SNAMMAI 01

253 9 0
                                    


 
Pagkagat pa lamang ng dilim ay agad na bumuhos ang napakalakas na ulan sa buong kamaynilaan, sabayan pa ito ng malalakas na hangin na humahampas sa mga bubong ng bahay na halos ang iba ay tila liliparin na. 
 
Sa gitna ng malakas na ulan ay may isang babae na tinatahak ang daan na kakakitaan na ng pagbaha, ngunit sadyang hindi ito sapat para mapigilan siya sa kanyang pupuntahan. 
 
Kalong ang dalawang sanggol sa kanyang mga bisig na walang humpay sa pag-iyak dahil sa pagkakabasa sa ulan at sa matinding lamig na nararamdaman, na sinasabayan pa ng malamig na paghampas ng hangin. 
 
Mababakas sa babae ang labis na paghabol ng hininga na para bang ito ay may tinatakasang panganib, sabayan pa ng mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. 
 
Ilang bahay din ang kanyang nilagpasan bago marating ang bahay na kanyang pupuntahan, di ganon kalakihan ang bahay na iyon.

Kung titignan ito sa labas ay sadyang kakasya lang talaga ang apat na tao at Masasabi na kahit papaano ay may kaya pa din naman ito. 
 
Nakailang tawag din siya ng 'tao po' sa bahay na iyon sa kung sino man ang maaaring abutan doon. 
 
Hindi naman siya nabigo dahil ilang saglit lang ay iniluwa ng pintuan ang isang babae sa bahay na iyon.
 
Pagkakita pa lang ng babae na nagmula sa bahay na iyon sa kung sino man ang tumatawag sa kanila ay dali-dali itong kumaripas ng lakad patungo sa kanilang gate. 
 
"cecilia?! Diyos ko! Napasugod ka! Ang mga bata! Naku baka magkasakit sila! Ano bang ginagawa mo?!" gulat na gulat na wika ng babae na agad pinayungan ang mag-iina. 
 
"ate martha, nagmamakaawa ako, kung maaari sana ay kupkupin mo na muna ang dalawang anak ko, huwag kang mag-alala ate, ipinapangako ko na gagawa ako ng paraan para mabalikan sila" pagmamakaawa ni cecilia na di alintana ang lamig na dala ng ulan. 
 
Tila hindi naman makapagsalita si martha sa sinabing iyon ng kanyang kapatid, ni hindi niya alam ang magiging reaksyon niya sa pakiusap nito.
 
"nako cecilia, may kahirapan din kami sa buhay, heto nga at nabaon kami sa utang dahil nakisabay pang mawalan ng trabaho ang asawa kong si nestor, buti pa ay pumasok ka muna sa loob ng bahay at sabihin mo na din ang iyong dahilan kung bakit kailangan mong gawin ito" paanyaya ni martha ngunit pinigilan siya ni Cecilia.
 
"ate wag na, wala na akong oras na magpaliwanag pa, parang awa mo na, ikaw lang ang tanging tao na malalapitan ko, please ate martha." pagmamakaawa ni cecilia na hindi na mapigilan pang maiyak ng lubos.
 
"kailan mo ba sila babalikan? Kasi sa totoo lang cecilia baka hindi ko kayanin na alagaan at suportahan ang dalawang ito, alam mo naman na may anak din ako" paliwanag ni martha sabay kuha sa isang sanggol. 
 
"basta ate, gagawa ako ng paraan para mabalikan ang mga anak ko sa lalong madaling panahon, maraming salamat" tugon ni cecilia sabay bigay sa isa pang sanggol. 
 
"saan mo ba balak pumunta?" tanong ni martha habang hirap sa pagpapakalma sa dalawang sanggol.
 
"bahala na ate, sana ay alagaan mo silang mabuti at ituring na parang anak na din" tugon ni cecilia na puno ng luha ang mga mata at agad itong tumakbo palayo. 
 
"cecilia?! Saan ka pupunta!? Cecilia?!!" pagtawag ni martha na hindi na ininda pa ni cecilia hanggang sa tuluyan na lang itong mawala sa kanyang paningin. 
 

**************** 
 

Labis na kaguluhan ang bumabagabag sa isipan ni martha habang inaasikaso ang dalawang sanggol dahil baka tuluyan pang magkasakit ang mga ito. 
 
Di naman nagtagal at napansin ng kanyang asawa na si nestor ang dalawang sanggol at agad na nilapitan ito. 
 
"martha? Anong ibig sabihin nito? Dalawang taon pa lang ang anak natin at nagdagdag ka pa ng alagain? Nahihibang ka na ba? Ano ang ipapakain natin diyan?" pagkadismayadong tanong ni nestor na talagang mababakas sa mukha ang inis. 
 
"pwede ba nestor? Sa tingin mo ba ay ginusto ko din na kupkupin ang dalawang ito? Kung hindi ko lang kapatid yung nagmakaawa ay hindi ko tatanggapin itong dalawang sanggol na ito ano!" tugon ni martha na halos kakatapos lang ayusan ang dalawang sanggol. 
 
"eh anong plano mo ngayon diyan? Baka bukas makalawa eh pare parehas na tayong mamatay sa gutom niyan?" si nestor na hindi mapakali sa kung ano ang gagawin. 
 
"magrelax ka nga lang, babalikan naman daw sila ni cecilia eh, pero bibigyan ko lang siya ng isang buwan, kung hindi niya magagawang balikan ang mga anak niya sa oras na iyon?wala na akong magagawa kundi ipaampon ang isa sa dalawang sanggol na ito" paliwanag ni martha na parang unti unting bumubuo ng plano sa kanyang isipan. 
 
"ikaw talagang babae ka hindi ka nag iisip, eh kung ipapaampon mo din lang, bakit hindi na lang natin ibenta? Magkakapera pa tayo. Eh, anong plano mo naman dun sa isa? Ba't di nalang silang dalawa ang ibenta natin?" sambit ni nestor na hindi mawari ang iniisip ni martha. 
 
"di ka din nag-iisip eh no, anung tingin mo sa akin ubod ng sama? slight lang ano, eh di dito sa atin yung isa, ano pa nga ba? malay mo ay magkaroon naman ng silbi sa atin ang isa dito" paliwanag ni martha sabay tingin ng makahulugan kay Nestor. 
 
"ikaw ang bahala, basta ibenta na lang natin yung isa, may kakilala ako, tiyak kong malaking halaga ang ibibigay noon, sa hitsura pa lang ng mga batang iyan tiyak approve na approve sa mga titingin" pagtatapos sa usapan ni nestor. 
 
 
MAKALIPAS ANG LABING PITONG TAON 
 
 
Kasabay ng pagtilaok ng manok ay ang maingay na hampas sa pintuan at bunganga ni martha ang bubungad upang gisingin si rylie. 
 
"hoy batugan! Bilisan mong bumangon diyan at ipaghanda mo na ng almusal at pampaligo sina andrew at shiela! Ako ay aalis na papuntang palengke para magtinda! Pagkatapos mo sa lahat ng gawain mo dito sa bahay ay sumunod ka agad sa palengke naintindihan mo?! Ayaw ko ng babagal bagal alam mo yan!" walang awat na bulyaw ng kanyang tiya martha. 
 
bawat umaga ay ganito ang eksena na nararanasan ni rylie, talak ng kanyang tiya martha ang unang gigising sa kanya.

Sapat na ang minsan mo akong inangkinWhere stories live. Discover now