding kabang nararamdaman ko ngayon.

"Ma'am?" I heard the guard called me. I blinked before I turned my attention to him.

"Uhm, sorry?" I said. Huminga ako ng malalim to calm.

"Ano pong kailangan nila?" he asked me.

"Uhm, ano po... can I talk to-" I didn't able to continue what I'm saying because someone behind me interrupted me.

"Kuya ako na po ang bahala sa kanya!" rinig kong sabi ng isang lalaki. Nilingon ko ito at nakita ang isang lalaki na nakatingin sa akin. Gwapo rin ito at mukhang gamay niya rin ang lugar na ito. He's handsome at parang tulad din ito ni Denver kung titignan.

"Ahh, ganun ba Sir Allen? O sige po..." sabi nito at iniwan na ako nung guard. Lumapit naman sa akin yung lalaki at ngumiti sa akin.

"Hi, si Vince din ba ang pupuntahan mo Miss?" he asked. Bigla akong kinabahan nung marinig ko na naman ang pangalan ng lalaking iyon. I suddenly want to go home.

Pangalan palang niya, nakakakaba na.

"Uhm, oo..." mahinang sagot ko sa kanya.

He smiled again and guided me inside. Sinundan ko naman siya at pansin ko na lahat ng tao ay binabati siya. Mukhang dito rin siya nagta-trabaho. Tahimik lang naman ako na nagmamasid sa paligid. Pinagtitinginan din ako ng mga tao at napapayuko na lang ako.

"Tara dito tayo," aniya at pina-una niya akong pumasok sa elevator. He pressed the last floor of the building then the door closed.

"Mukhang hindi ka pa napupunta dito, Miss." he said while smiling. Napatingin naman ako sa kanya at parang nakakagaan ang loob ang klase ng ngiti niya.

I nodded. Hindi pa naman talaga ako napupunta dito sa lugar na ito at hindi ko rin naman alam ito pati na rin ang may-ari nito ay hindi ko kilala. Para bang imposible naman talagang mag-krus ang landas naming dalawa.

Kaya bakit ginagawa niya ito?

"Kung si Vince ang pakay mo, heto dapat ang elevator sa sakyan mo. Exclusive lang kasi ito para sa kanya." I heard him said. "Uhm, mukha namang hindi ka babae nung lalaking yun para magpunta sa kanya ng ganitong oras. Sabihin mo sino ka?" he asked. I looked at him and I really find him cute based on how he looks at me.

"Ahhh, hindi pa pala ako nagpapakilala." sabi niya at pilit na tumawa habang nakamot ng ulo niya. Bahagya akong ngumiti dahil sa kanya.

He's wearing corporate attire but he looks like a kid. Si Denver, kahit na makulit iyon ay seryoso iyon pagdating sa opisina. Madalas nga niya akong pagsabihan kapag nasa opisina eh. Basta kapag trabaho, trabaho. Kaya nga Mr. Denver Lorenzo ang name niya sa phone ko.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon