Chapter 05

1.4K 27 7
                                    

Chapter 5

Friday


-Shanela-

In the end I decided not to tell my family or friends about what happened last night and a while ago. Pakiramdam ko ay mas lalo lang silang mag-aalala kapag nalaman nila ang tungkol doon. May problema si Denver... abala din si Mama sa aming negosyo.

Sinubukan kong alisin sa utak ko ang mga nangyari. I need to focus on my wedding.

Hangga't kaya ko ay hindi ko na muna iisipin ang Vince na iyon. Ayokong magpadala na lamang sa kanya. I'm sure... he's just playing. Hindi na dapat ako mangamba. Gaya nga ng sabi ni Denver ay masama siya. Maybe this is just one of his pastimes. Ang manira ng buhay ng iba.

I hope he'll get tired of this.

Naging abala kami ngayong araw dahil sa mga last preparations para sa kasal namin ni Denver. Inabala ko na lang ang sarili ko dito. Ako na lang at si Kaye ang nag-aasikaso dahil busy pa rin sa ngayon si Denver sa kumpanya nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam kung ano na ba talaga ang kalagayan nito. Naisip ko ngang sabihin sa kanya yung tungkol sa nangyari kagabi at kaninang umaga pero ayoko na siyang mag-alala pa sa akin.

Hanggang ngayon, natatakot pa rin ako. Natatakot ako sa mga sinabi niya at sa ginawa niya.

This is not a dream Gusto kong isipin na panaginip lang ito lahat pero hindi. Totoo na may Vince Saavedra na gumugulo sa amin ngayon.

Pero bakit niya 'to ginagawa? As far as I remember, we don't have any relation to him. Ako mismo ay hindi siya kilala kung hindi lang siya ipinakilala sa akin ni Kaye, kung hindi ko siya nakilala noong nasa Vera kami.

"Shan, kape o?" sabi ni Kaye na nagpabalik sa akin sa katinuan. Inilapag niya sa harapan ko ang inorder ko kanina. Pagkatapos ay umupo ito sa harapan ko at tahimik akong tinignan. I slightly smiled at her.

Andito kasi kami sa Figaro dahil kakatapos lang ng schedule namin doon sa caterer para sa kasal.

"Thanks," tipid na sabi ko bago ako humigop doon.

"Tulala ka na naman, meron na naman bang problema ha Shanela? Pansin ko nitong mga nakaraang araw masyado ka ng stress at malalim ang iniisip." puna niya sa akin habang pinagmamasdan ako. Napayuko naman ako at itinuon ang atensyon ko sa basong nasa table.

"Bakit ganun, Kaye?" mahina kong sabi at huminga muna ng malalim sandali. "Bakit kung kailang malapit na ang kasal ko tsaka naman nagkakagulo ang lahat, parang bigla nalang naging magulo yung sitwasyon..." I continued.

"Hindi ko alam ang sagot diyan Shan." Kaye said. Malungkot akong ngumiti.

"Huwag na lang kaya muna naming ituloy yung kasal?" halos napiyok kong sabi. Para bang may kung anong nabara sa lalamunan ko ng sabihin ko iyon.

Of course I want to get married to Denver. Ilang taon ko itong inantay pero bakit ganun? Bakit kailangang mangyari sa amin 'to? Bakit kailangang gawin sa amin ito ng Vince Saavedra na 'yun? Bakit niya sinabi sa akin ang mga salitang binitawan niya kagabi?

Ano ba ang kailangan niya sa akin? Kay Denver?

Naguguluhan talaga ako, wala akong makitang dahilan para gawin niya ito sa amin.

"Magpapatalo ka na lang ba sa mga problema niyo ha Shan?" mariing tanong sa akin ni Kaye. Pagod akong tumingin sa kanya.

"Pero kasi..."

"Shan, hindi ganitong Shanela Patrice Alonzo ang nakilala at nakasama ko. Huwag mong sabihing tutulad ka na lang din kay Emily na susukuan na lang ang problema? Shan, kilala kita, magkakaibigan na tayo noon pa man kaya kilala na kita, alam kong hindi ka ganito. Please naman, magpakatatag ka. Challenge lang 'to sa inyo ni Denver. May tiwala ako sa inyong dalawa. Ang tagal na ng pinagsamahan niyo." malungkot na wika niya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon