Chapter 24

1.4K 41 4
                                    

Chapter 24

Answers

-Shanela-

Nahihilo at medyo masama ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Wala na sa tabi ko si Vince, pero siguro ay nandoon siya sa walk-in closet dahil sa mga tunog na naririnig ko.

Bumangon ako pero hindi ako tuluyang tumayo. Humikab ako at napakamot ng ulo. My eyes is still sleepy and my head is still throbbing. Parang gusto kong bumalik na lang sa pagtulog.

"Gising ka na." Vince said as he stepped out from the closet. "Are you okay?"

I looked at him. He's wearing a black slacks and a white v-neck shirt with a black suit. He's now ready to go to work. Iiwanan niya ba ako dito? Hindi naman sa gusto kong isama niya ako pero... seriously? Mag-isa lang ako dito?

"Medyo nahihilo lang ako..."

Kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan ako. Umupo siya sa gilid ng kama.

"Do you want to come with me again?"

Napalabi ako sa sinabi niyang 'yon. "Ayoko nga, baka mamaya may babae na namang susugod sa opisina mo."

He smirked as he touched my face. "Nagseselos ka ba?" tanong niya.

Mabilis naman akong umiling. Hindi ako nagseselos at lalong hindi ako magseselos! Humalakhak siya sa naging reaksyon ko. Tinabing ko ang kamay niyang nakahawak sa akin at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"Ilang babae kaya ang pinangakuan mo na sila ang pipiliin mo pagkatapos ng lahat ng ito? Siguro inaantay na nila na matapos ka sa akin..."

"Wala akong babaeng pinangakuang sila ang pipiliin ko kapag tapos na ako sa'yo."

Talaga lang ha?

Nagkatinginan kaming dalawa. Deafening silence conquered us. He leaned closer to me, I slightly moved away from him. His intense gaze is intimidating me. Itinukod niya ang kamay niya sa gilid ko at mas lalo pang lumapit sa akin. His gaze never left me.

"Ba-bakit?" naiilang na tanong ko.

Hindi siya sumagot pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin.

"Huwag mo nga akong tignan ng ganyan..."

"Bakit hindi?" nanunuyang tanong niya.

"Nakaka-ilang!" sagot ko at bahagyang umatras.

Humalakhak siya at sinundan ako. I feel like he's teasing me using his intimidating eyes.

"Bakit ka naiilang?"

"I'm a mess. Kagigising ko lang!" singhal ko. Mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"You're not..." umiling siya. Mas lalo siyang lumapit sa akin si Vince at itinuko niya ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. "Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi ka kayang bitawan ni Denver. Kung bakit mahal na mahal ka niya..." seryoso at malamig na wika niya.

Natigilan ako sa sinabi niya may sasabihin pa sana ako pero hinapit niya na ang batok ko palapit sa kanya at siniil ng halik. Nanatiling nakabukas ang mata ko dahil hindi ko 'yon inaasahan samantalang mariing nakapikit ang mga mata niya at nakakunot ang noo. When his kiss went deeper, I slowly closed my eyes and let him conquer me.

Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. He continued kissing me as he gently pushed me back to the bed. Halos nalukot ko na ang suot niyang coat lalo na ng bumaba ang labi niya sa leeg ko. Halos manginig at kilabutan ako sa ginawa niya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon